Maglalakad na sana ako papunta roon when someone overtakes. Huminto rin siya at lumingon sa akin.

“Ah, you can have that chair, Nurse Zella,” nakangiting aniya. 

I shook my head, attempting to hide my introversion. “Hindi na, Doc, you can have it,” sabi ko at agad na akong tumalikod. 

Nakakahiya! I looked so stressed and unsightly! Hindi ko pa naayos iyong buhok ko and I didn't do some retouch nang pumunta ako rito sa cafeteria. Kainis!

“Sa'n ka kakain?”

OMG! Hindi ko man lang napansin na sinusundan niya pala ako!

“Ahh...”

Pwede naman akong kumain doon sa station namin, kaso nandoon si Aaron at hinihintay ako. Tss! He wanted to talk, pero para saan pa? Guguluhin niya na naman ang buhay ko.

“My office is free, we can have our lunch there,” aniya. 

Damn! I could actually feel how my heart palpitates so weird! My God, Doc!

“I also wanted to ask you about your best friend,” dagdag niya. 

Huminto kami sa tapat ng elevator. Aaminin kong may kirot sa puso ko. He already knew that Cora is my best friend. Sabi niya, he stalked my Instagram account at nakita nga niya ang mga litrato namin ni Cora. Haay!

Wala na akong nagawa pa at sumunod na lang sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa opisina niya. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana, pero I have to look fine. Mamaya ay maghinala pa siya kung bigla kong tanggihan ang offer niya. 

Inilapag niya sa mesa ang bitbit niyang tray at kinuha ang isang plastic chair. Inilagay niya iyon sa harap ng mesa niya and gestured me to sit. Naupo na rin siya sa swivel chair niya. Para tuloy akong pasyente niya ngayon at nandito ako for my monthly checkup dahil sa setup namin.

Tahimik lang kaming kumakain. I'm waiting for him to start the conversation. Nahihiya talaga ako at medyo nakakaramdam din ng selos. Haaay! Super mali. I love my best friend. Hindi dapat ako nagseselos that my crush wants to talk about her kaya ako nandito sa opisina niya. 

“Ahh, I'll be candid with you, Nurse Zella, paano naging boyfriend ni Cora si Jared?”

I didn't know he's curious about that thing. Siguro he still has feelings for Cora? Wow! After ten long years, si Cora pa rin?

“Hmm, niligawan siya ni Jared?”

Well, I'm also not sure what will be my answer. Hindi ko pwedeng sabihin na lang that they're just in a fake relationship so he doesn't need to worry.

Bahagya naman siyang natawa. “I mean paano sila nagkita ulit?” tanong niya. 

Hindi ko ipinahalata na nagulat ako. Nagkita ulit? Did Cora and Freiya met before?

“Ahh, maybe Cora didn't tell you what happened between them in the past,” muling usal niya. 

Ano bang pinagsasabi nito? Nagkakilala lang naman si Cora at Freiya dahil si Freiya ang right gay ni Cora para sa revenge thingy niya. Anong what happened between them in the past? Anong alam nito na hindi ko alam? 

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now