Kabanata I

412 66 2
                                    

"EUNICE andito na ang mga tita mo kung tapos ka na mag ayos ay bumaba ka na" dinig kong sigaw ni mama mula sa baba. Hindi ako sanay lumabas kaya naman andito ako ngayon sa kwarto, nakakalat ang mga damit na naisukat ko na. Tumayo ako sa salamin at tinignan ng mabuti ang sarili, suot ko ngayon ang off shoulder na blouse na pinaresan ko ng ripped jeans. Maganda at maayos naman pero hindi ako komportable lalo na kita ang balikat ko. Napabuntong hininga ako at kumuha ng sweatshirt sinuot ko na rin ang salamin ko at pinusod ang medyo mahaba kong buhok, bumaba na ko dala ang mga maleta na dadalhin ko sa pagbabakasyon kila tita Mariel. Bakit kasi kailangan taon taon akong pumunta doon. Hayssa kainis talaga!

Ako si Eunice Marie Cortez, isang nerd na walang alam tungkol sa pag ibig. 18 years old at first year college din taon taon kailangan bakasyon namin kita tita Mariel na syang kapatid ni mama at ngayon na 18th birthday ko kailangan ko ulit pumunta doon. Bakit pa nga ba? Eh alam ko na ang family history namin. Mayaman kami dati at ang naging asawa ng lola ng lola ko ay isang General namatay ang lola ko at di na nakita pa ang general na yun ang bahay ng general na yun ay ang bahay nila tita Mariel na syang pupuntahan namin old Spanish house style iyon mansion din.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni tita Mariel. "Hija matulog ka muna habang nasa byahe mahaba haba ang byahe natin" rinig kong sabi ni tita Mariel habang nasa passenger seat sya,nagmamaneho naman ang asawa nyang si tito Robert. Magkatabi naman kami ng anak nya na pinsan ko rin naman na si Marian. Taon taon nagpupunta ako sa bahay nila tuwing birthday ko dapat daw alam ko ang family history namin. Tanyag ang mga ninuno namin na syang pinakamayaman noong panahon ng Kastila ang mga Cortez. Tanyag ito noon bakit hindi rin ngayon?

Napairap ako sa hangin sa naisip ko mabuti na lang siguro kong matulog na lang ako. Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyan nang nilamon ng antok.

Gabi na nang magising ako makarating na pala kame sa Poblacion Velloso bayan kung saan nakatira sila Tita Mariel. Bumaba ako sa kotse at mula sa labas ng kabayahan talagang malalaman mong mayaman ang dating nakatira dito. Luma na ang bahay na gawa sa kahoy ang bintana ay ganun din, inilabas na ni tito Robert ang gamit namin. Papasok na kame ng bahay ng may makita akong anino sa likod bahay.

Agad ko itong nilapitan pero tumakbo ito. Kinabahan ako na baka magnanakaw ito pero nanaig pa rin sakin ang sundan kung sino iyon. "Sino yan?" May kalakasan Kong sabi napansin kong wala na sila tita mukhang pumasok na sila nagpatuloy ako sa paglalakad. Shit! Bakit kasi nagpunta pa ko dito. Nakita ko ang lampara na nasa sahig. Aba! May lampara pa pala sila?

Di ko alam na may ganto pa sila tita ah. "Sa wakas.. Nagbalik ka.." Gulat akong napalingon sa likod ko. May lalaking nasa edad 20 na mahaba ang balbas nya pero hindi nito natatago ang kanyang kabataan sa ganda ng kutis nya wala syang wrinkles. Kataka taka naman na mahaba ang balbas nya nakasuot sya ng kamiso de tsino na nakikita ko lang sa movies.

"S-sino ka?" Nauutal Kong sabi, lumapit sya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Animo'y kilala na nya ako noon pa lang, nakita Kong namuo ang mga luha sa mata nya at agad syang tumakbo at naglaho sa dilim. Maya maya pa kumulog at kumidlat kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay.

"Eunice San ka galing kanina ka pa namin hinahanap" nag aalalang sabi ni tita Mariel.

"Ahh dyan lang po nagpahangin saglit" sambit ko sabay tingin sa labas.

"Hija tignan mo naman basang basa ka" napatingin ako sa sarili ko sa sinabi ni tita, "maligo ka na at magpalit ng damit sa kwarto mo. Eunice pagpanik mo bandang kanan pangalawang kwarto sa kaliwa nakaayos na ang kwarto mo at andon na rin ang maleta mo"

"Salamat po tita" paakyat na ako ng maalala ko ang lalaki sa labas "Tita? Sino po yung lalaki sa labas?" Tanong ko habang nakayakap sa sarili nilalamig na ko "Lalaki sa labas? Sino?" Nagtatakang tanong ni tito Robert sakin "lalaki po na may balbas nasa edad bente po sya sa palagay ko nakasuot din sya ng kamiso de tsino tito" napaisip sila at mukhang walang alam kung sino ang lalaki na nakita ko sa labas "Guni guni mo lang yon, there's no other people here. Ang tagal na namin nakatira dito" sambit ni Marian habang nagccp at kumakain.

Napatango na lang ako nagpatuloy sa pag akyat. Nakarating na ako sa kwarto ko. Thank God! Makakapagpahinga na ko hinubad ko ang salamin ko at humiga sa kama. Maayos ang kwarto ko kahit Spanish style ang ayos ng bahay moderno naman ang gamit. Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong basa ito. Nabasa pala ako ng ulan, inis kong hinubad ang lahat ng suot ko at nagpunta sa banyo.

Wow! May bathtub! Napatalon ako sa tuwa at dahan dahan na umupo doon. Nilagyan ko nang flower petals ang tubig at bath bomb kaya mabula ito at masarap maligo, tutal birthday ko naman ngayon regalo ko na ito sa sarili ko. Maligamgam din ang tubig kaya mas nakakaengganyo magbabad.

Napapikit ako sa sobrang komportable ng posisyon ko ngayon. Maya maya pa parang may dumagan sakin at tuluyan akong nilubog sa bathtub.

Nagpumiglas ako upang makaahon sa tubig ngunit di pa rin ako makaangat. Maya maya pa naramdaman ko na lang na unti unti akong inaantok at tuluyan na akong nawalan ng malay sa ilalim ng tubig.

Nagising ako sa lamig dahil wala akong suot kahit isa. Narealize kong nasa ilalim pa din ako ng tubig pero bakit parang lumawak? Agad akong lumangoy paangat at napasinghap at napahinga ng malalim ng maraming beses. Hinahabol ko ang hininga ko, muntik na akong mamatay doon ah.

"Sino ka?!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko. May lalaki! Nakahubad sya at nakaupo din sa bathtub. Nanlaki ang mata ko ng makita na nasa magkabilang dulo kame. Agad akong napayakap sa sarili ko nakahubd kame pareho!

Agad akong tumayo at nakakita ng tuwalya na nakasabit sa may pader ng banyo. Anong nangyari? Nasan ako? Banyo ko pa rin ito pero nagbago naging makaluma ang lahat nawala na rin ang salamin ang pinto na plastik kanina ay naging kahoy, hindi na rin tiles ang sahig at pader kundi kahoy! Bakit ako nandito

"C-clariza?" Napalingon muli ako sa lalaki na nasa bathtub pa rin ngayon mula sa galit nyang mukha ngayon ay puno ng takot at pag aalala.

A/N: THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY chayelii Please if you want ng book cover like that kindly message her.

Reminiscencia del AmorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora