Chapter 13.2

1.2K 33 14
                                    

*MADDY'S POV

"Charles, Jollibee na naman? Di ka ba nagsasawa ha!!?" pagre-reklamo ko kay Charles ng makababa na kami sa kotse nya at tumambad sa akin ang pagmumukha ng mascot na si Jollibee.

"Paano ako magsasawa eh ang sarap kaya dito" nakangiti nyang sabi at naglakad ng na una sa akin. Sumunod naman ako. Di bale na nga kung sa Jollibee kami kumain, total wala naman akong pinipili lalo na kapag gutom.

Nang makapasok na kami ay naghanap agad ako ng table na bakante, madami din kasi ang tao ngayon dito dahil dinner time. Si Charles naman nagpunta na ng counter at nag-order ng makakain namin. At kahit hindi ko hulaan, alam ko na chickenjoy na naman ang o-orderin nitong si Charles.

Habang naghihintay ako kay Charles ay tiningnan ko muna ang phone ko, baka sakaling nag text si mama o may mga messages na importante. May dalawang message akong natanggap, yung isang message ay galing kay "SUNCELLULAR" >//< (loko to ah..!!) at yung isa ay unknown.

From: +63922*******

Hi, it's Paolo. I just wanna ask if you're free tomorrow night? I'll be attending a party for dogs, you might want to come. Please!

Wow! naman nagpa-party din pala ang mga aso? Parang exciting yun ahh... Pero teka!! Saan nakuha ni Paolo ang number ko? 

To: +63922*******

Hello Pao. Yah sure. I'm free tomorrow night. At parang exciting yung ganyang party ah. Thanks for inviting me Pao.

After a minute ay agad naman akong nakatanggap ng reply mula kay Paolo.

From: Paolo

Thank you so much Maddy. I would be happy to bring you there. 

"Anong nginingiti mo dyan?" nagulat ako ng biglang magsalita itong si Charles, bitbit-bitbit ang isang tray.

"Ay anak ng tokwa"  nakangiti pala ako?

"Hoy, hindi ako anak ng tokwa ha. Anak ako ng nanay at tatay ko." sabi nya pa habang ina-arrange yung food sa table namin.

"tse, pilosopo" 

"Hindi ako pilosopo ha.. tao ako" sagot nya pa... eerr >//<

"tss... ewan ko sayo.. hmmp  bakit mo ba paborito itong Joillibee?" 

"Eh, sa pobirito ko eeh.. Pake mo ba" >//< teka ano nangyari? parang bumalik yung dating Charles ah.. Yung Charles na mayabang at malakas mambara.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now