Gaviyen The Hearthtrob

34 3 2
                                    

Hello! Everybody I'm back...hehe...Yey bakasyon na po! Get ready for updatessssssss....yessss. Daing S po yan:)
*********************

Pagkatapos ng nangyari nong isang araw na kasalanan naman ng mga shrimp na iyon ay parang bumalik naman sa dati ang atmosphere at ganun din si Hans. Tumatawa na ito gaya ng dati at kinukulit nanaman siya nito gaya ng dati. Napapangiti nalang siya habang pinapanood Ang mga magpipinsan habang naglalaro sa gym. P.E nila ngayon kaya Malaya silang naghahabulan at naglalaro ng basketball dahil narin sa suot nilang P.E navy blue shorts na may white lining at polo shirt na hati Ang kulay sa black and white. White Sa taas at black sa baba. Sa white part naman ay nakasulat ang navy blue na tatak ng V.U. Umirap nalang siya at agad na nag-iwas ng tingin ng palapit na sila Hans. Ayaw siyang payagang mag P.E ngayon ng mga ito dahil bawal pa daw sabi ni Tito Philip. Dalawang klase ngayon Ang nasa gym dahil malawak naman ito. Sa kabilang bleacher ay nakita niya sina Gaviyen. Klase ng mga ito Ang kasabay nila ngayon.

"No. Doctor' orders." Agad na sabi ni Hans kay Patpat. Nakalapit na Ang mga ito sakanya pero hindi parin niya pinapansin ang mga ito.

"This is your fault Hans!" Naaasar naring sabi ni Patpat.

"Hey." Hindi parin siya lumingon sa mga ito. Sinundot sundot naman siya ni Hans Sa tagiliran pero wala paring epekto sa kaniya. Wala siyang kiliti kaya hindi gagana Ang ginagawa nito.

"This is frustrating. Tatawa ka din." Mahina pang tawa nito. Tumulong narin si Patpat para kilitiin siya. Napangiwi nalang siya ng dahil sa disperadong patawanan siya ng mga ito at pati kilikili niya ay nagawang puntiryahin ng mga ito.

"Argh! Truly frustrating. I know someone who can't be tickled too." Dahil Sa sinabi ni patpat ay tila bigla namang tumahimik Ang mga ito. Pero agad ding nakabawi ng kiniliti niya si Hans at pinitik Ang ilong nito. Tawa sila ng tawa kaya ng makitang tila gaganti naman si Hans ay agad na siyang tumakbo palayo sa mga ito.

Tawa parin siya ng tawa habang nakikita Ang mamula mulang ilong ni Hans. Tumakbo parin siya sa gitna ng gym at ng makitang wala siyang tatakbuhan ay agad siyang nagtago sa likod ni Evo na nakangiti. Ngayon niya lang napansin na pinapanood pala sila ng mga ito. Nailang naman siya pero hindi na niya pinansin dahil papalapit na si Hans Sa kanya. Mabilis pa sa kidlat na tumakbo na siya palabas ng gym at tutal exempted naman siya klase nila ngayon kaya pwede siyang tumakas ulit. Malapit na siya palabas ng gym nang marinig niya ang pangalan niya. Huli na ng makita niyang may papalapit na bula sa mukha niya. Mariin niyang pinikit Ang mata niya at inaantay ang paglapat ng bula sa mukha niya pero ilang sigundo narin at wala pa siyang sakit na naramdaman. May ilang suminghap pero agad ding nanahimik ng nalaglag na ang bula sa sahig at tanging ang talbog nito ang naririnig nila.

"Erin!" Sigaw ng mga magpipinsan hudyat na pwede na siguro niyang buksan ang mata niya.

Nagtaka siya kung bakit hindi niya maibukas ang mata niya dahil sa may nakadiin sa mga mata niya at tila parang may mabigat na nakapatong sa ulo niya. Nakarinig siya ng mabibigat na paghinga na tila kinikiliti ang leeg niya. Nakaamoy din siya ng pabango na kung pwede lang ay siya nalang ang gawing hangin dahil sa bango nito. Nakarinig siya ng mga yapak ng paa na nagtatakbuhan palapit sa kanya. Unti unti namang gumagaan ang pakiramdam niya ng parang may dahan dahang natangal sa baywang, likod at ulo niya pati narin Ang kumikiliti sa leeg niya.

"WHOSE BALL WAS THAT?!" Napapitlag siya ng biglang may sumigaw. Agad napa angat ang tingin niya sa lalaking bahagya paring malapit sa kanya. Kung kanina ay ang dibdib nito ang kaharap niya ngayon naman ay ang mukha nitong nakayongyong sa kanya Ang siyang bahagya niyang tiningala.

'Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh! Waaaaaaaaaaah!' Piping sigaw niya.

Sobrang namula naman ang mukha niya dahil ngayon alam na niya kung ano iyong naramdaman niya kanina. Nakatingin parin ito sa kanya at laking gulat niya Ng bahagyang tumaas Ang sulok ng labi nito.

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon