Chapter 11.2.4

549K 7.7K 150
                                    

#JorTyIsLove

#CBTG

********

CHAPTER 11.2.4


Tyrone

Kanina ko pa gustong umuwi para sana ihatid sa work ang Mahal ko, pero hindi ako makabuwelo sa mga ka-grupo ko dahil sa ikalawang araw na ang deadline namin. Nitong mga nakakaraang araw ay halos hindi ko sila matulungan dahil tumatakas ako para maihatid ang girlfriend ko pauwi at hatid-sundo naman sa work. Medyo hindi na rin gumaganda ang pakiramdam ko dahil halos araw-araw akong napupuyat. Kung bakit kasi hindi ko pa siya ma-convince na mag-iba na ng work.

As expected, hindi ko na nagawang ihatid siya sa work dahil sa dami pa rin ng mga nira-rush namin. Dito na nga rin kami naghapunan sa school katulad din nang ibang groups na nagpapakapuyat sa project.

"We need to do this overnight," sabi pa ni Ronnel. Isa siya sa pinakamatalino sa group. I am not close to him, but we're civil kahit na minsan I had this feeling that he was trying to compete with me.

"I agree." Si Gracie. Siya na ang pinaka-nerd sa mga babae. But compare with Tarah, wala siyang kaarte-arte sa katawan. Parang si Jordan lang din. "We need to finish this para editing na lang tayo tomorrow."

"So, where are we staying?" Si Tarah na makahulugan pang tumingin sa akin. I knew that look. Alam ko namang malayu-layo ang mga bahay nila at ako lang ang may malapit na condo unit sa school. Damn.

"Why don't we stay at Ty's suite?" Si Ronnel na bumaling pa sa akin.

"Yeah... sure," matabang namang sagot ko. As if I have a fucking choice, eh?

"Great!" Napapalakpak pa si Tarah. Oh no, Tarah, don't be so happy.

"Okay lang ba talaga, Ty?" Si Vianni. She's the average type of person. May kaya rin ang family niya tulad ni Tarah at napaka-elegante ring manamit. Oh, admirer ko nga rin pala.

"Of course, sure." I hate it when my private space is invaded. But they were'nt giving me any option. They wanted me to agree to it.

"Yes!" Halos sabay-sabay pa nilang sabi. Ngingiti-ngiti lang 'yung tatlo pa naming kasamahan na obviously excited na mapunta sa condo unit ko. Alam ko naman din kung gaano ako ka-popular dito sa school. They wanted to discover a few things about me.

At dahil bantay sarado ako ng mga ka-grupo ko, hindi ko nagawang makalabas para sana ihatid si Jordan sa work niya. Damn. Kailan ba ako pakakawalan ng mga pasaway na 'to? Hindi ako makapagreklamo. Fuck!

Around twelve o'clock midnight nang mapansin kong medyo lowbat na silang lahat at sumimple akong kunwari ay lalabas para bumili ng pagkain. Saglit na nag-usisa si Tarah at gusto pa sanang sumama but that's a big no of course at ayaw kong mabigyan na naman siya nang kakaibang impression kapag pinagbigyan ko siya. Tss, lakas pa rin talaga ng loob ng babaeng 'to.

Kung tutuusin, lowbat na rin talaga ako and all I wanted to do was to sleep on my bed. But I missed Jordan. I needed to convince her to stay with me tonight on my suite. For hell I care kung ano man ang iisipin nila. I just wanted to be with her and that's all that matters to me.

Pagdating ko sa bar na pinagtatrabahuhan niya ay tamang sumimple lang ako sa lobby para tingnan siya. Looks like sobrang busy niya at marami pa ring mga tao sa pagkakataong iyon. Normally, hanggang three o'clock ang buhay ng bar nila, but since shifting, hanggang one o'clock a.m. lang siya. It would probably be very exhausting on her part dahil puro trabaho ang ginagawa niya. Though I had to admit na isa 'yun sa mga features niyang hinangaan at minahal ko.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon