Chapter 21.2.2

437K 7.7K 656
                                    

CHAPTER 21.2.2

JORDAN's POV (CONT.)

      

"Ikaw naman!" Kunot-noo ko pang baling kay Ty. Matapos niyang makipag-date d'un sa Tiffany na 'yun, ano namang ginagawa niya rito?! "Ano bang ginagawa mo rito?!"

"Kung hindi pa ako dumating ano na lang ang aabutan kong ginagawa ninyo?!" nagdudumilat pang sabi niya at igting ang kanyang panga.

"Wala ka nang pakialam d'un!" galit na balikwas ko rin.

"I don't like him touching you, Jordan! I can never allow that! Fuck!" Inis pang naupo siya sa isang tabi at marahas na ginulo ang kanyang buhok sa sobrang inis.

"Hindi kita boyfriend, Ty! Hindi! Kaya 'wag kang umastang boyfriend ko!"

"Huh?"

Nag-angat siya nang tingin at diretsong tumitig sa akin.

"As far as I can remember, we never broke up, Jordan. You. Just. Left."

Napaawang lang ang labi ko sa kanyang sinabi. Gusto ko sanang sumagot, pero nablanko nang husto ang utak ko at wala akong naisip na dapat isagot. Matagal-tagal din bago ako nakapagsalita at nakita kong dumiretso lang siya nang upo at sumandal sa pader habang mariing nakapikit.

"Umuwi ka na, Ty. Umuwi ka na sa mag-ina mo. Panigurado hinihin-"

"She's not my girlfriend," mabilis na sagot pa niya sabay dilat ulit at diretsong tumitig sa akin.

"Pero-"

"And Caleb Kian is not our son. He's Kirsten and Chance."

Nalaglag ang panga ko sa kanyang ipinagtapat. Iniyakan ko pa naman 'yun! Tapos- Aish! Ugh!

"Kirsten was just messing up with you, hoping to see your reaction if we lied about CK being my son."

Nagbara nang husto ang aking lalamunan at hindi ko pa rin nagawang makapag-react. At kahit na dapat nagagalit ako dahil pinaglaruan nila ako ay wala akong ni isang sakit na naramdaman. Sa halip ay parang maluwag pa sa pakiramdam ko na hindi niya girlfriend si Tiffany at hindi niya anak si CK. Tanga ko lang. CK. Chance and Kirsten. Shit!

"I won't be forcing you to tell me what happened three years ago," seryosong sabi niya sabay tayo at may kung anong kinuha sa pinto. Paper bag? "But I am starving and I want to eat."

Nilagpasan niya ako sa aking kinakatayuan at nagdiretso sa mesa. Agad niyang kinuha ang mga pagkaing binili ni Isaac para sa akin at walang pasabing itinapon iyon sa basurahan!

"Bakit mo itinapon?!" Gulat pa akong napatitig lang sa kanyang ginawa.

Saglit lang siyang tumingin sa akin para taasan ng kilay at umismid!

"I am not eating that scumbag's food!" pasupladong sagot niya at talagang itinapon niya lahat! As in wala siyang itinira! Aksayado talaga!

"Sana itinabi mo na lang at ako ang kakain!" inis na sabi ko pa, pero parang wala lang siyang narinig at inilabas lahat ng laman ng paper bag na dala niya.

"There is no way you're eating those foods coming from that scumbag, Jordan. Mamaya may gayuma pa 'yun at bigla kang ma-inlove sa gunggong na 'yun! Tss..." Aba't?! Wait, is he jealous again? Huh?

"E, ano naman kung ma-inlove ako kay Isaac?!" Matapang akong humarap sa kanya at pinanood ang kanyang ekspresyon.

"I will not allow you." Matalim niya akong tinitigan bago naupo at magsimulang kumain. "Eat." Inginuso pa niya ang katabing upuan at ipinagpatuloy na ang pagkain.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon