Chapter 23 : End

1K 38 0
                                    

《Chapter 23 : End》

○○○○○○○○○○

CRISHA'S P.O.V

Kainis paano ba ako makakalaya sa napakahigpit na kadenang ito? Ihiniga na nga ako, pinupulot pa akong parang isang lamang-loob.

Ang sakit pa naman sa likuran itong batong hinihigaan ko. Nakakahilo din tingnan ang mga palamuting maka-luma na, tapos pati na rin ang mga torch at kandila.

May mga nakatayo ring mga tao, mukhang mga palamuti din sila. Magkabilaan naman talaga kasi. Balanseng-balanse ang pagkaka-ayos nito.

Ang tanging kaya kong gawin ay ang itagilid ang ulo ko nang mag-kabilaan. May mga mukhang mga mongheng demonyo na nakasuot nang itim na cloak.

Linyang-linya talaga silang lahat sa harapan ko. Para talaga akong hayop na ready nang katayin maya-maya.

Kita ko naman sa itaas ang hating buwan pa. Malapit nang maging bilog ito. Siguro ito na ang hinihintay nila. At oras na para sa pagkatay saakin.

Ngayon ko pa lang naisip na makaramdam nang takot. Takot na takot na talaga ako, gusto ko nang makaalis rito. Naka-gown pa ako, ano ito? Para tayong baliw dito.

Mamamatay na nga lang tayo, ganito pa. Gusto kong mamatay sa maayos na paraan, at hindi rin mukhang baliw.

Nabaling ang atensyon ko sa taong paparating ngayon. Naka-cloak din ito, kaso ibang-iba ang pagkaka-disenyo nang tela.

May gintong kulay nito. Nang makarating na siya sa daatnan niya. At iyon ay ako, may tiningnan siya sa isang banda. Malapit sa uluhan ko. Hindi ko man makita, pero sigurado akong iyon na ang bubuhayin nila, gamit ako.

Panigurado ding ang prinsipe ay nakatitig sa ina niya. Mamas boy nga talaga ito.

Bago mag-simula ang naka-cloak na ewan ko kung sino, tinanggal niya ang pagkakatakip nang ulo niya. At doon ko nakita ang Dean?

Ano ito? Totoo ba ito? Bakit nandirito siya? Ginamit din kaya siya? Tinakot, o di kaya naman-

"*chuckles* Ang galing ko nga naman eh ano? Biruin mo, nauto ko pa kayo. Hahaha" mala-demonyong pagkakangisi ang aking nakikita ngayon sa kaniya.

"Ba-bakit ni-niyo p-po na-nagawa sa-saamin ito?" utal utal kong pagkakasabi nito. Sa totoo lang naiiyak na ako.

At tama nga, tumutulo na ang luha ko, na bumabagsak sa batong hinihigaan ko ngayon. Awang-awa naman siyang nakatingin saakin, kaso unti-unti na lamang itong tumawa.

"Napaka-b*b* niyo nga naman eh ano. Una sa lahat para malaman mo, simula pagkabata pa lamang nandirito na ako lumaki. Pangalawa gusto naming mapasaamin ang mayroon ang White Fevia. Pangatlo umo-o talaga ako sa plano nang prinsipe saakin, para mabuhay niya muli ang mahal na reyna. Ang tunay at napakalakas sa lahat nang nasa mundo nang Fevia. Kaya kung ako sayo, huwag mo nang sayangin ang oras namin at hayaang ipatuloy na ang plano." sabay ngisi nito saakin.

"Ang akala ko pa naman, kakampi ka namin, kaso nagkamali kaming lahat. Ikaw na ang tumayong nanay sa akademiya. Tumayong maayos na leader sa mga guro at pati narin saaming mga estudyante. Pero nagkamali pala kami nang pagkakakilala sa iyo. Isa kang demonyo, katulad mo rin silang lahat. Walang awa." saad ko rito nang pasigaw, habang umiiyak.

Nginisihan niya lang ako at ipinitik ang mga daliri nito, at nagsimula na nga. Wala na talaga. May mag binubulong sila na kung ano-ano.

Isa lang ang nararamdaman ko, awa. Awa, dahil nagawa nila nang lahat nang ito dahil sa ina nang prinsipe nila. Dahil sa tindi nang pagmamahal nito sa ina.

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon