Lumapit pa ako ng makitang hindi man lang sya sumagot sa paratang ko, ang lagay ba eh tatakasan niya ang gulong ginawa niya?

"Hoy!" Pinukpok ko ang suot nyang helmet.

"Wag kang magtago jan, harapin mo ko at bayaran mo ang pagpapa carwash sa sasakyan ko!" Mas nilakasan ko pa ang pukpok sa helmet. Ayaw matinag.

Unti unti niyang tinanggal ang helmet at inayos ang magulong buhok dahil sa pagkakatanggal nito.

Mama, nasa langit na ba ako. Shit! Bumungad sakin ang napaka gwapo niyang mukha. Sya na yata ang pinakagwapong mukha na nakita next to Zac Efron! His face is panty dropping! Oh come on Arny!

"Miss, ikaw tong biglang liko eh" aniya at napabalik ako sa realidad.

Nanuyo ang labi ko, at parang umattas ang tapang ko sa harap ng lalaking ito. This is insane! Maraming gwapo na akong nakita pero hindi ganito ang reaksyon ko. Para akong na-starstruck.

"Ah-- Ano eh--" napahalukipkip ako, gosh nahihiya ako sa kanya! What should I do?

He snaps, at napatingin na naman ako sa gwapo niyang mukha.

"Miss, ikaw ang may kasalanan, gumilid na nga ako para di tayo magsalubong" sabi nya.

Hindi ako makapagsalita, nawala ang mga sasabihin ko dahil sa presensya niya.

"Oo-- K-kasalanan ko na" sagot ko. Kahit anong kasalanan tatanggapin ko basta ikaw ang magpaparusa sakin!

"B-bat ganyan ka makatingin?" Aniya na nakangisi.

Oh gosh. Arny naman wag ka pa-obvious!

"Ah-- w-wala.." sagot ko.

"Nauutal ka pansin ko" nanunuya niyang sabi.

"H-Ha? H-Hindi ah!" Shit nauutal nga ako!

He smirk. Oh gosh! Nasa tuhod ko na yata ang panty ko.

Namewang sya at tumingin sa likod ko. "Magkano ba pa carwash nyan? Baka pwede kahit ako nalang ang maglinis wala pa kasing akinse, wala pa kong sahod" aniya.

Sige. Ikaw magcarwash. Basta topless!

Napatingin ako sa kotse ko, madadaan lang naman sa punas. Maarte lang talaga ako.

"H-hindi na..ako nalang bahala jan" sabi ko.

Tinignan niya muna ako ng matabang bago umikot pasakay sa motorsiklo nya. Wait, aalis ka na? Wag muna.

Napansin ko ang gasgas sa motorsiklo niya, kung wala pang akinse hindi nya maipapa ayos ito. At kung susumahin ay kasalanan ko naman talaga, kung hindi ako pakanta kantang nagdadrive ay hindi sana siya maaaksidente. Ill take the blame.

"Ok, ingat ka nalang Miss" aniya at nagsuot ng helmet.

Hinawakan ko ang braso nya upang pigilan siyang umalis. Ewan ko, hindi ko rin alam ang nangyayare sa sarili ko. A delivery boy huh? Seriously Arny? Eh tinanggihan mo nga si Daniel Kartilla!

"Ano?" Ibinukas nya ang salamin sa helmet.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Kung titignan ko ang mga mata nya ay baka mahulog nang tuliyan ang panty ko.

"U-uhm.." napalunok ako. Nakakahiya itong gagawin ko. "Number mo? Para pag magpapadeliver ako?" Inilahad ko ang cellphone ko pero tinanggihan niya yon.

"Miss may hotline kami, makikita mo yon sa komersyal o kaya sa internet" hinawi niya pati na braso ko, pero agad kong ibinalik iyon.

"B-baka..may injury ka o baka kailangan mo ipagawa yang sira sa motor mo, you can contact me, tutal kasalan ko naman" geez, do I sound desperate?

Kinuha niya ang cellphone sa kamay ko at itinype ang number niya. Gotcha!

"Yan" aniya at binalik ang cp ko.

Pinaring ko ang number niya at nagring ito. Napangiwi ako ng ilabas nya ang cp nya. Old model na yun at basag pa ang salamin.

I watched him leave bago ko pinaandar ang kotse ko. Mapapasakin ka rin.

Ng makarating ako sa Royale ay kaagad kong kinwento kay Seren ang nangyari. Hindi siya malapaniwala.

"Seriously? Eh paano na si Daniel Kartilla? Di ba nanligaw sayo yun?" Aniya.

Hinawi ko ang buhok ko. "Wala na yun, sila na ni Kathryn Fernando" sagot ko.

Umupo sya sa tabi ko at hinampas ang braso ko. "Grabe! Binasted mo? Highschool pa tayo gusto ka na niya, ang dami ngang naiinggit sayo nun"

Gumanti ako ng hampas, masakit yun ah.

"He's not my type, mukang babaero" saad ko.

Kahit sarili ko man ang hindi ko maintindihan. Ito na ba ang tinatawag nilang love at first sight? I dont believe that before but now I do.

----

Votes!

Roughed and SweetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora