Chapter 6

63 4 10
                                    

Hi, guys. I just started writing after 7 years. The last time I finished a story here was when I was still 11 y/o :( , so please bear with me if there are some errors that you'd notice. I also like to know your thoughts like what do you think of this story so far :) Please don't hesitate to leave comments or messages. I'd be glad to know what else I can do to improve. This will only be around 35 chapters. Thanks!

I hope you would enjoy this chapter. It took me a while to write this one.

WARNING: Read at your own risk. Some scenes might be triggering to some people.


Chapter 6


Run

****


"I don't want to bother you, Schan. Magkalayo tayo ng way," paliwanag ko. Gusto ko talagang diretsuhin na lang sa kanya ang pagtanggi ko dahil hindi ko naman talaga gusto ang ideya na hinahatid ako kung kaya ko naman umuwi nang mag-isa kaya lang, nahihiya naman akong aminin kay Schan 'yun at baka magtampo pa siya bigla sa pagtanggi ko.

"Gusto kong gawin 'to, Raya." 

Seryoso niyang sinabi iyon. Halos pigil ko pa ang hininga ko dahil sa nakakatunaw niyang titig sa akin. It's like his eyes were telling me something words can't say. His eyes are very expressive. Bahagya pa akong napasandal nang ipatong niya ang kamay niya sa inuupuan ko, na para bang nakaakbay sa akin.

"Bakit, Schan?" Tiningnan ko siya at alam kong halatang-halata naman sa mga ipunukaw kong tingin sa kanya ang pagtataka. May namumuo ng ideya sa isip ko kung bakit niya ginagawa ito sa akin lalo pa't nitong nakaraan ay lalong tumitindi ang pang-aasar ni Schannah sa akin sa kanya, at kapag tinatanong ko naman kung bakit ay mas maganda na raw na sa kuya niya na lang ito manggaling.

Pero madalas, inaalis ko na lang sa isipan ko ang ganoong ideya dahil ayoko rin namang maghinala at sa huli'y malalaman ko lang na mali naman pala ang naiisip ko.

Inalis niya ang kamay niya sa upuan ko at umayos nang pagkakaupo.

Ngumiti siya. Kung tutuusin, napakaganda rin ng itsura niya. Chiseled jawline, straight edged nose, heart-shaped lips, and above all, upturned hazel eyes that make you feel unworthy to be looked at. I let out a heavy sigh. If only my eyes have not been fixated on someone else, he'll definitely allure me.

"Wala, Raya. Just let me, please?" And now, his eyes were pleasing.

Wala akong nagawa kung hindi tumango na lang. Right now, I don't see anything wrong with the idea of him driving me home, if he insists. I don't think he intends to cause any harm kaya pumayag na lang din ako. Besides, whatever I am thinking, it might not be the reason why he wants to do this. He has not confessed anything, so who am I to assume that this means something?

Kinalas ko na ang seatbelt ko. Habang ginagawa ko iyon ay mabilisan niya ring kinalas ang kanya at lumabas ng sasakyan. Tiningnan ko pa kung saan siya pupunta pero umikot lang siya sa harap ng kotse at pumunta sa tapat ng unahang passenger seat kung nasaan ako. Binuksan niya ang pinto.

"Thank you." Nginitian niya lang ako at ganoon din ang ginawa ko. 

"Salamat sa paghatid. Magkita na lang tayo bukas," paalam ko. Tumango lang siya. Ilang segundo pa kaming naghintayan doon at nakatayo lang. Ako, hinihintay kong sumakay na siya ng sasakyan niya at umalis na. 

"Mauna ka na. Aalis ako 'pag nakapasok ka na sa inyo," nahihiya niyang sinabi. Natawa ako nang mahina sa dahilan niya.

"Sige, mauna na ako, ha?" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dead EndWhere stories live. Discover now