Awaited call and Mr Bee

37 2 0
                                    

Last two chapters out of five chapters as promised that will be uploaded for today will be a little bit later this evening.:)
*****************************************

Kinakabahan siya habang hawak hawak Ang phone niya at nakatitig lang sa text Ng taong tutulong sa kaniya.

'-call me once you get this.-'

Pano kung masamang balita Ang maririnig niya mula rito? Napabuntong hininga siya at nagpadaosdos sa Kama para maka upo sa mabalahibong Hot pink na carpet na nakapalibot sa Kama niya. Carpeted naman Ang buong kwarto pero hindi gaya sa pink na carpet na pwede na niyang higaan dahil sa lambot nito. Tumingin ulit siya sa hawak niyang phone at ngayon ay handa na siyang kausapin Ang taong 'yon. Nakaka ilang ring nadin siya pero walang sumasagot ngunit akmang mag de decline na siya Ng tawag nang may sumagot sa kabilang Linya. dinig na dinig na may humahangos at ang mga putok ng baril.

'Taena. Anong trip Ng lalaking to?'

Hindi niya alam kung matatawa ba siya dahil sa mga naririnig sa kabilang Linya at dahil naalala niya Ang unang beses na na kausap niya rin ito ay nasa ganitong sitwasyon ito gaya ngayon.

"Hey. You should warn me when you call Ng makatakas Ako agad. Malas ata mga tawag mo eh. Bad news Ms Erin. I'm not the only one looking for your mom. Sh*t! Die you ugly faggot."

Seriously? Kanina pa nito nilalait kung sino man Ang kalaban nito.

"Pero nakita mo na ba siya? Sila? May kasama dapat siyang isang babae eh." Nakarinig ulit siya Ng ilan pang mura.

"Err. Yup. Pero gaya nga Ng sabi ko ay mukhang hindi lang Ako ang naghahanap sa kanila. At yong nanay mo ba tsaka iyong isang babae? Nakatakas naman sila pero Ako hindi pa. Huwag kang mag-alala siguradong nakalayo na sila sa Lugar na ito at madali nalang silang hanapin sa susunod. He-he." Hindi niya alam pero may kakaiba sa tawa nito.

"Ugh! Damn't. About time you get here ubos na bala ko." Alam niyang hindi siya ang kausap nito. Kung ganun may kasama itong naghahanap sa nanay at tiya niya.

"I'll just call you or ah text you maybe for some updates. At nga pala mag-iingat ka dahil Naha...ka...la...(busy tone.)"

napabusangot nalang siya dahil Naputol nanaman ang tawag nito at dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito ang mas lalong nakapampabwisit sa kanya. Agad siyang kumuha Ng papel at sinulat ang mga putol putol na salitang narinig niya kanina. Akmang sasagutin na niya Ng may biglang kumatok sa pintuan niya at bigla itong bumukas.

"Erin?" Tita Stella? Nagtataka siya kung bakit siya kinatok nito.

"Po? Tita pasok po kayo." Sabi nalang niya at agad itinago ang papel na hawak pati narin ang phone niya.

"I'm sorry naistorbo ko pa ata pamamahinga mo." Mahinang tumawa ito. Umayos naman siya Ng upo at ngumiti saka Umiling Ng lumapit at Umupo ang ginang sa Kama malapit sa kaniya.

"How are you? Specially Hans? I'm sorry for asking you this but I'm a bit worried for my son right now." Nagtaka naman siya sa tanong nito.

"Okay lang naman po tita. Pero si Hans po hindi ko po alam eh. Minsan nahihirapan Akong basahin siya gaya nalang po kanina. Bigla nalang po umalis pagkatapos kaming kausapin ni Lance kaya hindi namin siya kasabay na umuwi ngayon." Halatang nagulat ito sa mga sinabi niya.

"Hans isn't home yet? Where could he be. It's good if kasama niya si Lance it's dangerous to be outside specially at gabi na." Nakita niya ang pag-aalala sa ukha Ng ginang.

"Uhm tita ano po ang ibig niyong sabihin? M-may sinabi kasi si Lance samin tungkol sa Code Red. May kinalaman po ba iyon?" Lakas loob na tanong niya. Saglit na nagulat ang ginang at tila may pag-aalinlangan sa mukha nito.

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon