Chapter 23 : End

Começar do início
                                    

Ang nagagawa ko lamang ngayon ay ang umiyak. Walang ingay, kundi pagtulo lamang nang mga luha ko ang nararamdaman nang mukha ko.

Bahala na... hanggang dito lang naman kasi talaga ang kahahantungan ko. Dito na rin lang naman ako mamatay kaya, bahala na.

May kinuha ang Dean na mukhang lalagyan. Kulay ginto, nakakasilaw, sa mundo nang tao, sigurado akong kinuha na iyan, sa hirap ba naman nang buhay?

Dito, mukhang wala lang naman sa kanila. Ang tanging nasa sa isip lamang ay ang orasyon na ginagawa nila.

Lumapit ito nang dala-dala ang gintong lalagyan, atsaka kumuha nang maliit na kutsilyo. Heto na nga talaga...

Inalalayan nang isa pa nilang kasamahan na siya na lamang ang naghawak sa gintong lalagyan, iniangat naman nang dean ang kamay ko, at saka itinapat ang kutsilyo rito.

Putikkk... okey na sana na mamatay ako, pero bakit sa ganiting paraan pa? Mas okey na sana kung diniretso na lang nila.

Gagawin na sana nang taong nasa harapan ko ngayon ang balak niya, kaso biglang may narinig kaming malakas na pagsabog sa isang tarangkahan.

Napa-igtad ito sa pagkakagulat, kahit ako nga mismo ganoon din ang naging reaksyon ko. Ano na naman kaya ang nangyayari?

Nataranta naman ang prinsipe at inutusan ang mga alagad nito na tingnan kung ano ang nagyayari sa labas...

"Ituloy mo lang" pagmamadali nang prinsipe. Tumango na lamang ang dean bilang sagot. Sabay dinaplisan ang pulsuhan ko.

Putiikkk... ang hapdi... isinahod naman nang lalaki na katulong nang dean.

"Pagbabayaran niyo lahat nang ito... mga walang hiya kayo, mamatay kayo, papatayin ko kayo" pasigaw kong saad rito. Mukhang wala lang naman sa dean at sa iba pa kung ano ang sinasabi ko.

Itinaas nang dean ang hawak nitong ginto na ngayon ay may laman na nang aking dugo.

"Fruevas...!!!" sigaw nang dean... hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin nito.

"Fruevas...!!!" Paulit na tugon nang iba. Pagkatapos noon ay lumapit ito sa ulunan ko na siyang kinalalagyan nang patay na katawan nang mahal na reyna...

At sa pagkakataong iyon... naudlot na ang gagawin nang dean, dahil sa malakas na sigaw... sigaw na para bang tumututol sa mga nangyayari ngayon. Sigaw na para bang galit na galit.

At nagulat ako sa taong nasa loob ngayon... at sa di inaasahan may mga bulung-bulungan na ang naririnig sa paligid.

"Bakit napasok ang mga bilanggo rito? Kailangan na nating matapos ito, lalao na at malapit nang mawala ang liwanag nang buwan. Patayin niyo ang mga iyan." sabay turo sa kaninang pwesto na pinaggagalingan nang boses.

"Iyon ang ayaw kong mangyari. Hintayin mo lang ako Crisha. Iaalis kita jan." saad nang taong sumigaw kanina. Ang tinig na iyon, galing sa mahal ko.

Napangiti lang ako sa sinabi nito. May binigay siyang senyas sa likuran niya, at unti-unting may mga anino nang mga kasamahan niya ang nasa likuran niya na ngayon.

Bakit? Bakit nakatakas silang lahat? Alam ko na, ang hiningi ko galing sa kwintas na binigay saakin. Doon nanggagaling nang lahat nang ito. Napangiti na lang ako.

Buti naman at gumana, ang akala ko hindi na gagana pa iyon, dahil hindi ko na natuloy pa. Nagkakamali pala ako.

Kasalukuyang nagkakagulo sa loob at labas nang palasyo, may mga pagsabog, pagguho nang kung ano-ano. Hindi maikakailang napakalakas nilang lahat.

"Kailangan kong makaalis rito, para matulungan ko silang lumaban, hindi ko kayang tumingin lang sa mga nangyayari ngayon." pinipilit kong pakawalan ang sarili ko sa mga kadenang nakalagay sa magkabilaan kong mga kamay at paa, pati na rin sa nakakawit sa leeg ko.

Princess Of Lightning [✅]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora