Chapter 20 : Meet The Prince

627 26 0
                                    

A/N💌:  Sa wakas Chapter 20 na rin...😉😂❤🌹

☆☆☆☆☆☆☆☆☆

《Chapter 20 : Meet The Prince

○○○○○○○○○○○

CRISHA'S P.O.V

Nagising ako sa kulungang, walang kaibigan man lang ang pinasama saakin, nagising ako sa kulungang ako lang ang nakakulong at walang maisip kung paano ako makakalabas sa lugar na ito.

Alam kong ito na ang ilang araw naming nilalakbay para lang mapuntahan ito nang walang nakakaalam, at ngayon, nandirito na nga talaga ako.

Sa tingin ko katapusan na naming lahat. Hindi man lang namin kayang basagin ang mahikang nakapalibot dito at pumipigil saaming magamit ang kapangyarihan namin.

Ngayong napasa-kamay na kami nang demonyong prinsipe na iyon. Sana mamatay na iyon. Bakit ba kasi nag-away pa ang ina namin, hindi man lang kasi makuntento sa mayroon ang reyna Valencia.

At isa pa ang walang hiyang anak nang reyna na iyon, alam niya na ngang namatay na ang ina nito, hindi man lang niya matanggap-tanggap na wala na ito.

Ako nga na namatay ang nanay ko, dahilan nang pagka-inggitera nang nanay niya, edi ayan pinatay niya nang walang kalaban-laban. Sana nga namatay nadin pala ako, para hindi na ako mapahirapan pa. At para hindi narin nagkakaganito, napahamak ko pa tuloy ang mga kaibigan ko.

Makaharap ko lang ugok na prinsipe na iyon dito, walang ano-ano pa atpapatayin ko iyon. Nakakainit lang nang ulo ang mga kagaya niyang tao.

Alam kong mahalaga sa kaniya ang nanay niya, syempre alam ko rin ang nararamdaman niya. Pero sana naman, huwag na siyang nandamay pa nang ibang tao, at sana nakipag-ayos na lang siya saamin.

Ayaw naming magkagulo, pero hinihingi nila iyon saamin. Okey sige ayan, ikinulong ako, hindi lang ako, mga kaibigan ko pa. Wala talagang kahihiyan.

Wala naman talaga sa bokabularyo niya yata ang mga iyon. Mga masasama nga diba? Kaya puro masasama ang balak, ideya, plano, at ugali.

Kakatayin ko talaga iyon. Ako lang talaga makalabas rito, magdasal na siya. Nakakapamwiset lang talaga.

Napabuntong hininga na lamang ako nang malalim. Kasi kahit na anong gawin kong pagwawala rito, wala parin akong magagawa. Nagmumukha lang akong tanga.

Teka nga lang...

Ang ibig-sabihin magagawa kong bumuhay nang isang patay? Kung magagawa ko man iyon, bakit hindi ko naisipan man lang buhayin ang sarili kong nanay.

Tanga naman kasi talaga ako. Bobo pa. Mahina pa. Mas malalakas pa nga ang iba saaking ordinaryo nga lang ang hawak na kapangyarihan. Tss...

Habang nagmumuni-muni ako at nakatitig sa liwanag na nagbibigay nang kaunting ilaw sa madilim na silid na ito. Talagang pinaghandaan nga naman nila.

E di wow?! Sarap sapakin nang mokong na iyon. Kung hindi pa nga lang siya nag-utos nang tauhan niya, e di sana nagkaharap sana kami. At napatay ko na sana siya.

Sus, parang kamai-kailan lang ibinababa ko ang sarili ko, tapos ngayon ang lakas-lakas na nang loob ko. Wow... napaka-amazing nga naman talaga.

Nakarinig ako nang tunog na pagkakabukas nang kulungan. Napa-angat naman ako nang tingin, at nakita ko namang may pumasok na gwapong nilalang.

Grabe, kinis nang mukha, mukhang ilang-araw nang hindi lumalabas nang bahay, ah este palasyo. Ang titig niya, parang... nakaka-hipnotismo talaga.

"Teka. Sino ka ba? Bakit may gwapong nilalang rito?" napangisi lang siya sa sinabi ko. Ang gwapo niya kung ngumisi ang cool niya pa kung tutuusin.

Lumapit siya saakin at lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko? Aba bastos naman pala itong mokong na 'to.

Nang makita niya ang titig kong napakasama sa kaniya, nginisihan niya lang ulit ako. At tumayo ulit. Ngayon nakayuko ang ulo niya saakin, na nakaupo.

"Ganda mo naman pala. Mapapasaakin ka rin. Sa tingin ko, magkakasundo talaga tayo nang sobra. Tama ba ako? Prinsesa ko?" napakunot-noo na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko lang ito inimikan at sinamaan parin nang titig.

"Pwee..." dinuraan ko na lang mismo ang paanan niya. Sayang nga lang ang gwapo niya kung ganiyan ang ugaling demonyo sa kaniya.

Mukhang nagalit yata siya sa ginawa ko, kaso hindi niya lang ito pinansin at taas-noo parin itong nakatitig saakin.

"Gusto ko ang ugaling iyan. Para walang makasagabal saakin, ano kaya kung..." napaisip pa siya, habang ang kamay niya ay parang naka-cross arms ang isang kamay tapos nakapatong ang isa niya pang kamay at parang hinahagod-hagod daw niya umano ang baba niya.

"Patayin ko na lang ang mga kaibigan mo. Maganda iyon. Sasang-ayon kaba?" sabay ngisi niya pa. Bastos na nga siya, baliw pa. Sayang ang gwapo niya.

"Tss... malamang hindi. Mag-isip ka nga, kaibigan ko ang mga iyon, tapos ipapatay ko lang sa kagaya mong baliw at bastos? Tss... asa ka pa." sabay irap ko rito. Nginisihan niya lang ako. Bakit ba, ngising-ngisi ang taong ito. Sarap basagin nang mukha. Pero sayang naman ang kagwapuhan niya pag ganoon. Huwag na lang.

"Baliw? Bastos? Sus gwapo naman." sabay tawa niya pa. Napa-smile na lang ako. Take note ang pagkasarkastiko doon.

"Pahinga ka muna jan prinsesa ko. May seremonyas pa kasi mamaya, baka mapagod ka. Bye-bye!" sabay talikod saakin. Hanggang ngayon nakatitig parin ako rito nang napakasama.

Hanggang sa sinenyasan na niya ang tauhan niyang isara ito. Pero bago niya ipasara ang pintuan, nag-pakawala muna ito nang flying kiss?

Ugghh... bwiseett...

"Nakakaloka..." kasabay noon ang tunog nang pintuan, na nagsasabing sinara na nga.

Sarap sanang mahalin ang ganoong tao, kaso baliw, bastos, at napakahangin pa. Hayssttt...

Nasaan na iyong sinasabi mong papatayin mo siya? Huh!...
*sabi nang utak ko.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

HAROLD'S P.O.V

Sabay sara nang tauhan ko sa kulungan. Huminga ako nang malalim, dahil sa ginawa ko. Kainis, bakit ba ako nagka-ganoon?

Siguro tama nga siya. Baliw na talaga ako, sa kaniya? Bastos nga naman talaga ako, pagdating sa kaniya?

Kaaway mo siya, tandaan mo iyan.

Saad ko sa sarili ko. Oo tama, kaaway ko nga siya. Gagamitin ko lang siya sa muling pagka-buhay nang mahal kong ina.

"Ahermm..." napabalik riyalidad na lang ako, nang may biglang nagpabalik noon. Nga pala, nakalimutan kong umalis kaagad sa kulungan.

Medyo napahiya ako nang kaunti roon. Naglakad na lang ako nang mabilis. Para iwasan ang titig nang tauhan ko. Na ngayon nakasabay parin sa likuran ko.

"Tsk."

●●●●●●●●●●

To Be Continued...

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon