Chapter 23.3.4

Magsimula sa umpisa
                                    

"A-anong kakainin? 'Di ko maintindihan!"

"Dali ka! Nasaan bang suite n'yo?" Si Ashter na nakihigit na rin sa kamay ko.

"S-sa Lake Wing—"

"Come on!" Sabay pa nila akong hinila papasakay sa elevator. Wala na akong nagawa!

Wala talaga sa plano ko ang mag grand appearance pa sa pool kaya lang ay kinulit ako nina Princess at Ashter. At talagang nagkataon naman na may string bikini na nakaipit sa knapsack na iginayak ni Kirsten kaya mas lalo silang na-excite at ipinagtulakan ako papunta sa pool area. At tulad nga nang sabi nila ay nand'un si Ty sa kabilang side ng pool na napapaligiran ng mga babae habang natutulog na ba 'yun? Hindi ko kasi makita ang mga mata niya since may Aviator siyang suot. Pero mukhang tulog nga dahil ni hindi man lang siya kumikilos habang panay ang haplos ni Ma'am Janice sa dibdib at abs niya! Aba't?!

"I told yah!" Si Princess na nasa gilid ko pa rin at nakatingin din sa haplusang eksena na nagaganap sa pool.

"Mas gugustuhin naming ikaw na lang ang kalampungan ni Sir Ty kaysa d'yan sa malanding bisor namin!" Si Ashter na parang iritang-irita rin naman.

"Whoa, Jorge!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses... si Sir Martin.

"S-sir Martin..." Shit. Gusto kong kilabutan sa klase nang pagtitig niya sa akin. Pasimple akong napasulyap sa suot kong robe na hindi naman pala nakatali at nakalitaw na rin ang buong harapan ko.

Tanda ko itinali ko 'to, ah! Aish!

"You're beautiful... Wow..." mangha pang sabi niya. Kung sabagay ay hindi ko naman siya masisisi lalo pa nga't uniform ng utility ang palaging nakikita niyang suot ko. At itong string bikini na 'to ang pinaka-daring nang naisuot ko sa buong buhay ko!

"Forgive me, but I can't help it. You look so beautiful... wow..." Nag-iwas din naman siya nang tingin sa ibabang bahagi ng aking katawan at bumaling sa gawi nina Ty at Janice. "Kanina pa 'yan. Mukhang lasing na lasing na rin si Sir Ty at ubos na halos ang bote ng Tequila niya."

"Bakit 'di n'yo pinipigilan?" Gusto ko sanang manermon, pero alam ko pa rin kung ano ang posisyon ko.

"He's throwing tantrums kanina pa, Jorge. Baka kapag pinigilan ko siya ay ipukpok niya ang bote ng Tequila sa akin! Who would want that?"

"Go get him, girl! Habang hindi pa bumababa ang kamay ni Ma'am Janice! Ikaw din!" nanakot pang sabi ni Princess at bahagya pa akong itinulak.

"Dali na!" Si Ashter na siya pa mismong nagtanggal sa robe kong hindi man lang nakatali. Tangna naman, o! Ang daming tao sa paligid! Ibig ko nang lumubog dahil alam ko tinitingnan nila ako! Or feeling ko lang ba? Ang dami namang babae sa pool na gan'un ang suot, a.

"Good luck..." Si Sir Martin na bahagya pang napasipol matapos na matitigan nang lantaran ang nakabilad kong katawan. Ano ba 'tong pinapasok ko?! Aish!

Nang ibaling ko ang tingin sa gawi ni Ty ay wala pa ring nabago sa kanyang posisyon. Ulam na ulam pa rin ang tingin ko sa kanya at marahil gan'un din ang tingin nang ibang babae. Sa gwapong mukha niya na 'yun at yummy abs... Tangna! May sapak lang sa ulo ang hindi maglalaway sa kanya! Pero nakakainis! Alam kong nakainom siya, pero okay lang ba sa kanyang magpahipo nang ganun-ganon sa babae?! My God, Jordan! Nakakalimutan ko nga yata kung ano siya dati at kung gaano siya kaloko sa babae! Aish! Nakakainis!

Sobrang init nang pakiramdam ko sa aking mukha habang unti-unti akong lumalapit sa kinalalagyan ni Ty. Nang makalapit na ako sa kanyang puwesto ay lumusong ako sa tubig na tila pinagtaong hanggang baywang ko lang naman. Ni hindi namalayan ni Ma'am Janice na nasa harapan na nila ako at talagang pinagsasamantalahan ang tila natutulog na si Ty! Ugh! Nakakainis naman talaga!

"Puwede pakitanggal ang kamay mo sa kanya!" Pasalamat siya at nakokontrol ko pa rin ang aking sarili kahit na sa totoo lang ay gusto kong putulin ang kanyang kamay sa inis! Noon ko nakitang napadilat si Ty at kumunot. Hindi ko man direktang nakikita ang kanyang mga mata ay alam kong titig na titig na siya sa akin.

"Feeling mo, Jorge!" irritableng sabi pa ni Ma'am Janice at nagkunwaring walang narinig at panay pa rin ang haplos sa abs ni Ty. Ang kapal ng mukha!

"Wala tayo sa opisina Ma'am Janice kaya lumayu-layo ka na!" Namaywang ako sa kanyang harapan at nagtaas ng kilay. Inis na inis na talaga ako! Malapit ko na talagang tampalin ang kamay niya!

"Feeler!" Inis na tumayo si Ma'am Janice at padabog pang humampas sa tubig para mabasa ako nang tuluyan. Or parang mas sinadya ang tamang term? Nagpigil ako nang inis at hinapyawan nang tingin ang mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Nakaramdam yata ang mga bruha at agad na nagsipaglayo sa kinalalagyan naming dalawa.

"What the hell are you doing here?" pasupladong tanong pa ni Ty sabay salin ng Tequila sa shot glass. "I thought you're with that boyfriend of yours." Umismid siya sabay inom ulit ng shot.

"Tama na 'yan! Ang dami mo nang naiinom!" Mabilis akong lumapit sa kinalalagyan niya para sana kuhanin ang Tequila, pero agad niya akong hinigit sa baywang. Napasandal ako sa kanyang katawan at halos magtama ang labi namin sa sobrang lapit.

"Hmm, Mahal ko," nakangisi pang sabi niya habang mas hinihigpitan ang yakap sa baywang ko at amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. "I really like it when you're in between my legs... or the other way around is way better."

"A-ano-?" Shit. Nang idiin niya ako nang husto sa kanya ay naramdaman ko ang alaga niya sa tapat mismo ng bikini ko! "Manyak!" Hinampas ko siya sa dibdib at napahalakhak lang siya nang malakas!

"You're so cute when you're blushing like that," nakangisi pang sabi niya, pero agad din iyong napawi at napalitan nang seryosong mukha. "But I don't like what you're wearing right now, Jordan! Men are ogling over your body and I fucking hate it," tiim bagang pa niyang sabi at walang sabi-sabing maingat akong itinulak palayo sa kanya para makatayo siya nang maayos. Nagpatiuna na rin siya sa pag-ahon sa tubig para alalayan naman akong makaahon. May kaunting hapay ang kanyang lakad, pero hindi naman iyong tipong matutumba.

Walang pasubaling kinuha niya ang towel na nadaanan namin at agad na ibinalot sa aking katawan.




********

Dear Readers/ Angels,

Titignan natin if nagbabasa kayo Author's Note.  Kapag walang nagcomment ng BITIN ngayon, mag-uupdate ako ng 3 times ngayong week.  Kapag walang nagcomment ng BITIN. hahaha!  So? Start. hahaha!

Love you guys!

Ate Mommy Dean

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon