"Andito na ba tayo?"

"No, not yet. I just need to pee. Ikaw ba?"

"I'll stay here na lang."

"Okay, mabilis lang 'to, promise"

Hinalikan lang niya ako sa noo bago nagmamadaling umalis. Mukhang kelangan na kelangan na nga niyang magbanyo. Naginat inat ako ng  kaunti. Saka ko lang napansin na nasa gasoline station pala kami. Nanatili lang ako sa passenger's seat, nakabukas 'yung pintuan ng kotse kaya inilabas ko 'yung mga paa ko para marelax.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng araw na ito. I'm hoping na magiging maayos ang lahat kahit na alam kong imposible 'yun.

"Juice?"

"Thank you."

Kinuha ko 'yung juice na iniabot sa akin ni Jam.

"Tayo ka."

"Bakit?"

Hindi na siya sumagot pa. Hinila na lang niya ko patayo sa kinauupuan ko at siya ang pumalit doon. Ginaya niya 'yung pagkakaupo ko kanina. Lilipat sana ako sa backseat dahil ayaw kong manatiling nakatayo, pero hinila niya ulit ako. Ang hilig na niya manghila. Napaupo ako sa lap niya.

Tatayo sana ako dahil nakakahiya naman sa mga makakakita sa amin, but he stopped me. He wrapped his arms around my waist and placed his chin on my right shoulder.

Naramdaman ko siyang gumalaw ng kaunti. Nagulat na lang ako na nagcapture siya ng picture naming dalawa.

"Burahin mo yan, Jam!"

"No. Ang cute kaya natin kapag stolen."

"Ako lang naman stolen dun e. Ikaw ready."

Hindi na siya nakipagtalo pa. Narinig ko na lang 'yung malutong niyang tawa.

"Kuya, bilhin niyo na po 'tong rose para sa girlfriend niyo. Tatlo na lang po 'to, sakto po, I love you."     Sabi nung batang babae.

"Bagay ba kami?"

Tanong ni Jam sa bata. Siniko ko siya pero parang wala siyang naramdaman.

"Opo. Ang ganda po kasi ni ate tapos kayo po ang pogi. Bagay na bagay po kayo."

"Dahil magaling kang mambola, sige bibili na ko."

Dumukot si Jam ng five hundred peso bill sa bulsa niya at iniabot sa bata.

"Hala, kuya! Sixty pesos lang po, wala po akong panukli."

"Keep the change 'yan. Isa lang kukunin ko a. She's my one and only kasi e."

"Sayang naman po ito."

Pilit na inaabot nung bata kay Jam 'yung dalawa pang rosas. Kinuha 'yun ni Jam.

"O ayan, ibigay mo sa mommy mo."

Binalik niya 'yung isang rose sa bata.

"Tapos 'tong isa, bibilhin ko"

Binigyan pa ni Jam ng one hundred peso bill 'yung bata.

"Ang dami na po"

"Okay lang. Di na kasi kasya sa bulsa ko e"

Natawa ako ng palihim, wala rin namang kayabang yabang 'tong lalaking 'to.

"Etong isa. Para sayo a."

Iniabot niya 'yung isa pang rosas sa bata. Nakita ko kung paano namula 'yung pisngi ng bata.

"Thank you po talaga!"  

Pagkasabi nun ng bata agad siyang tumakbo palayo. Iba din ang charm ni Jam, miski bata tinatamaan. Kaya I know, he'll find someone that is much better than me.

"For my one and only."

Sabi niya saka iniabot 'yung rose sa akin.

"Thank you."

He kissed my temple.

"I'm your slave, I'll give you everything. I love you, more than you ever thought."

Bakit mas nagiging sweet si Jam? Mas nahihirapan lang ako.

I sighed heavily.

"Tara na, I'm really hungry."

Tumayo na kami ni Jam at umayos ng pagkakasakay sa kotse. Ramdam ko 'yung disappointment niya dahil wala siyang natanggap na I love you too.

Wala pang thirty minutes nakarating na din kami sa bulaluhan. Nagorder din agad kami, pass two pm na din kasi.

Maganang kumain si Jam, and I was contented by just looking at him.

"Why aren't you eating?"

Tanong niya ng mapansin na hindi ko pa nagagalaw 'yung pagkain ko. Hinimayan niya ako ng karne at sinabawan ng kaunti 'yung kanin ko.

Nagsimula na din akong kumain. Pero ni hindi ko  nagawang kalahatiin 'yung pagkain ko. Hanggang sa natapos na si Jam sa pagkain niya.

"Masarap naman a. What's bothering you?"

"I'm sorry, Jam."

Agad na naiyak ako sa harapan ni Jam. Hindi rin ako agad nakapagsalita dahil sa mga hikbing lumalabas sa bibig ko. Blangko ang ekspresyon niya. I can't read him. I don't know if his mad or sad. I hold his hand.

"I'm sorry. Ayaw kitang saktan pero alam ko na kapag pinatagal ko pa I would just hurt you even more. Believe me, you're such a special person. You made me feel special. You treated me well. Really well. You've been so good to me and my baby. You made me feel like a princess when I'm so wasted. You love me with my flaws and everything. I really want to give you the love you deserve, but I'm not the person who can do that. I'm sorry but it's still Mig-"

"Enough."

I was stucked when I heard him talked. Isang salita lang 'yun pero parang sinaksak ako ng isang daang kutsilyo.

Tumayo siya at hinigit 'yung kamay niya mula sa akin. Tinawag niya 'yung waiter at inabutan ng pera.

"Finish your food. I'll just wait in the car."

After that, he left me. Wala na akong ganang ubusin 'yung pagkain ko pero pinili kong 'wag munang sundan si Jam.

Parang ang sama sama ko. I dumped that very good guy na walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ako.

I'm so cruel.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon