"Yie! Kilig ang pangit na 'to! Minahal ng crush niya!"

Hinila siya ni Romulo. Umiling ito at tinanguan na lang si Alvaro.

"Mauna na kami. Pasensiya na talaga kayo rito. Hindi daw mang iistorbo pero maraming sinasabi!"

"Kilig na kilig si Yohan! Hoy, Alvaro!" si Aria at mukhang marami pang sasabihin kung hindi lang siya hinatak na ni Romulo.

Pumasok na sila sa loob. I was still blushing profusely when Alvaro looked at me. He's smiling. Sa kahihiyan, hindi na ako halos makangiti.

"Pasensiya na. Ayos lang ba sa'yo ang nangyari sa gabi na 'to?"

I nodded. Kinakalma ko pa rin ang sarili ko.

"Sigurado ka? Inaasar tayo kanina." He smirked.

"Ayos lang naman sa akin. Nakakahiya nga lang pero ayos lang, Alvaro."

He smirked more. "I like it that way. Pero baka lang hindi ka komportable."

Namilog ang mga mata ko. He chuckled. Hindi ko na tuloy napigilan ang halakhak ko rin.

"Baka gusto mo lang na saka na kapag tayong dalawa lang?" nagtaas siya ng kilay.

I narrowed my eyes intently to show him my doubts.

"Ako naman ayos lang na hawakan mo sa maraming tao, at ayos lang din kapag tayong dalawa lang."

I'm not sure now. I know I'm trying my best to be confident in our relationship. Iniisip ko ulit na kinakalawang na siya kaya medyo tumatag ang loob ko.

"Wala rin namang problema sa akin, Alvaro. I don't mind if we hold hands or hug in public. It's just a little PDA."

Ngumisi siya. "Ayaw ko lang nang nakikitang naghalikan tayo pero aksidente naman iyong kanina."

I nodded in agreement to him. We smiled at each other and remained silent. Masyado yata akong masaya, mabuti na lang naalala ko na hindi gaya ko, hindi niya hawak ang oras niya.

"May trabaho ka pa bukas."

"Oo, Yohan. Inspired ako bukas."

I chuckled.

"Susunduin kita bukas sa shelter. Sabay na tayo sa bahay?"

Tumango ako at nanatili ang ngiti sa labi. "Umuwi ka na. Ingat ka pauwi, ah?"

He nodded but his stare lingered. Alam ko ang iniisip niya. At iyon din naman ang iniisip ko.

Lumapit ako at tumingkayad. Hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan sa mukha niya para sa isang halik, humawak na siya sa baywang ko. He's slightly guiding me towards him. I have never been so aware of everything than tonight. Or maybe since the start of our relationship.

My lips touched his. Pinatagal ko nang kaunti iyon. My face heated when he slightly parted our lips and sucked on it for a little while.

My stomach felt like a hallow pit with butterflies roaming around. Marahan siyang kumalas pero kakaiba na ang kislap ng mga mata niya. At siguro ganoon din sa akin.

"Good night, Yohan."

"Good night," I answered, still in a daze.

"I love you."

"I love you, too."

Hindi matanggal sa isipan ko ang halik na iyon. Kahit naman iyong halik namin sa parking lot kanina, ganoon din. Actually, everything kept me awake. Binalikan ko ang lahat ng nangyari at para pa rin itong panaginip.

I woke up the next day with a smile on my lips. I went to the azucarera and worked. Sa hapon, sa shelter naman.

It's only been a few days with Alvaro but I have already learned and realized many things. Nang nakasama ko ang mga pamangkin niya, na-meet ulit si Ate Gen, sobrang saya.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now