Chapter 10 : Truth Or Dare In A Mission

885 32 0
                                    

《Chapter 10 : Truth Or Dare In A Mission》

●●●●●●●●●●●

Crisha's p.o.v

"Mga inutil talaga kayong lahat... wala ba talaga kayong magandang paraan para mapatay-patay ang reyna ng White Castle? Mga inutil" pasigaw na saad nang babaeng nakasuot nang korona. Isa siguro siyang reyna? Siguro...

'Teka, bakit nga pala ako nandirito?' tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa nagulat na lamang ako nang may biglang niyanig ang loob nang kastilyo.

'Anong nangyayari?' may biglang nagtakbuhang mga alagad nang reyna sa labas, upang tingnan kung ano ang nangyayari. Sumabay na lamang ako sa kanila at laking gulat ko na lamang nang makita ko ang buong paligid na nagkakagulo at nagpapatayan.

Dahil sa mga nakikita ko ngayon, mukhang hindi ko na yata namamalayang tumutulo na pala ang aking mga luha na hindi ko man lang alam kung bakit. Parang dinudurog ang puso ko sa mga nangyayari sa buong paligid. Ang daming patay... ang daming mga dugo ang umagos sa paligid...ang daming bagay na nangyari nang hindi maganda.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Habang pinag-mamasdan ko ang lahat, nabaling ang aking atensyon sa isang mag-ina, batang babae na umiiyak, nakita kong pilit niyang abutin ang kaniyang ina, kaso pilit rin siyang inilalayo nang isang dalagang babae. Parang kilala ko ang mukha nang dalaga. Parang...si...Manang? Napahagulhol na lamang ako sa mga nangyayari. Alam kong itinakas ako nang Manang, dahil iyon ang utos sa kaniya nang ina. Sa kabilang banda naman, nakita kong nakatakas na ang dalawa, kaso nakita ko naman ang aking ina na duguan, at andaming mga sugat na natamo sa kaniyang mga katawan.

Kasabay naman noon ang isang babae na kasin-edad niya lamang, siya iyong kanina na reyna na una kong nakita. Unti-unti siyang lumalapit sa aking ina, at kasabay naman noon ang patuloy na pag-atras nang aking ina. Naaawa ako sa kalagayan ng nanay ko. Kaso wala akong magawa, kundi panoorin an lang ang lahat. Mukhang tatakas na sana ang aking ina, kaso hindi sya ganoon kabilis, dahil sa pa-ika-ika na ito, kaya...

"Sige tumakas ka hanggat sa makatakas ka kung kaya mo... Hahahahahahhaha!!!" mala-demonyo niyang saad. Sa hindi ko inaasahang mangyayari, hindi pa man nakakalayo ang aking ina, bigla na lamang nagpakawala nang napaka-lakas na enerhiya o mahika sa mga kamay nang reyna. Dahil sa gusto kong iligtas ang aking ina, sinigawan ko ito ng sinigawan kaso, hindi niya ata madinig, hanngang sa huli na ang lahat... may matinding pagsabog na akong nakita sa aking harapan. Napakaliwanag... Nakakasilaw...

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Hinihingal ako, dahil sa masamang panaginip ko. Matagal-tagal na akong hindi nakakaranas nang ganito. Matagal na panahon na.

"Buti't nagising na kita, kanina ka pa humahagul-hol jan. Okey ka lang ba?" nakita ko naman si Raven, kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Umupo na lamang ako nang maayos at tiningnan ang buong paligid. Parang hindi ito ang kalesa ahh. Parang nasa labas yata kami? Nasa labas nga talaga.

"Ahh oo nga pala, dito muna daw tayong lahat sa labas magpahinga, kasi hindi naman tayo magkakasya sa loob nang kalesa" saad niya saakin.

"Ahmm... salamat nga pala Raven. Nasaan na nga pala silang lahat?" pag-iiba ko nang topic. Kasi parang kami lang naman talagang dalawa ang nandirito.

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon