Chapter 26.2.4

Magsimula sa umpisa
                                    

"No one will stop you, son," seryosong sagot lang ni Tito Seb sabay akbay kay Tita Ady na umiiyak na, pero nakangiti naman.

Ngumiti lang si Ty sa sinabing iyon ng Dad niya at sumunod ay ako naman ang binalingan.

"I told you, Mahal ko..." Pinisil niya ang aking baba at kinagat ko lang nang mariin ang aking labi. Parang gusto kong maiyak dahil sa sobrang saya. Ang bait talaga ang pamilya niya.

"Tama na nga 'yan! Mag-dinner muna tayo. Ipinagluto ko kayo." Si Tita Ady na nagpunas na ng luha.

"Dinner!" Malakas pang sabi ni Tito Seb at sumenyas gamit ang dalawang kamay.

Nanguna silang lahat papunta sa kusina. Panandali kaming naiwan ni Ty at agad niya akong hinalikan matapos na mapag-iwanan kaming nagsosolo roon.

"God, Mahal ko... This is really it. No turning back." Gagap niya ang aking magkabilang pisngi. Hindi maikakaila sa kanyang mukha ang sobrang kaligayahan at gan'un din naman ako.

"No turning back," nakangiting sagot ko naman at naghalikan ulit kami na para bang walang bukas.

"Oy, mamaya na 'yan! Dinner muna!" Si Kirsten na inikot pa ang kanyang mga mata kasunod ang pag-iling.

"Tsss..." Sumimangot si Ty at agad naman ding nagpeace sign si Kirsten sabay balikwas ulit pabalik ng kusina.

"Tara na, hindi tayo lulubayan ni Kirs kung hindi pa tayo pupunta."

"Yeah, we'll make love right after dinner, Mahal ko."

Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya at agad na napalinga sa paligid.

"Manyak!"

Humalakhak lang siya at inakbayan na ako papunta sa kusina. Pasaway talaga!

Masaya naming pinagsaluhan ang sinasabi nilang mumunting dinner, pero hindi ko makita ang mumunti doon. Sus! E, para kasing fiesta! Mabilis ring na at home ang pakiramdam ko dahil sobrang babait talaga nila. Hindi nga nila inungkat ang nangyari dati at puro detalye nang kasal ang napag-uusapan. As usual, parang si Kirsten ang ikakasal dahil sobrang dami niyang idea. Pero 'yun nga lang puro bara din ang inaabot niya sa masungit kong mahal. Kung sabagay, hindi pa naman nga namin napag-uusapan ang detalye nang kasal. At ni hindi man lang pa nalalaman ng parents ko sa probinsya ang pagpapakasal ko. Marami pa kaming dapat na asikasuhin.

Halos kakatapos lang namin noong mag-dinner nang biglang lumapit kay Tito Seb ang isang katulong nila.

"Sir, nand'yan po si Don Pablo kasama si Ma'am Samantha."

Napakunot-noo lang si Ty matapos na marinig ang pangalan na 'yun. Sino ba 'yun?

"What are they doing here?" seryosong tanong ni Ty sa Dad niya.

"I don't know, son. Let's find out." Nagpunas ng labi si Tito Seb at agad na tumayo.

Tumayo rin si Tita Ady at agad na kumapit sa braso ng asawa.

"I'm coming," seryosong sabi niya at napabuntong-hininga naman ang tito.

"Okay, baby." Mahigpit pa niyang hinawakan ang kamay ni Tita at sumenyas sa amin na maiwan doon.

Nang tuluyan nang makaalis ang mag-asawa ay tsaka nagsalita si Kirsten.

"Bakit nandito ang Tita Sam? Kasama kaya si Tiffany?" Kunot-noo din si Kirs at tila irritableng napabaling nang tingin kay Ty at kay Chance. Tiffany? 'Yung ex ni Ty?

"Dude, may formal break-up ba kayo ni Tiffany?" Si Chance na diretso pang naupo at tinitigan si Ty na nakabusangot.

"She's not my girlfriend, Chance. Never been," seryosong sagot niya at ginagap ang aking kamay sa ilalim ng mesa.

"Kung bakit kasi pumayag kang makipag-fling kay Tiff? Grabe obsession sa'yo, e. Akala ko n'ung una cool lang siya, pero iyon pala parang si Tarah lang noon." Si Kirs na halata na rin sa mukha ang pagka-irita.

"Tyrone!" Sabay-sabay kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses. Si Tiffany nga!

Agad na nagsalubong ang kilay ni Ty at napatikhim. Umandar na naman ang kasupladuhan niya. Tipong magkamali lang si Tiff ay mananakit ang gago!

Pero agad ding nabago ang mukha ni Tiffany nang makita akong nakaupo sa tabi ni Ty. Lalong humigpit ang kanyang hawak sa akin.

"Hey..." Kagat-labi siyang tumitig kay Ty na hindi man lang tumitingin sa kanya. "Hey, Kirs..." Baling din naman niya kay Kirs na tipid lang na ngumiti. Magkapatid nga sila! Kahit si Kirs ay pilit na pilit ang ngiti kahit na nga kung tutuusin ay naging magkaibigan sila ni Tiffany.

"Tiff, musta?"

"Okay naman..." Alanganin pa siyang bumaling kay Ty na wala pa ring kibo. "Can I talk to you for a second? Please," sumamo pa niya kay Ty na kuntodo simangot ang mukha.

"You can talk to me in front of Jordan," pasupladong sagot niya at bahagyang tinapunan nang tingin ang tila namutla agad na si Tiff.

"I-I'm pregnant, Ty..."

Nalaglag ang panga naming lahat sa kanyang sinabi. Mas lalong dumiin ang hawak ni Ty sa aking kamay at galit na tumitig lang kay Tiffany na naupo sa tabi niya.

"What do I have to do with it?"

"It's your baby, Ty."

Tila bombang sumabog ang binitiwang salita na iyon ni Tiffany. Naramdaman ko ang agad na panlalamig ni Ty at tarantang napabaling nang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman sa mga pagkakataong iyon. Kitang-kita ko rin ang pag-aalala sa mga mata ni Kirs at Chance na nakatitig sa akin. Mariin kong kinagat ang aking labi at nag-iwas nang tingin sa kanila. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko, pero pinigilan ko pa rin ang maiyak.

"It's not funny, Tiff," pasupladong sagot pa rin ni Ty sabay tayo mula sa pagkakaupo at bahagya rin akong hinila.

"How I wish I am just kidding, Ty. But I am pregnant with your baby." Nabasag ang boses ni Tiffany at agad na tumulo ang luha niya sa pisngi.

"What the fuck are you talking about?!" Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Ty. Nakita ko ang bahagyang pag-atras ni Tiffany sa takot at nabasa ng luha ang kanyang mukha.

"Kuya, please!" Si Kirs na agad ding tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na umikot sa kinalalagyan namin kasunod din ang natatarantang si Chance. "Tiff, ano bang sinasabi mo? Sigurado ka na ba d'yan?!" tarantang tanong pa ni Kirs at inis na napaharap lang sa akin si Ty na iiling-iling.

"I'm positive! Wala naman akong ibang naging boyfriend bukod sa Kuya mo." Panay pa rin ang iyak ni Tiffany at nanginginig din ang kanyang buong katawan.

"You're not my fucking girlfriend!" Muli ay baling ni Ty kay Tiff na napaigtad na naman sa lakas nang sigaw nito. Marahas niyang ginulo ang kanyang buhok dahil sa sobrang inis at pansamantalang lumayo sa akin at galit na hinarap si Tiffany. "You're just bluffing!"

"I am not! We shared a night together, remember?!"

Natigilan si Ty sa sinabing iyon ni Tiffany bago ulit nagsalita.


to be continued...

********

Dear Readers/ Angels,

Pasensya na po sa mga hindi nakabasa nung naunang UD dito.  naka-private po ito at kailangan nakafollow kayo.  kailangan po gawin yun para hindi restrict ni watty ang story.  unawaan lang po.  yung iba nagkakaroon ng trouble basahin kahit nakafollow.  refresh refresh lang po or if di pa rin gumana, sa pc na lang po kayo magbasa or sa browser. 

inagahan ko po ang UD kasi wala kaming pasok tom at ayokong lumabas ng bahay tom hahaha!  Mas gusto ko magtulog bukas.  Sa mon na po ulit kasunod nito.  Ingat sa lahat! 

Love,

Ate Mommy Dean

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon