“One of them is absolutely lying about their alibi,” dagdag ni Hideo.

“But something is weird,” sabi naman ni Mitsuo habang tinitignan niya ‘yung picture na kinuha namin kanina.

“Ano?” tapos kinuha rin ni Naomi ‘yung isang copy ng picture.

“I-Ikaw...Ikaw ba...a-ang gumawa nito?” napatingin naman kami doon kay Andrea, ‘yung kapatid ng biktima, dahil bigla na lang niyang hinarap ‘yung employee habang iyak pa rin siya nang iyak. Mukhang nagulat naman ‘yung employee kaya  napaatras siya.

“M-Ma’am, h-hindi ko po...magagawa kay Ma’am April...” sabi nung Tessa habang nanginginig.

“Sigurado ka?!” Lumapit na rin ‘yung fiance at masama na rin ang tingin niya doon sa employee.

“Bakit hindi ka na makapagsalita, Ms. Tessa?” at nakisama na rin ‘yung detective.

“Ugh! That detective is really annoying!” sabay hampas ni Michiko sa mesa.

“H-hindi po...hindi po talaga ako...” Umiyak na rin ‘yung employee dahil na rin siguro sa pressure at takot.

Tsk. Humdrums are really weak. They break down so easily. And they blame others for their own fault. Gusto ko nang matapos ‘to dahil kapag humaba pa ‘to ay baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at sugurin ko silang lahat doon.

Bigla naman akong napatingin sa harapan ko at nakita kong nakatingin sa akin si Hideo habang nakapangalumbaba kaya napakunot ‘yung noo ko.

‘What?’ pagalit kong sagot.

‘You’re too hot-headed.’

‘Huh?!’

‘See? Your expressions are too easy to read.’

What the hell is his problem? Pakialam niya ba? Ugh! Mas nafufrustrate lang ako dahil sa kanya! Both Senshins and humdrums are annoying!

“It’s weird, right?”

“Oo nga. Pero bakit naging ganito?”

Napatingin naman kami kina Mitsuo at Naomi na mukhang seryoso ang discussion doon sa picture.

“What’s weird?” sabay kuha rin ni Akira ng isang copy ng picture.

Hinarap naman ni Naomi sa amin ‘yung picture na hawak niya at tinuro niya ‘yung traces ng blood sa sahig.

“The shape is irregular. Parang nagstop or nabura ‘yung blood sa part na ‘to.”

Napatingin rin agad ako sa picture at tama nga ang sinabi niya. Tinignan ko si Mitsuo pero nakatingin pa rin siya sa picture. Siya ang nakapansin nun. Is this really his first time? Bakit parang hindi? His observation skill is scary. Mukhang kailangan ko ring mag-ingat sa kanya.

Pero anong pwedeng magblock sa trace ng blood? Wait, sa pagkakatanda ko sa sinabi ng officer kanina...at kung ako ang killer...

“His hand, knee or foot...” bigla kong nasabi kaya napatingin silang anim sa akin.

“You mean...” Mukhang naintindihan naman ni Naomi ang gusto kong sabihin.

“Yeah. Kung wala ‘yung susi doon sa damit nung bangkay, it’s either nilagay niya sa ibang place like sa pouch or may kumuha sa kanya.”

“Then pwedeng kinuha sa kanya ‘yung susi after siyang patayin at hindi napansin nung killer na may napunta na pala sa kanyang traces of blood,” dagdag ni Naomi.

“Wait...eh di malaki ang probability na si Bobby Torres ang killer dahil pera ang motive niya. At may strong evidence rin dahil nawala ‘yung perang laman ng vault,” sabi naman ni Akira.

“Though pwede ring set-up lang ‘yun para isiping pera ang motive ng pagpatay when in fact, hindi pala,” sabi naman ni Mayu.

“It’s not me! Why would I kill my fiance? Are you nuts?”

“Mr. Bobby, marami sa employees ang nagsabing pera lang ang habol mo—”

“Sino? Sino ang nagsabi niyan?!”

“Calm down.”

Hindi ko alam kung bakit nandito pa ‘yang detective na ‘yan samantalang wala naman siyang naitutulong. Tanga ba siya? Pagkatapos niyang i-corner ‘yung suspect, sasabihan niya ng calm down?

“Pwede ba akong lumabas dito at sugurin ‘yung detective na ‘yun?” sabay tayo ni Michiko at biglang may hawak na lang siyang maliit na sword. See? Hindi lang ako ang nagpipigil para saktan siya!

“Sit down, Michiko,” sabi ni Hideo.

Bigla namang natahimik si Michiko at parang nagkaroon ng tension sa aming pito. For the first time, nakaramdam ako ng takot na nararamdaman ko lang kapag sina Mom and Dad ang kausap ko.

“Alam kong naiinis ka sa kanya pero wala na tayong oras. We have to solve this in forty minutes.”

What? Forty minutes na lang? Ni hindi ko na napansin ‘yung oras.

“Sapatos...” Napatingin naman kami kay Mitsuo dahil sa sinabi niya.

“Shoeprint?” sabi naman ni Mayu.

Nagtinginan kaming pito dahil mukhang pare-pareho na kami ng naiisip.

“Do you think ‘yun ang suot niya ngayon?” sabay tayo ni Akira.

“Kung hindi niya napansin na may dugo pala doon. Pero pwede ring hindi na ‘yun ang suot niya,” dagdag ni Naomi.

“We just need to ask them to do a luminol test,” tapos tumayo na rin si Hideo kaya lahat kami ay napatayo na rin.

Bigla naman akong napatigil nung may kakaiba akong naramdaman. Pero kinabahan ako nung napatigil rin silang anim sa paggalaw at naging alert sila.

Somewhere nearby...the black dimension is opening.

***

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon