Chapter 14.2

1K 27 17
                                    

CHAPTER FOURTEEN - 2

*MADDY'S POV

Ang galing-galing talaga ng party na 'to. Nag Fa-fashion Show din kasi ang mga aso. Biruin nyo, ginagawa din pala ito ng mga aso, para talaga silang tao. Nagagawa kasi nila kung ano man ang kayang gawin ng mga tao. Nakakatuwa, kasi time na ni Chubby na magpasikat. Syempre kasama niya si Paolo sa runway. Pati si Paolo ang cool cool tignan, ang galing nya ding rumampa .. pwede syang model.

Masipang palakpakan ang narinig ko ng magpakitang-gilas si Chubby. Tumatalon kasi si Chubby sa isang hola-hop at bagay na bagay naman sa costume nyang wonder woman, kasi sa tuwing tatalon sya para naman syang lumilipad.

Habang nakapalakpak ako naramdaman kong nag vibrate ang phone ko, kaya agad ko namang tiningnan.

Si Charles, tumatawag. Bakit kaya?

"Hello Charles" hinintay ko na sumagot sya pero wala naman akong maririning na "Hoi Maddy" yan kasi ang karaniwang sagot nya sa phone.

"Hello Charles" kaya inulit ko ang pag hello. Kaso wala pa din, kaya na isip kong lumabas muna don sa venue baka kasi di ko lang marinig ang sagot ni Charles dahil sa ingay sa loob.

"Hello Charles.. Hoy magsalita ka naman dyan. Wag ka ngang mang trip" hinintay ko ulit na sumagot sya, kaso hindi pa rin sya umi-imik. Ano problema ng lalaking 'to lakas din ng trip ahh. Puro ingay lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Nasaan kaya itong si Charles?

"Hoi Charles, kapag hindi ka pa nag-salita ibababa ko na 'to.. bibilang ako hanggang lima. 1...2...3....4...4 1/2.... lim....." natahimik ako ng marinig ko na may umiiyak. Teka nga, umiiyak? Si Charles?

Tiningnan ko muna yung phone ko, para masigurado ko kung sino ba talaga ang tumatawag. At na komperma ko na si Charles nga talaga ito. Pero bakit naman sya umiiyak?

"Charles, bakit ka umiiyak? Nasaan ka? Sagotin mo naman ako oh" naman ehh. nag-aalala na ako, baka na pano na yon. Ano ba kasi problema non.

"Charles please sagotin mo lang kung nasaan ka ngayon" sabi ko sa nag-aalala na tono.

"Sophia" sabi nya sa mahinang boses... Sophia? sino si Sophia? Agad naman akong napa-isip kong sino si Sophia. Baka mali ang tinatawagan nya, imbis na yung Sophia ang tatawagan nya ay ako yung na dial nya.

"Charles wrong number ka. Si Maddy to eh"

"Sophia Resto Bar" ahhh.. yun pala ang pangalan ng bar.. ang bobo ko naman.. hehehe ^__^V sinsya na po, eh sa wala akong alam sa mga bar-bar na yan eh..

"Hintay ka lang dyan, pupuntahan kita. Wag kang aalis dyan." agad kong binaba ang phone at pumara agad ng taxi.

"Manong driver sa Sophia Resto Bar po.. Pakibilisan lang po.. importante kasi eh"

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon