Tahimik lang byahe naming dalawa. Hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin o kung may pag-uusapan pa ba. Kahit pa isipin ko na may pag-asa na maayos 'to, iba na yung nakikita ko. Kahit pa anong positibo ang isipin ko taliwas 'yon sa mismong nakikita ng mga mata ko.

Ayokong paniwalaan pero para bang may nagpapasaya na sa kanya.


Sa loob ng isang taon, may nagmamay-ari na ba talaga?


"Je." Mahinang sabi ni Deanna pero hindi ako sumagot.

Hindi na ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko matapos kong marinig 'yon. Je na lang pangalan ko sa kanya. Nakakamiss din yung tatawagin niya akong babe/baby kahit pa galit na siya hindi pa rin nawawala 'yon pero siguro masyado na akong namumuhay sa sarili kong imahinasyon.

Hindi ko namamalayang bumibigat na ang pakiramdam ko. Sa tagal na magkasama kaming dalawa sa isang sasakyan, mas nasasakal ako. Tila ba lumiliwanag ang kasiyahan niya sa kadiliman ng mundo ko. Nakakatawang ako dapat 'yon. Akin dapat 'yon pero eto ako pakiramdam ko nakikihati sa atensyon na meron siya.

Pinagbigyan mo lang ba talaga ako kasi lasing ako? Kasi alam mong marupok pa rin ako sayo?


Biglan tumunog ang phone ni Deanna.

Kahit nagdadrive na siya, sinagot pa rin niya pero siguro nakaearphones na lang.


"Yo yo yo." Masayang bati niya. Nakakainis. Kahit pa hindi ko nakita ang itsura niya rinig sa boses niya ang masayang pagbati niya.

Akin dapat 'yon.


"I'm driving. Tawag ka na lang mamaya. Hahaha" ang sakit sa tenga na marinig 'yon. Paulit-ulit pa rin ang pagtawa niya. Mas humihigit ang pagbigat ng puso ko.

Pwede bang maging sensitive ka?


"Text you na lang pag-uwi. What time tayo magkikita?"

Para bang wala ako dito.


"Sige sige. See youuuu" kahit pa pigilan ko mas lalong sumasakit. Mas namumuo na ang luha sa mga mata ko na anytime alam kong babagsak na 'to. Tumalikod pa ako ng husto para hindi niya makita 'to.


"Okay okay. Hahaha. Will pick you up later. "

May date pa pala.


Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko napupuno ng tension ang sasakyan ni Deanna pero para bang ako lang sumasalo lahat ng 'to.

"I love you"

.

.

.

.

.

.

.

.

Deanna naman. Ganyan ka ba kamanhid?

Naramdaman kong humalik sa pisngi ko ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.

Ang insensitive, Deanna. Sana man lang nagpasintabi.


Kinuha ko ang earphones kong nasa bulsa ko at sinalpak sa tenga ko.

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now