Chapter 22.3.5

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit naman ako pa ang isinakay mo ditto, e, ako nga itong walang kinalaman sa seminar?" nakasimangot pang tanong ko.

"What do you expect? Si Janice ang isasakay ko rito?" nakasimangot ding tanong lang niya pabalik. "That woman will jump on me, Jordan." Umismid pa siya at bahagyang umirap.

"E, 'di ba iyon naman ang gusto mo noon?"

"That was before I fell in love with you," seryoso pang sagot niya at natahimik lang ako dahil kumalabog ang puso ko nang marinig ko na naman ang salitang love... "I am totally different person right after and you knew that."

Hindi pa rin ako nakakibo at pakiramdam ko'y may kaunting hinanakit ang paraan nang pagkakasabi niya.

Nang makita niyang umandar na ang sasakyan ng Finance ay pinaandar na rin niya ang Hummer. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya habang nagmamaneho. Mariin niyang kagat ang kanyang labi habang seryosong nakatuon sa daan ang buong atensyon niya.

"Umidlip ka kung gusto mo." May kung ano siyang dinukwang sa likod ng upuan ko at iyon pala ay unan. Iniabot niya iyon sa akin at walang alinlangang kinuha ko iyon. "Medyo mahaba ang byahe."

"Hmm..." Wala ako sa sariling inamoy ang unan at hindi ko maiwasang kiligin dahil amoy niya ang nand'un. "Amoy mo..."

"Hmm? Ayaw mo?" Bahagya pa siyang kumunot.

"Gusto..." nahihiyang sagot ko sabay tingin sa labas. Para na namang tinatambol ang puso ko. Ang lupet talaga nang tama ko, oo!

Tipid siyang ngumiti at tumangu-tango.

"I smell better than that pillow. You can always smell me, if you like," nakangisi pang sabi niya habang pasulyap-sulyap sa akin.

"Manyak..." Umirap ako, pero inamuy-amoy ko pa rin ang unan habang yakap-yakap. How I missed his smell.

"How I wish you could hug me just like that, Jordan..." Saglit na napabaling ako sa kanya at nakita ko ang diretsong tingin niya sa daan. Para kasing ang lungkot ng boses niya nang sabihin 'yun at may kung anong sakit na naman ang gumuhit sa dibdib ko or guilt siguro.

"I missed you hugging me just like that," dugtong ulit niya sabay baling sa gawi ko. Ibig ko yatang mapaso sa kanyang titig sa kabila nang suot niyang wayfarers, kaya nag-iwas na rin ako kaagad. Hindi ako makapaniwalang may ganoon pa rin siyang pakiramdam sa kabila nang lahat. Sa kabila nang tatlong taong lumipas.

Hindi naman din masyadong naging matagal ang byahe namin. Halos dalawang oras lang din ang ginugol namin kaya't hindi ko na rin tinulugan si Ty. Pero sa buong byahe ay hindi kami nag-uusap. Ang daming beses kong nakitang bumuka ang kanyang labi, pero hindi naman niya itinutuloy ang sasabihin at napapabuntong-hininga na lang.

Sa Taal Vista Hotel kami nagdiretso at doon din naman din daw gaganapin ang Seminar na exclusive lang para sa Finance ng MRC.

"Sir, paano ba 'yan? Hindi naman kasama si Jorge sa ipina-reserved na rooms." Nagkakamot pa ng ulo si Sir Martin.

"She'll be sharing a room with me." What?!

"Sir?" Natulala si Sir Martin na tila hindi makapaniwala sa narinig at gayon din ang ibang kasamahan namin. Nag-iisip man lang ba siya?! Hindi kami puwedeng matulog sa iisang room!

"Hindi pwe—"

"No, Jordan. 'Wag ka na umarte," pasupladong sagot lang niya at agad na kinuha ang card key sa kamay nang tulala pa ring si Sir Martin. Parang gusto niya akong tanungin, pero nauunahan lang nang takot dahil sa pagsusungit ni Ty.

"W-what--?" Naguguluhan pang tumitig sa akin si Ma'am Janice at parang bad trip na bad trip.

Naglakad si Ty papunta sa elevator, pero pinigilan siya ni Sir Martin.

"Sir, dito po tayo sa Mountain Wing."

"Kayo lang. Dito kami sa Lake Wing ni Jordan," seryosong sabi niya at nagdiretso na sa kakabukas lang na elevator.

"Jordan!" malakas pang tawag niya na nakapagpaigtad sa akin. Laglag pa rin ang panga ng lahat sa mga nangyayari. Hindi na ako magtataka kung pagbalik namin sa opisina ay hot topic na kaming dalawa! Aish!

"Faster!" Masungit pang ulit niya habang nakapindot d'on sa button ng elevator.

Inis naman akong sumunod at sinamaan siya nang tingin. Napaismid lang siya nang tuluyan na akong makapasok sa elevator at lahat ng mga mata ay nakatunghay sa amin.

"Ano bang ginagawa mo?!" inis na sita ko pa.

"Masama bang makasama ka, Jordan? Habang hindi ka pa umaalis para iwan ako ay sasamantalahin ko lahat nang pagkakataong makasama ka."

Natahimik lang ako sa kanyang sinabi at agad na nag-iwas nang tingin. Ano bang sinasabi niya? Alam ba niyang nagpa-plano na naman akong iwan siya?

Nang makarating kami sa suite ay agad din niyang ibinaba ang Nike traveling bag niya kasama ng knapsack na pinaglalagyan umano ng mga gamit na iginayak ni Kirs para sa akin. Bakit kaya sa kabila nang ginawa ko sa kapatid niya ay ang bait-bait pa rin niya sa akin?

Dire-diretsong binuksan ni Ty ang pinto sa may balcony at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa labas. Ano bang nangyayari kay Ty? Parang ang hirap niyang basahin at pabagu-bago siya ng mood.

At kahit parang nakakailag ang katahimikan niya ay sinundan ko pa rin siya roon. Nakasandig ang dalawang kamay niya sa barandilya at nakatitig sa kawalan.

"Just give me three days, Jordan," seryosong sabi pa niya sabay baling nang tingin sa akin.

Gusto ko yatang kilabutan sa klase nang pagtitig niya... Para kasing sobrang lungkot.

"Give me three days and I'll set you free."

"Ty..."

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Parang may kung anong nagbara sa aking lalamunan at ni hindi ko na nagawang magsalita.

"I heard you talking to Malen the other day." Shit... "I won't force you into anything, Jordan. But if you really want that bad to get away from me, I'll let you." Mapait pa siyang ngumiti at malalim na bumuntong-hininga. "But let me..." Natigilan pa siya saglit bago ulit magpatuloy. "...let me love you in three days... One last time."

Awang ang labi kong napatitig sa kanya at hindi ko pa rin malaman ang dapat na sabihin. Tama ba ako nang narinig? In three days pakakawalan na niya ako?

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon