Chapter 23.1.4

Magsimula sa umpisa
                                    

Anong oras na nga ba? Bakit wala na si Ty? Sinilip ko ang desk clock at halos seven o'clock pa lang. Saglit akong bumangon at nakita ko ang nakabukas na laptop niya sa may mini sala. Mukhang ang aga niyang busy.

Pero agad din akong napaigtad sa gulat nang bigla siyang bumungad sa pintuan ng banyo na nakatapis lang ng towel. Tangna lang!

"Good morning!" bungad din naman niya nang nakangiti.

"G-good m-morning!" Pilit ko pang pinaglabanan ang pagbabara sa aking lalamunan. Distracting masyado ang abs niya. Tangna! Umayos ka nga, Jorge, panay na naman ang mura mo!

"You're up early? Matulog ka pa. I'm just working here," sabi pa niya habang namimili ng damit sa closet. Nakatalikod siya sa akin at malaya kong natitigan ang defined muscles sa kanyang likod at pati na rin ang kaunting basa sa ilang parte ng kanyang katawan. Parang umiinit na yata...

"Nag-abs—sht! nag-breakfast ka n-na?" Tanga! Tanga!

"Not yet. Sabay na tayo." Thank God, hindi niya narinig!

Pero gan'un na lang ang gulat ko nang bigla ulit siyang pumihit paharap sa akin nang hindi pa nagbibihis. Nakangisi siyang lumapit at nag-iwas naman ako nang tingin.

"Want to touch my abs, Jordan?"

"Huh?" Umirap ako at nag-iwas pa rin nang tingin. "Ang manyak mo talaga!" Ang bango naman niya! Hindi pa siya masyadong nakakalapit, pero amoy na amoy ko na siya.

"Come on!" Walang-wala sa loob ko nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa abs niya! Shit!

"Ano ba?!" Nag-init nang husto ang aking mukha kaya inagaw ko ang kamay ko, pero ni hindi natinag sa pagkakalagay niya sa kanyang abs! Oh my, ang tigas...

"Ikaw lang ang binibigyan ko ng karapatang hawakan 'yan." Humalakhak pa siya nang malakas at lalo kong naramdaman ang pag-flex ng kanyang muscles.

"Ang manyak mo!" Buong pwersa kong inagaw ang kamay ko, pero mas hinila lang niya ako palapit at napaluhod ako sa kanyang harapan. Halos magpantay ang aming mukha dahil nasa bed pa rin naman ako.

"It always felt good to see you in that messy hair every morning."

Magsasalita sana ako nang maalala kong kakagising ko pa lang at hindi pa ako nagto-toothbrush! Mariin kong itinikom ang aking bibig at napakunot-noo lang siya.

"Why?" nagtataka pa siyang tumitig sa akin.

Sumenyas lang ako na pupunta na muna ng banyo at hinayaan naman niya ako.

"'Yung halik ko 'wag mo kalilimutan paglabas mo!" humahalakhak pang sabi niya at iiling-iling na bumalik ulit sa harap ng closet. Sus! Ang talas talaga! Nakakahiya naman kasi kung maaamoy niya ang hininga ko. Hindi man ako bad breath ayoko pa ring may marinig na hindi maganda.

Since nasa banyo na lang din ako ay naligo na rin ako para naman hindi kahiya-hiya sa kanya. Ginamit ko ang kanyang sabon na sobrang bango naman talaga. Sino bang hindi maaadik sa amoy na 'yun? Tapos kakaiba pa ang dating kapag nasa katawan na niya? Haist! Ano ba 'to? Bakit ba puro kamanyakan din ang laman ng utak ko?!

Sobrang sarap nang init ng tubig sa katawan kaya halos nalibang ako sa paliligo! Kaya naman paglabas ko ay iiling-iling na tumitig sa akin si Ty habang nakaharap sa laptop.

"Akala ko kung napano ka na sa loob. Tsss... gigibain ko na sana, e," sabi pa niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Sarap kasi maligo..." Grabe namang makatitig 'tong lalaking 'to, kala mo huhubaran ako, e.

"So, where's my kiss?" Huh? Seryoso ba siya?

"P-puro ka kalokohan..." Umismid ako at nag-iwas nang tingin. Wala pa namang nangyayari, e, parang kinakalampag na ang puso ko sa antisipasyon! Asa talaga, Jorge. Jeez...

"Who says I'm kidding?" Literal na nanigas ang katawan ko nang humakbang siya palapit sa akin.

"Anong gagawin mo?"

"You'll kiss me," diretsang sagot pa niya habang palapit nang palapit at ako naman ay paatras nang paatras.

"Wala akong sinabing gan'un! Ikaw lang kaya ang nag-conclude!" Pinaglabanan ko ang tuksong talunin siya dahil nakakapanghina ang kanyang amoy.

"Okay, then... I'll make sure that when I kiss you, you'll beg me to kiss you more."

"Asa ka tala—" Gan'un na lang ang gulat ko na nasa balcony na pala kami at narating ko na ang dulo nang pag-atras ko! Shit.

"End of the line?" Nakakaloko pa siyang ngumiti sabay isinandal ang magkabilang kamay sa barandilya. Kulong na ako! "So, where are we?"

"Tigilan mo na nga ako sa kalokohan mo, Ty!" Umirap ako at nagpamukhang irita, pero hindi ko alam kung iyon nga ba ang nakarehistro sa aking mukha habang hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kanyang mapupulang mga labi. Gaga, sa iba ka kasi tumingin!

"Hmm... you smell like a baby, as always." Bakit ba pakiramdam ko ay nang-aakit siya?!

"I don—" Hindi ko nanagawang ituloy ang sasabihin ko dahil agad na niyang nahuli ang labi ko. Tangna lang, sobrang bango ngkanyang hininga at nakakagigil ang lambot ng kanyang labi. Naramdaman konglumipat ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking baywang at kinabig pa akonglalo palapit sa kanya. Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang matipunongdibdib at buong pagpaparaya kong tinanggap ang kanyang mga halik. Ang sarap parin niyang humalik! Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa sobrang sarap! Anona, Jorge?! Ano na?



********

REMINDER:

CBTG REG UD - Monday and Thursday

TAC REG UD - Every Monday ONLY.  Ayoko kasing magkasapawan sila ni Tyrone since I love Ace so very much. 

So, wag na po sana ikulit ang UD.  Salamat sa pang-unawa.

Love,

Ate Mommy Dean

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon