Chapter 8.2

1.4K 48 22
                                    

CHAPTER EIGHT – 2

 

*MADDY’S POV

“Papa kakain na daw” tinawag ko si papa. Kasama nya si Charles at seryoso silang nag-uusap. Ano kaya pinag-uusapan nila at ang seryoso nila pareho, nakaka curious naman.

 

“Susunod kami baby” nakangiting sabi ni papa sa akin at pumasok na ako ulit sa cottage.

“asdfghjkl” may sinabi si Charles kay papa pero hindi lang klaro sa pandinig ko

 

Pagkatpos naming kumain ay naligo na sina mama at papa sa dagat samantalang ako yung photographer nila. Nakakatawa silang tingnan para lang silang mga teenager, magpapabuhat si mama kay papa tapos mag papa-picture sila. Meron ding naka pose si mama at papa na parang model, ang cute lang talaga nila.

Si Charles naman, ayun nandon lang sa cottage at tinitira yung cake, grabeh ang takaw nya talaga. Buti na din at nandoon lang sya, baka asarin lang ako non eh. Nang makita nya ako kanina sa suot ko di ma ipinta ang istura nya, siguro gusto na nyang tumawa pero binantaan ko agad kaya hindi nalang. Sigurado ako sa utak non tawang-tawa na sya.

“Hoy, hindi ganyan ang pagkuha ng picture”

“Ay butiki” nagulat ako kasi biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

“Ang gwapo ko namang butiki” tsk >.< ang yabang talaga.

“eehh.. lumamig ata bigla, ang lakas naman ng hangin dito” inakap ko pa ang sarili ko na tila nalalamigan talaga.

“Akin na nga yan” inagaw nya sa akin yung DSLR camera na hawak ko. “Ganito ang tamang pag picture” sabi nya pa at pinicturan sina mama at papa.

 

“tingnan mo” sabi nya at pinakita sa akin ang kuha nya.

“Osya, sige na, sige na.. Ikaw na, ang dami mong alam” sabi ko nang makita ko ang kuha nya. Oo maganda ang pagkakakuha ng angle, eh paki ko ba eh sa bobo ako sa geometry. Relate nyo nalang pwede?

“Charles, baby girl kayo naman ang maligo at kami na muna ng papa mo ang magbabantay don sa cottage at kukuha ng picture sa inyo” sabi ni mama ng makalapit sya sa amin.

“Ah wag na po ma” pagtanggi ko kay mama. Eh ayaw ko maligo di ako marunong lumangoy.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon