Chapter 5

54 4 18
                                    

Chapter 5


Something


***

The pain as he did that was excruciating. I can't even think of what should I say nor the energy to squirm. Was it supposed to be this unbearable?

Tiningnan ko siya, nangingilid na ang luha sa magkabilang-mata. I wanted him to stop.

"Cassius, a-ang sakit n-na.." Naiiyak kong sinabi, pero parang wala siyang narinig. Nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"Cassius..."

Sobrang hirap ipaliwanag ng sakit na naramdaman ko habang sinusubukan niyang alisin ang lason ng ahas sa katawan ko. The pain was too much that my legs are starting to shake and feel numb.

After a few more minutes of what felt like a near-death experience, bumitiw na siya. Maingat niyang binaba muli ang binti ko habang nakaalalay sa bewang ko ang kaliwang kamay niya habang ang kabila ay hinawakan ang palapulsuhan ko.

His hooded eyes were very dark. His expression was dreadful. Natakot ako at bahagyang naihakbang paatras ang kanang paa. Muntik pa kong mawalan ng balanse pero agad niya rin naman akong nasundan at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

For a minute or so, no one  dared to talk. Dinig na dinig ko ang malalim niyang pagsinghap bago siya gumalaw sa pwesto namin.

"Let's go." Pagbabasag niya sa katahimikan. Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Sinubukan ko maglakad kaya't bahagyang nawala ang pagkakahawak niya sa akin. Mariin niya naman akong hinila pabalik sa kanya noong akmang hahakbang pa lang ako nang ikalawang beses.

"What are you doing?" He whispered, sounding annoyed. Tiningnan ko siya. Hindi ko man ganoon kaliwanag nakikita ang mukha niya, nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Walking?"

"Yeah, thanks. I didn't know that it was walking." His tone is full of sarcasm now. Umirap ako.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at pinagpag ang ilang putik na tumalsik sa paa.

"Of course, we'd walk. Wala kang kotse at hindi naman lalapit dito ang bahay ko." 

Napailing siya at napahawak sa noo. Is he annoyed? What does he want, then?

"Pumasan ka sakin." He commanded. He sounded really authoritative, but I did not oblige. Nakakahiya naman! Natatakot din akong baka mabigatan siya sa akin.

"No. I don't want to--"

Akmang maglalakad na ulit ako nang bigla niya akong buhatin at walang kahirap-hirap na pinasan sa likod niya. Napakapit na lang ako sa takot na mahulog bigla. He's tall, alright!

Napatili ako sa gulat dahilsa ginawa niya. Bahagya ko pang pinalo-palo ang balikat niya. Napatigil ako nang maramdamang matigas ang muscles niya doon. Uminit ang pisngi ko sa naisip.

"Ibaba mo ako, pwede ba?" pagpupumilit ko.

"I am not asking for your approval, Raya." Mariin niyang sinabi, ignoring my protest.

"I can walk on my own! Hindi naman ako baldado o ano. Ibaba mo ako!"

Nagulat ako nang bigla niya nga akong binaba. Bakit niya nga ako sinunod? Napairap ako at tinalikuran siya. Narinig ko pang natatawa siya nang mahina dahil sa pagkabigla ko nang ibaba niya ako.

"Bakit parang dismayado ka ata na binaba kita?" may panunuya sa boses niya at hindi ko gusto iyon. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Dead EndWhere stories live. Discover now