Chapter 5 : Meet Them

1K 40 2
                                    

《Chapter 5 : Meet Them 》

○○○○○○○○○○○○○○○

Crisha's p.o.v

*kringggg..... krinnnggg.... kringggg....* /electric buzzer/ humuhudiyat na tapos na ang isang araw na klase na nakakabagot, at nakakahiya din mismo.

Kitang-kita kong marami nang nag-sisialisan na mga estudyante. At ngayon naman ay nakabukas na ang malaking pintuan para makalabas ang lahat na nandirito sa loob.

"Uyyy...ano? Hindi ka pa ba aalis jaan sa kinauupuan mo?" napabalikwas na lang ako ng tayo dahil sa may biglang nagsalita sa may banda ng gilid ko, na kung saan nakaupo si Akiesha.

"Ahh.. ehhh.. patawad, sige aalis na ako" sabay kuha nang bag na kanina ay dala-dala ko, papasok dito sa school. Hahakbang na sana ako para aalis, kaso, nagsalita ulit siya.

"Nako naman, iiwan mona lang ako dito? Ang sama mo naman" napaharap ako sa kaniya na kanina ay nakatalikod ako para aalis na sana. At nakita ko naman ang mukha niyang nakabusangot.

"Joke lang, tara na nga, baka masarahan pa tayo rito" sabay lakad niya palabas. Sumunod naman ako dito. Habang lumalakad kami pabalik sa dorm namin, biglang may humarang saaming dinadaanan namin.

Nang makita ko ang mukha nito, hindi naman babae, kundi mga lalaki, oo mga, dahil apat silang lahat, na para bang sinadya nilang harangan kami sa dinaraanan namin. Kumunot-noo na lang ako sa inasta nila. Nagulat naman ako ng biglang yakapin ni Akiesha sa isa sa kanila, at tinawag na...

"Uyyy... Arthur, kamusta naman tubol kong kapatid" sabay alis sa pagkakayakap nito sa kanya. Na nakangisi pa sa harapan ng Arthur daw. Wait teka... sila ba yung... OMG. Mas mabuti pang umalis na lang ako rito. Mukhang nandirito lang naman sila para kay Akiesha. Patago sana akong lalayas, kaso nakita ako nang isa sa kanila.

"Heyy... ako nga pala si Raven Dour Reyes, 18 years old, Prince of Skull" sabay lahad nang kanang kamay nito, na para bang makikipag-shakehands. Dahil sa ayokong mapahiya, tinanggap ko na lang ito. At pinataas-baba ang aming mga kamay, na pormal lamang sa galaw.

"Ano nga bang pangalan mo?" tanong nito saakin. Napayuko na lang ako sa hiya. Sa totoo kasi, mahiyain ako kapag maraming tao, pero kapag iisa lang na tao ang gusto kong kaibiganin, kayang-kaya kong mag-transform.

"Ahmm...Crisha. Crisha Sophia Buenaventura, 18 years old." sabay yukod ko rito. Bakit ko iyon ginawa? Mga kagaya ko rin sila, kaya dapat lang na bigyan sila ng respeto.

"Ahemmm... Si Revrev natin nagdadalaga na... Ayyiieehhh" napa-ayos na lamang ako ng tayo, dahil sa malisyang iginawad nila sa kanilang kaibigan.

"Oo nga... baka di na tayo pansinin niyan kapag may jowa na. Hahahaha" sabay nakipag-highfive pa sa kaninang nauna sa kanilang nagsalita.

"Ako nga pala si Kieth Dein Ford, 18 years old, Prince of Ice. At ito naman si Airone Frobia Holker, 18 years old, Prince of Air. At iyong isang iyon na napaka sungit saaming apat na walang pakielam sa kung ano ang mga bagay na ayaw niya, siya si Arthur Jhon Cortell, same age lang namin, Prince of Fire, kakambal niya iyang gurang na kasama mo" mukhang nadinig naman yata ni Akiesha at nung kakambal niya ang pinag-uusapan namin, kaya ngayon papalapit na si Akiesha, pero iyong kapatid niya, parang wala talagang pakielam.

"Hoyhoyhoy... kayong tatlo, baka may balak kayo sa beshie ko huh, ayus-ayusin niyo lang iyang mga galawan niyong nakakabagot. Hmmpp..." saad nito, habang duro-duro niya ang tatlo, na pinaniningkitan niya ng mga mata ngayon.

"Besssssshhhhiiiiiieeeeeee" napa-lingon na lang kami bigla ng may biglang tumawag sa kung kanino man. Nakita kong may papalapit na dalawang nilalang. Ang isa ay parang tomboy kung umasta at ang isa naman ay pata yatang kilala ko. Oo nga pala si Dianne.

Tumakbo naman papalapit doon si Akiesha sa dalawa, nagbeso-beso sila bawat isa. Nang makita nila ako sa likuran, lumapit sila saakin at ayun si Dianne, sa kilala niya naman na ako, doon nagulat si Akiesha.

"Oo kilala ko na nga siya. Ako iyong gumamot sa kaniya noong sinugod sila ni Man- ahhh este, noong sinugod siya ng sakit. Kaya ayun, like duhhh..." saad nito, at kinindatan pa ako.

"Ok...ok... ahh siya nga pala Crisha, ito nga pala si Vienna Presia Villegas, the same age lang din saatin at siya ang Princess of Water. Medyo masungit iyan pero malambot din ang puso niyan." sabay siniko-siko niya pa ito sa gilid.

"Siguro, makakaalis na tayo, at siguro tapos na naman yata kayo?" napalingon kami sa nagsalita. Hmmm... parang familiar saakin ang boses ahh... pero baka guni-guni ko lang naman yata ang lahat ng iyon. Oo nga baka.

"Hayssttt... kakambal ko naman ehh... kainis ka, bonding na namin ito 'no, pero tara na nga, may point ka naman eh" sabay busangot, sumabay na ako sa kanila sa pag-uwi kaso, sa dorm ako, sila sa kani-kanilang mga kaharian, pero nasa loob lang naman ng akademiya, hindi naman gaano malayo.

"Ahmmm...guys, aalis na ako, dito kasi ang papunta sa dorm ko, at medyo malayo-layo pa kaya, alis na muna ako" saad ko sa kanila.

"Ok sige...byeee...." saad nito, saakin.

"Bye, Crisha, ingat ka" dagdag pa ni Raven. Ngumiti lang ako bilang, pagpapasalamat.

"Ayyiiehhh....ahem, ahem. Siya nga pala, aalis pa si Crisha, at malayo-layo pa, kaya tama na ang sat-satan jaan" saad naman ni Airone. Napatawa na lang kami sa inasta nila. Akalain mo iyon ang haharot ng mga ito.

"Sige alis na muna ako, ingat kayo" saad ko sa kanila, at umalis na. Ilang oras pa ang nakalipas, at nandirito na ako sa dorm ko. Nagbihis na ako, at nagluto ng makakain ko. At nang makaluto na ako, kumain na ako, at pagkatapos, siyempre, nilisan lahat ng pinagkainan ko.

At pumasok na ako sa tulugan ko. Habang ako'y nakahiga, inalala ko ang lahat ng nangyari ngayon, at napangisi na lang ako.

Pero, may isa akong kailangan kong matutunan, at hindi lang isa tatlo akong kailangan kong matutunan.

Una, paano ko maipapalabas ang kapangyarihan ko. Pangalawa, papaano, at kailan ko ito gagamitin. Pangatlo, kanino ko ito gagamitin. Haysstty... ang dami, pero ngayon, kailangan ko munang mag-aral at matutuhan ang lahat.

Hindi ko na pala namamalayang, naipipikit kona ang aking mga mata.

○○○○○○○○○○○○○○○○

To Be Continued...

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon