Chapter 25.1.2

Magsimula sa umpisa
                                    

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw sa amin ni Ty. Sa sobrang kaligayahang nararamdaman naming ay natatakot akong may kapalit ang lahat ng iyon. Pero sana wala na... Sana...

Nagta-trabaho na rin ako bilang staff ng HR. May mga mata pa ring masyadong mapanuri ang palaging nakamasid sa akin, pero wala nang epekto 'yun sa akin dahil sobrang kasiyahan ang nararamdaman ng puso ko. Hindi ako kayang maapektuhan nang kahit na ano at kahit na sino.

Si Sir Martin ang paminsan-minsang tumutulong sa akin para magamay nang kahit kaunti ang trabaho sa HR. Pero so far ay hindi naman ako gaanong nahihirapan at mabilis lang din akong nakakasabay.

Pero sa ilang araw lang din na 'yun ay napansin kong sobrang abala ni Ty. At kahit nasa penthouse kami ay paalis-alis din siya at may kung sinong palaging kausap. Naaawa na nga ako, kasi parang sobrang stressed na niya. Hindi tuloy maiwasan na kahit nasa office ay may mga balitang nagsusungit siya. Though natural na yatang masungit siya sa ibang tao, pero pagdating naman sa akin ay iba.

"Grabe, Jorge, ano bang problema ng boyfriend mo? May kasigawan na naman sa cellphone!" Si Sir Martin na kakamut-kamot pa ng ulo habang nagmamartsa sa harapan ko. "Bakit kasi hindi kayo magpalit ni Luhan at ikaw na lang ang maging assistant niya!" iiling-iling pa niyang sabi.

Umiling-iling ako kay Sir Martin at hindi na lang nagkomento. Medyo naiilang kasi ako sa tuwing sasabihin niya sa akin na boyfriend ko ang big boss namin.

"Puwede bang puntahan mo lang saglit kasi—" Bahagya pa siyang napangiwi sa akin. "Alam mo na, para bago ako kausapin, e, medyo malamig na ang ulo niya? Please?" Pinagdaop pa niya ang kanyang mga palad sa harap ko na para bang dinadasalan ako.

"Sige po. Tingnan ko ang magagawa ko." Tipid akong ngumiti at pagbaling ko nang tingin sa iba kong kasama ay huling-huli ko ang ilan sa kanilang napaikot lang ang mga mata. Pero agad din namang namutla nang makita ko ang ginawa nila at nagkunwaring walang ginawang masama. Pasalamat sila at hindi ako sumbungera! Hmp! For sure, walang palya na sesante sila sa minamahal kong boyfriend!

"God, Jorge! Thank you so much! I owe you one!" tuwang-tuwa pang sabi niya. Mabilis akong tumayo at bahagyang inayos ang nalukot kong uniform. Tipid akong ngumiti kay Sir Martin bago maglakad patungo sa office ni Ty.

Sa may pinto pa lang ng office niya ay naabutan ko na si Luhan na tila kabadong nakatambay sa tapat ng pinto. Medyo nakaawang ang pinto ng office ni Ty at dinig na dinig ko ang taas ng kanyang boses.

"Naku Jorge, palamigin mo naman ang ulo ni Boss! Kanina pa mainit ang ulo! Kanina pa ako nasisigawan, e!" Mahigpit pa siyang humawak sa braso ko na para bang kumpiyansang ako lang ang makakapagpalamig ng ulo ni Ty.

"Pagpasensyahan n'yo na, pressure lang siguro masyado. Sige ako na ang bahala." Tinapik ko pa siya sa kamay bago dahan-dahan kong itinulak ang pinto pabukas.

Nakaharap siya sa full glass wall habang abalang may kausap sa kabilang linya.

"What the fuck is wrong?!" sabi pa niya d'un sa kausap niya. Boses pa lang ay halata na ang galit at ilang beses pa siyang napapahilamos ng mukha. "You should fucking get this done or I'll make you pay big time! Got that?!"

Saglit siyang natigil sa pagsasalita, pero igting ang kanyang panga.

"You fucking messed this up and I'll fucking get your asses fired!" sigaw pa niya. Galit nga. Puro mura ang lumalabas sa bibig, e... Haist...

"Fuck!" Noon na niya ibinaba ang cellphone sabay baling sa gawi ko na agad pa niyang ikinagulat at ikinaputla. "K-kanina ka pa diyan?!"

"Nope. Kakadating ko pa lang."

"A-are you s-sure?" nag-aalala pang tanong niya. Ano bang mayroon?

"Y-yup..." May kung anong kaba ang bigla kong naramdaman. "Bakit? May dapat ba akong hindi marinig?"

"O-of course not!" maagap pa niyang sagot. Mapakla siyang ngumiti at mabilis na lumapit sa akin. Agad niya akong niyakap at manipis na hinalikan sa leeg bago humiwalay. "You need anything, huh? Missed me?"

"Wala naman... Ang init kasi ng ulo mo nitong mga nakakaraan. May problema ba? At tsaka sino ba 'yung palagi mong kausap sa cellphone mo?" Hindi na talaga ako nagpaawat sa kakatanong at mas lalo pa siyang namutla. May ano ba?

"I-it's job related... Don't worry about it!" Iwas pa ang tingin niya sabay balikwas pabalik sa kanyang table. "Have you seen Martin? I badly needed to talk to him." Malalim pa siyang napabuntong-hininga.

"Yup. Gusto mo bang ipatawag ko na kay Luhan?"

"N-no, Mahal ko. Ako na lang ang magpapatawag sa kanya. For now, can you just kiss me?" Ngumuso pa siya at nagpa-cute. Maloko talaga... but still, ano bang itinatago niya?

Iiling-iling akong lumapit sa kanya at agad na hinigit ang aking baywang sabay hila sa akin pakandong sa kanya.

"Damn, Jordan... What are you doing to me?" seryoso pa niyang sabi habang marahang hinahaplus-haplos ang hita ko.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Ngumuso ako at mahina lang siyang natawa.

"Everything about you... is just—"

"Huh?" Kumunot ako dahil sa pagbitin niya ng salita.

"...making me so damn crazy," iiling-iling pa niyang sabi sabay mabilis na hinalikan ang labi ko. "I'll fucking hate myself if I lose you again."

"Sssshhh... You will never lose me. Palagi lang akong nandito para sa'yo." Marahan ko pang hinaplus-haplos ang kanyang malambot na buhok. Dinaanan ko rin ng palad ang sobrang perpekto niyang mukha. Haist, hindi ko pa rin maisip kung papaanong ang katulad niya ay mabaliw sa sobrang pagmamahal sa akin. Ang lakas makahaba ng buhok ang ginagawa niya!


********

Dear Readers/ Angels,

Salamat po sa  walang sawa ninyong pagbabasa!  Mahal ko po kayo!  Be #JorTy (maarte) always!  Paalala nga po pala, may UD po ulit sa Friday pero next week po, balik tayo sa Regular UD na Monday at Thursday.  Thank you.

Love,

Ate Mommy Dean

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon