Chapter 14 : Team Work

753 38 0
                                    

A/N
       Hey guyss... thank you so much for supporting my first made story. Sana po i-consider niyo parin ho ang grammatically wrong at mga typos ko sa story. Hope na suportahan niyo parin ho itong story ko kahit na napaka-waley lang✌ don't forget po to vote and comment if may mali man, and also don't forget to follow me po💕💕💕

●●●●●●●●●

《Chapter 14 : Team Work 》

Crisha's p.o.v

"Knock knock?..." tanong naman nitong si Kieth.  Akalain niyo, nakukuha niya pang mag-joke sa kabila nang misyong kailangang seryosohin.

Kaso mukhang magiging kabagot-bagot ang ganitong journey kung walang magpapatawa saaming lahat.

"Whose there!..." pasigaw at sunod-sunod naming pagkakasabi. Napapangiti na lamang ako sa kadahilanang napaka corney nang mga jokes nito ni Kieth.

"Sri Lanka" saad niya na may halong ngiti. Bakit may alam itong ugok na ito sa mga ganoong bansa sa Earth. Nakakamangha naman kung itinuturo rin sa White Fevia Academy iyang mga ganiyan.

"Sri Lanka who...!" Ganoon parin ang pagkakasabay saaming lahat. Mukhang maganda yata itong magiging joke niya ahh...

"Sri Lanka dududududu...Sri Lanka dududududu... bwahahahahah" mukhang sa Baby Shark niya kinuha ang tono. Siyempre waley parin. Kaso mukhang magkasundong-magkasundo sina Airone, kaya mukhang kahit hindi naman nakakatawa, suportado parin siya.

"Ano ba namang joke iyan Kieth. Napaka-waley." saad naman nitong si Akiesha. Haha... tama nga naman talaga eyy...

Pansin ko lang itong dalawang katabi ko, mukhang hindi umiimik. Siguro sa mga kagagawan ko dun sa laro. Haysttt...

Hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko, para lang maibalik ang dati nilang pagkakaibigan. Alam ko na simula noong nangyari ang laro na iyon, siguro doon din nagsimula ang hindi pagpansin saakin ni Raven.

"Ahermm...mukhang hindi man lang yata napatawa itong tatlo ah." hindi ko namamalayang sa kakaisip ko, mukhang napansin nilang hindi kami ngayon magkasundo.

"Ah-eh, hindi naman sa g-ga-ganoon." pilit kong tumawa, kaso sa kasamaang palad mukhang hindi sila nakumbinsi doon.

"Sus... wag nang magmaang-maangan pa, napaka-obvious naman talaga eh" inis na pagkakasabi ni Vienna. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan.

"S-soorr-" hihingi na sana ako nang tawad kaso mukhang hindi na ako pinatuloy pa sa sasabihin ko.

"Even you..." ang kaninang napakatahimik na Arthur, mukhang nabulabog narin namin.

"Tss...anong ikina-obvious sa pagkakasabi ko huh? And don't you tell me na kinakampihan mo iyang babae na iyan? Tss... wala kang pinagka-iba sa kaniya Arth-"

"Shut your fuckin' mouth b***h" matigas at napaka-cold niyang sinabi ang bawat lumabas sa kaniyang bibig. Nakakakilabot. Nakakapanindig balahibo.

Dahil sa mga sinabi ni Arthur, napatigil na lamang si Vienna. Mukhang walang takot si Arthur kahit na wala siyang kalaban laban sa kapangyarihan ni Vienna. Kahit ganoon pa man, mukhang takot parin itong si Vienna sa kaniya.

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon