Chapter 3

45 4 2
                                    

Chapter 3


Wound


*****

Nakahinga lang ako nang maluwag nang lumingon ako at nawala na siya sa paningin ko.

Hindi ko alam kung bakit nakakaintimidate ang presensya niya. Dahil ba sa katangkaran niya? Kakisigan? Itsura? Ngunit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang tipong mababaliw agad sa panlabas na mga katangian.

Maybe because everything about him seems strange. Nagtatrabaho siya sa warehouse, sa gitna ng bukid. At nakasisiguro naman akong pabalik-balik ang mga tulad niyang trabahador dito sa initan sa labas. Iniinda ang bawat mahapding paghaplos ng sinag ng araw sa mga balat nilang tila kumapal na sa dami nang ginagawa. 

Pero, iba siya. His skin is not even tanned, nor gets red when sunlight reaches him. He looks strong but kind of delicate.. soft.. he's pale white.

He looks out of this world. Like a god that descended from heaven. As if heaven was too much for someone who looks as fascinating as him.

Napailing ako. I need to get these thoughts out of my mind. He's just someone I met yesterday, yet my mind is so familiar of the smallest details about him, as if he's been there for a very long time. As if I have been thinking of him from the very beginning of my existence.

People who have pale white skin are often perceived as sick or anemic. That's why Mommy and I have always kept in mind to put some make-up on, so people won't think that there's something wrong with us, because clearly, we're normal and fine.

"Raya, may sakit ka ba?" Halos araw-araw iyan naitatanong sakin ng mga teacher ko. At paulit-ulit lang ang aking sinasagot.

"Hindi po, Miss. Maputla lang po talaga ako tingnan.." Iyan naman ang madalas kong tugon dahil 'yan naman ang totoo.

Buong junior high ko tuloy, hindi ako nakaligtas sa ilang pang-aasar ng mga kamag-aral ko na mukha raw akong multo. Nakakatakot at mukhang may sakit. Hinayaan ko na lang iyon.

Pagtuntong naman ng senior high ay nakabawi ako sa dami ng kaibigan. Maraming naging interesadong kausapin ako. Marahil ay hindi na nakakatakot ang itsura ko. Pupwede na kasi ang mga kolorete sa mukha noong mga panahong iyo. Kaya't hindi na muli ako pumasok nang walang make-up. Nagalit si Mommy na binubully ako dahil doon. Aniya, pareho kami ng karanasan kaya siya na mismo ang nagturo sa akin kung paano mag-ayos ng sariling mukha.

Pero nakapagtataka, he doesn't even cover his face with cosmetics. Yet he doesn't look sick. Instead, he looks incredibly gorgeous.

I wonder if the only thing that makes me constantly think of him is the fact that the root of my insecurities would never seem to bother him at all.

I hate it. I can only make friends when I can blend in well and look normal. While for him, we're not even friends but he affects me this much. Paano pa kaya ang mga nakakasama siya at nakikita nang malapitan?

Tinuloy ko na lang ang pag-iikot sa area ng mga refrigerator. Sa tingin ko, hindi naman ako makakabili agad ngayon. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin kung alin ba ang magugustuhan ko at kakasya sa kusina namin sa bahay. Tatandaan ko na lang ito at iyon ang sasabihin ko kay Mommy.

I hear a girl laughed a bit loud. Napalingon ako sa bahagi kung saan ko nakita ang lalaki kanina.

He's there again! But with someone else. It was probably the girl who laughed. Nakangiti ang babae at masyadong malapit ang mukha nito sa kanya. Who is she? His girlfriend?

Dead EndWhere stories live. Discover now