Oh shoot. Nakalimutan kong naging close friends pala sina Ynna at Khel after some incident. I don't know what really happened, basta they just got along all of a sudden. I was quite surprised na hindi pala naputol ang communication nila.


I wonder if he's in the same company as Cy. After all, they're both civil engineers now. The last time I heard is that he's working on some project regarding to the train station na ipapatayo sa buong Davao.


"Hey, Ynna!"


"Holy fuck." I cursed in surprise when I saw Kai's figure, sitting next to Ynna.


Nakasuot siya ng designer shirt at black slacks na tinernohan ng sneakers. Nasasapawan pa rin ito ng suot niyang doctor gown.


Kung may hindi man nagbago sa ugali nang lalaking 'to sa loob ng sampung taon, 'yun ay ang pagiging burara niya sa pagpili ng damit. Kita mo 'to, ginawa ba namang bahay 'yong ospital.


"Pasmado pa rin bibig mo, Dra. Salinas." He chucked a bit before pointing at me, afraid that Ynna might get the wrong understanding about our surnames.


I looked at my empty bowl when he started eating his gimbap. Good thing that it's already empty, may irarason ako kay Ynna para umalis sa table.


Kinuha ko ang tray ko at tumayo sa kinauupuan ko. "Mauna na 'ko."


Kaagad na dumapo ang tingin ni Kai sa akin papunta sa hawak kong tray. Binalik niya rin naman kaagad 'yong tingin niya at bahagyang natawa. Muntik pa siyang mabilaukan dahil hindi niya pa nangunguya nang maayos 'yong kinakain niya.


I bit my lower lip to stifle a smirk. Sayang naman, dapat natuluyan na siya. Mahirap nga talaga mamatay ang mga masasamang damo. Tsk.


Dumiretso ako sa may vending machine para maghulog ng coin. Pinili ko 'yong coke in a can since 'yun lang naman ang nagkasya sa baryang hinulog ko.


Pinulot ko ito sa baba at binuksan. Nakahinga ako ng maluwag nang magsimula nang dumaloy ang malamig na likido sa lalamunan ko. Bahagya pa akong napapikit dahil sa lamig. Shit. This is so relaxing.


"Endorser ka ba ng coke?" Narinig kong sambit ni Kai habang naghuhulog ng barya sa vending machine.


Kinuha niya rin 'yong coke in a can at binuksan ito sa harap ko. Medyo natatawa pa siya habang nakatingin sa can.


Saglit dumapo ang tingin niya sa mata ko at mas lalo lang tumawa nang makitang nakakunot na naman ang noo ko.


"Ganito mo kasi inumin, o." Sambit niya at ginaya ang ginawa kong pag inom kanina. Malandi niya pang pinipikit 'yong mga mata niya na para bang feel na feel niya 'yong lasa.


"Tangina mo." Sambit ko na lamang.


Iniwan ko siyang nakatayo roon sa vending machine na tawa pa rin nang tawa. Hindi ko naman kasalan na mabilis talaga akong mapikon sa kaniya. Anong magagawa ko kung wala na talaga akong pasensya?!


Mabilis kong inilibot ang paningin sa buong cafeteria nang mapansing wala na si Ynna. I enhaled a lot of air before going back the jerk's place.


Nakatayo pa rin naman ang gago habang nakasandal sa vending machine, nakasilid ang isang kamay sa bulsa ng coat niya. May mga ibang nurses at doctor ang sinasadyang dumaan sa pwesto niya para magpa-cute.


Amputa ang lalandi.


"Altizo!" Sigaw ko nang makalapit sa kaniya.


Pinagkrus ko ang mga braso ko, tinataasan siya ng kilay. "Nakita mo ba si Ynna?"


"Si Bayaw?" He smirked.


Tinaliman ko naman ang pagtitig sa kaniya nang marinig ang 'yon. Feel na feel niya namang okay na kami since nakikipag-usap ako? Hell no. I just really need to find that bitch dahil sabay kaming mag r-roaming sa ward ng 7th floor.


"Nasaan nga?" Ulit ko. Siya lang naman kasi 'yong kasama noon sa table kanina. Impossible namang hindi nagpaalam.


He shrugged his shoulders, still smiling. "Malay ko, ikaw 'yong kakambal tapos sa'kin mo hahanapin? Tawagan mo nalang. Kunwari ka pa, gusto mo lang naman ako kausap."


"Feelingiro ka?" I rolled my eyes at him.


Hindi naman kasi mahilig sumagot si Ynna sa mga tawag namin. Madalas niya pa ngang iwan 'yong cellphone niya sa office or kaya sa locker at misan, dala niya nga pero naka silent naman.


Maglalakad nalang sana ako palayo nang mag ring ang cellphone ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang caller ID ni Ynna.


"Problema m---"


[Come here at the ER, now! Two people were shot by a riffle. One of the patients is the mayor's son!]


Kaagad kong binaba ang tawag at mabilis na naglakad palabas. Ilang segundo rin yata ang tinayo ko sa entrance ng cafeteria nang lingonin ko si Kai at pinanlisikan siya ng mga mata.


I gestured him to come to me but he just looked at me with confusion. That left me with no choice but to shout his name out loud.


"Are you going to help me with the operation or I'll end up opening your skull in the operating room right now?!"


After that, I saw him running to my direction, pulling me when he got into my side. We ended up running towards the elevator after.


I sighed. Maybe this will be the first time where I'll have to prioritize work over my personal feelings. He might be my asshole ex, but we're still doctors.


Professional doctors---not some kind of childish teenagers who prioritize their love and hate relationship over an important matter.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------:)

At the Rooftop (Medical Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon