CHAPTER 25

2.6K 129 54
                                    

CHAPTER 25

ZELLA'S POV

"Hi, Angelo," nakangiting bati ni Doctor Troy sa pasyente niya. Ibinigay ko naman agad ang records ni Angelo at nakangiti niya iyong inabot.

It's been a week that I am working with Doctor Troy. Grabe, mapaglaro talaga ang tadhana! Of all the registered nurses that are working in this hospital, ako pa talaga ang napunta sa kanya. Gustong-gusto niya naman dahil lagi naming napag-uusapan si Cora. Hehe.

Speaking of Cora, naalala ko lang iyong sinabi niyang...

'Whenever we hold hands, something's bothering me. I don't feel safe and secured. Yes, I trust him, but I still feel something weird. At hangga't sa hindi ko 'yan naiintindihan, I think I can't like him back.'

She can feel it yet she doesn't know what was that something constantly bothering her. Hindi kaya iyon ay ang nakaraan nila?

Ugh! Kailangan ko na bang sabihin para mapag-usapan nila? Pero, natatakot ako sa magiging outcome nito. Baka pag-awayan nila. I'm rooting pa naman sa mangyayari sa kanila in the future. Nakikita ko kasi talagang masaya sila kapag kasama ang isa't isa.

"Nurse Zella?" I was back in reality when Doctor Troy called me. "Can you give me Joseph's record?" aniya at para naman akong natatarantang ibinigay iyon.

Damn! I forgot nasa tarabaho pala ako. I should focus on my work first.

"What's the next room?" he asked as we're walking down the hallway.

"Room 156, Doc," I replied.

He opened the door and greeted his patient with a smile. "How are you, Danica?" he asked, while he's looking into her records.

"I'm feeling better," sagot naman ng bata.

"Ohh, that's good," nakangiting aniya. Nilingon niya ako at agad ko naman siyang tiningnan.

Hay! Buo na ang araw ko. Kapag tinititigan niya ako na para bang ako ang pinakamaganda sa buong mundo ay hindi ko talaga napipigilang palihim na kiligin. Bahala na kung gusto niya pa rin si Cora, ang mahalaga ay ako naman iyong kasama niya araw-araw.

"Before 5 PM, give her paracetamol and ibuprofen. If ever 'di na bumalik ang lagnat niya bukas ng umaga, she can be discharged at night," seryosong aniya.

Ang gwapo ni Doc kapag nakangiti, ang gwapo niya rin kapag hindi. Paano ba ito ginawa ng Diyos?

"Continue drinking water, Danica, ha? Para mabilis gumaling, 'wag rin palaging higa nang higa para 'di ka manghina," habilin pa nito saka siya lumipat sa isa pa niyang pasyente.

After doing his rounds, tinanong niya ako kung gusto ko ba raw siyang samahan na mag meryenda. Syempre, tumanggi ako, pa-hard to get kunwari. Chos!

"Come on, Nurse Zella, I don't like eating alone."

Sige pa, Doc, konting pilit pa.

"Pero, Doc, I still have to monitor some patients-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hawakan niya ako sa balikat. OMG! Simpleng hawak lang naman iyan, pero gustong-gusto ko ng ngumiti nang sobrang lapad, kaso bawal, baka mahalata niyang crush ko siya.

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now