Chapter 23.3.4

446K 7.6K 958
                                    

CHAPTER 23.3.4

TYRONE's POV (CONT.)

Napapangalahati ko na ang Tequila nang paunti-unting nagkaroon na ako ng mga kasama sa pool. They are eyeing me like a hawk, huh? I'm glad I still have this effect on girls except with Jordan, I guess... who wanted somebody else. Jeez! Kailan ka pa ba na-insecure sa ibang lalaki?! At sa isang janitor pa talaga?! Fuck my brain!

"Hello, Sir Ty... Can I join you?" malambing pang tanong ni Janice. Gan'un na ba kalutang ang utak ko para hindi mapansing siya pala ang nasa harap ko?!

"Yeah, sure," malamyang sagot ko habang patuloy na iniinom ang laman ng shot glass.

I am wearing an Aviator kaya malaya kong napagmasdan ang katawan ni Janice. She's almost naked with those string bikini. She's not bad actually. She's so damn sexy. The kind of body that will take you to heaven all day. She has that.

"Mag-swimming ka pala, Sir... hindi ka man lang nagyaya..." Naghihinampo pa siyang ngumuso. She's definitely hitting on me. But fuck Jordan dahil kahit ang desire ko para sa ibang babae ay nawala na rin.

"I never planned to have company anyway," malamig na sagot ko while looking somewhere else. Mukhang nag-iisang lalaki lang ako sa pool. I should be having a good time right? At least I have to try. But jeez, I am getting dizzy already!

Ipinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa tiles. Lumalamig na ang simoy ng hangin, pero marahil sa init na dala ng alak ay sakto lang ang pakiramdam ko. It's relaxing...

I didn't know how long I kept my eyes shut. Basta't ang alam ko ay may kamay na humahaplos sa dibdib pababa sa aking tiyan, but I don't fucking care right now. Maybe this is what I need to put my mind off her.

"Puwede pakitanggal ang kamay mo sa kanya!" Noon na ako napadilat at matamang tinitigan ang babaeng nasa harapan. My Jordan...

"Feeling mo, Jorge!" irritableng sabi ni Janice at parang walang narinig.

"Wala tayo sa opisina ma'am Janice kaya lumayu-layo ka na!" Namaywang si Jordan sa harapan namin wearing those burning red string bikini?! What the fuck was she wearing?!

"Feeler!" Inis na lumayo si Janice sabay bahagyang saboy pa ng tubig kay Jordan.

Automatic na nagsipaglayuan rin ang mga babaeng hindi ko napansing nasa gilid ko lang pala.

"What the hell are you doing here?" pasupladong tanong ko sabay salin ulit ng Tequila sa shot glass. "I thought you're with that boyfriend of yours." Umismid ako sabay inom ulit sa shot of Tequila.

"Tama na 'yan! Ang dami mo nang naiinom!" Agad pa siyang lumapit sa akin para sana kuhanin ang Tequila, but instead ay hinila ko siya sa baywang at napasandig ang buong katawan niya sa akin. Damn.

Jordan

Halos alas tres pa lang nang hapon noon nang maisipan kong magpaalam na sa mag-amang Isaac at Giro. Hindi naman dahil sa nabo-bore akong kasama sila, pero hindi talaga ako mapakali. Nang iwanan ako ni Ty kanina ay alam kong galit siya at nagseselos. Naging open naman siya sa pagseselos niya kay Isaac at alam kong iyon pa rin ang dahilan sa biglaan niyang pagwo-walk-out.

Papasakay na sana ako noon sa elevator nang may biglang humigit sa aking braso. Si Ashter kasama ang bading na si Princess.

"Saan ka ba galing babae ka?!" nagdudumilat pang tanong ni Princess.

Si Ashter naman ay nakamata lang din sa akin.

"B-bakit ba?"

"Dalian mo! Magpalit ka na ng swimsuit at kuhanin mo na si Sir Tyrone doon sa pool. Baka kainin na ni Ma'am Janice 'yun!" hysterical na sabi pa niya at tatangu-tango naman si Ashter na para bang sinasang-ayunan ang sinasabi ni Princess.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon