Chapter 22.1.5

446K 7.8K 396
                                    

Dear Readers/Angels

At dahil mahal na mahal ko kaya at nakakaloka ang pagflood ninyo ng messages sa inbox ko, haha!  fine!  eto ang pambitin kong UD para sa lahat.  Be sure na i-secure ang mga panty next year dahil tatanggalan natin ng garter yan lahat! hahaha  assumera lang ang peg lol XD.  At wag na kayo magcomment ng BITIN kasi short UD lang ito at BITIN talaga! hahaha!  ibahin nyo naman at new year na! hahaha

Sana po maintindihan nyo... hindi ko alam when ulit ang kasunod.  Need ko po i-rush ang editing ko ng LSG.  Wish me luck guys. 

Mag-UD din ako ng TAMING A CASANOVA.  Thanks po sa walang sawang suporta.  Mahal ko kayo!  Sana maging mas masagana ang Year 2015 para sa lahat!

Be Cool.  Be You.  But Always BE GOOD.

Powerhugsss peeps!

Love,

Ate Mommy Dean

********

CHAPTER 22.1.5

Jordan

Nang mga sumunod na araw ay naging mailap na ulit sa akin si Ty. At ako namang si gaga, hindi mapakali! Ewan ko ba, matapos niya akong halikan ulit ay nagulo na naman ang utak at puso ko. Pati ang pader na hinarang ko sa pagitan namin ay natibag nang ganoon lang! Haist, I miss him so bad... Tangna naman, oh. Ano bang nangyayari sa akin?! Kinulam ba ako ng gagong 'yun?!

"Jorge, ipinapatawag ka ni Sir Tyrone sa office niya." Si sir Martin. Actually, sobrang gwapo rin nitong si Sir Martin. Pero ewan ko ba, pati ang magka-crush sa iba ay hindi ko na magawa dahil kay Ty.

"Bakit daw po?" Bigla akong na-excite sa sinabi niya. Gustung-gusto ko lang ulit siyang makita nang matagal-tagal.

"Nagugutom yata. Baka magpapabili ng pagkain sa'yo 'yun."

"Ah, okay po. Sige po, Sir." Tatalikuran ko na sana siya nang bigla na naman siyang magsalita.

"Sorry nga pala sa ginawa ni Sir Ty noong audition. Ewan ko ba d'un, ang ganda-ganda naman nang pagkakakanta mo. Dapat ikaw na lang ang napili, e," iiling-iling pang sabi niya habang pinaglalaruan ang ballpen gamit ang mga daliri niya.

"Okay lang po. Hinarass lang din ako ni Aling Mameng."

"Oh well, sayang kasi. Your rendition of that song was just really good. May makabagong feel noong ikaw ang kumanta."

"Thanks po, pero okay lang po talaga."

"Hmm... sige na, pumunta ka d'un, huh. Later gators!" Noon na siya naglakad papunta sa office at ako naman ay sa headquarters muna nagtuloy.

Napagdesisyunan kong ipagluto siya ng pancit canton at dalawang itlog na nilaga. Baka kasi hindi man lang siya kumain nang umagahan.

Matapos kong iluto at mailagay sa Tupperware ay naglagay din muna ako nang kaunting powder sa mukha at nagpisik nang kaunting cologne. Shit. Bakit ba kinakabahan ako? Aish, Jorge! Nagdadalaga gan'un?! Napailing ako sa aking repleksyon sa salamin at ngumiti. Wala nababaliw ka na naman.

Pagpunta ko sa office niya ay tsaka ako inatake nang kaba. Bakit ba ngayon pa ako nate-tensyon? Palagi naman din kaming nagsosolo sa office niya, ah. Hindi nga lang kami nag-uusap...

Pagpasok ko sa loob ay hindi ko inaasahang may kasama pala siya roon. Ang bagong head ng Finance, si Ma'am Janice. Nakaupo si Ty sa kanyang swivel chair habang si Ma'am Janice ay nakayuko sa gilid niya na para bang may itinuturo. At ang landi lang, huh?! Tama bang yumuko nang yumuko kung alam namang makikitaan na siya sa sobrang baba ng kanyang neckline?!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon