VÉINTE TRÉS

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag-stop over kami sa convenience store at Chowking para bumili ng pagkain para sa mahabang byahe.

Walang kaalam-alam si Shen na darating si Ramil mamaya! It's a surprise after all.

"Ma'am nasa Bataan na po tayo." Dinig kong sabi ng driver.

Napamulat naman ako dahil roon. Sinusubukan ko kasing matulog pero pagpikit lang ng mata ang nakaya ko. Nakita kong nagpupunas ng mata si Shen na mukhang kagigising lang.

Tumingin ako sa bintana. Natanaw ko ang mga punong sumasayaw sa hangin. May mga iilan pa akong nakitang unggoy.

"Look Caina! Monkey!"

"Yeah! Nakakita din ako kanina! Kamukha mo!" Tumawa ako. Napa-irap siya pero pagkagano'n ay natawa na rin.

"We're going up!" Dinig kong sabi ni Tito Polly.

"Going up?" nagtatakang tanong ni Shen.

"Yeah. Mas malapit at mabilis kung dadaan tayo sa bundok."

Napansin kong paakyat nga ang sasakyan namin. Paikot-ikot at nakakahilo.

Ngayon naman ay pababa na ang daan namin. After three hours of driving. Nakarating rin kami sa White corals beach resort.

Bumaba kami agad ni Shen. Tanaw ko na ang mga iilang swimming pool roon. Medyo marami din ang tao dahil nga summer na.

"So excited!" Gigil na gigil si Shen.

Nilagay namin ang mga gamit at pagkain sa cart at pumasok na. Napansin ko ang isang place roon na for food catering. May mga foreigners din na kumakain roon.

Narating namin ang aming kuwarto. Pumasok kami at sumalubong sa amin ang isang all white room na may dalawang kama.

Samantalang sina tita at tito naman ay pumasok sa katabing kuwarto.

Humiga kaagad ako sa kama dahil na rin sa pagod sa byahe. Sinindi ni Shen ang air-conditioner at tumabi sa akin sa paghiga.

"Kapagod! Matulog muna kaya tayo?" I yawned and stretched my hands.

Napa-upo naman siya at hinampas-hampas ang hita ko. "No! Nandito tayo para mag-relax at mag-enjoy! Hindi para matulog."

I lazily nodded. "Okay. Pero mamaya na lang natin silipin ang dagat. Tirik pa ang araw."

Alas-dose pa lang ng hapon. Masyado pang masakit sa balat ang araw.

"Sabi ni mommy, may mini bar rito at pwede rin mag-billiards! Pwede rin mag-volleyball. Mamaya pagdating ng mga pinsan ko. Yayain ko sila!" Napapalakpak sa saya si Shen.

Tamad akong tumango at sinilip ang cellphone ko. May missed call galing kay Ate.

I dialed her number para i-update. Pagkatapos ng ilang rings ay sumagot din siya.

"Hello! Kanina pa ako tumatawag impakta ka! Akala ko kung ano ng nangyari sayo!" Maingay sa kabilang linya.

"'Andito na kami sa resort. Halos kadarating lang namin. Medyo pagod pa."

"Pagod? Eh naka-upo ka lang naman buong byahe! Anyways 'yung mga sinabi ko sayo. I-update mo ako lagi. Lumayo ka sa mga lalaki riyan! Magtatrabaho muna ako! Bye!" She ended the call.

"Sino 'yon? Ate Ems?" Nakapagpalit na into white sleeveless dress si Shen habang ini-ikat ang sarili.

"Oo. Nag-update lang ako. Alam mo naman iyon!"

"Ano? Hindi ka pa talaga magpapalit, rest ka muna?"

"Oo, siguro iidlip lang ako. Gisingin mo na lang ako kapag hindi mainit."

Almost Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon