Chapter 26.1

793 20 9
                                    

Authors Note: Pasinsya na po mga HYN readers dahil sobrang drama ng past chapters don't worry babawi ako ng konti sa chapter na 'to. Again "konti" lang kaya wag naman kayong masyadong mag expect. Maraming salamat po sa mga patuloy na bumabasa at sa mga new readers WELCOME!!

ENJOY READING! :D

===================

CHAPTER TWENTY SIX - 1

*MADDY'S POV

Marami na ang nagbago simula ng makabalik kami dito sa Manila. Ang takbo ng buhay ko ay nag-iba. Alam na nila mama Maylene, papa Michael, tita Rose at tito Chan pati nga ang lolo ni Charles alam na din ang lahat ng nangyari sa Subic. Kagaya ko di hidi rin sila makapaniwala na kayang gawin iyon ni Charles, galit na galit nga ang lolo ni Charles sa kanya. Pati si tito Chan galit kay Charles at lalong lalo na si papa.

Ni hindi man lang nagsalita si Charles bakit nya iyon ginawa basta nalang nyang sinabi na gusto na nyang putolin ang engagement at nag sorry. Kaya mas lalo akong nasasaktan eh. Mag li-limang araw na nahindi ko nakikita si Charles, ni text o tawag galing sa kanya wala akong natatanggap. Siguro masaya na talaga sya kasama si Megan at tuloyan na akong nakalimotan.

Sinubokan kong kausapin si Megan text ako ng text at twag sa kanya pero hindi naman sya sumasagot. Masakit kasi itinuring kong kaibigan si Megan. Gusto ko syang maka-usap ng maayos pero hindi naman sya nag re-reply sa akin o sinasagot man ang tawag ko.

Nasa coffee shop ako ngayon, naka-upo malapit sa glass window at nakatingin sa labas. Tanging mga sasakyan at taong dumadaan lang ang aking nakikita. Lumapit si mama Maylene sa akin at tinabihan ako, hinawakan nya ang braso ko at pinisil-pisil ito.

"Baby girl namamayat kana ata, kumain ka naman kahit konti." sabi nito, nilingon ko si mama at  nakita ko nalang na may pagkain na pala sa lamesa ko.

Veggies, fried chicken and rice and nakahain. Naalala ko tuloy bigla si Charles, alam na alam ko na paborito nya ang fried chicken. Kaya di ko kayang kainin kung ano man ang nasa harap ko ngayon at isa pa wala talaga akong gana.

"Ma, busog po ako!" matamlay kong sabi at tumingin ulit sa labas.

"Tita baka gusto nyang may kasalo sa pagkain." sabi ng isang boses lalaki kaya napalingon kaming dalawa ni mama.

"Paolo, Celeine, Jonas !?" gulat na sabi ko, simula ng makabalik kami sa Manila ngayon ko lang ulit sila nakita.

"Hi Maddy! Sorry ngayon lang kami nagpakita." nakangiting sabi ni Celeine at nag pece sign pa.

"We just want to give you time and space." sabi naman ni Jonas.

"Mga kaibigan ba kayo ni Maddy?" tanong ni mama Maylene kay Celeine at Jonas, si Paolo lang kasi ang kilala ni mama.

"Tita, this is Celeine and this is Jonas." pakilala ni Paolo kina Celeine and Jonas kay mama, nag wave lang ng sila ng hands to show respect.

"Nice meeting you. Mabuti naman at nandito kayo. I'll just prepare foods para sa inyo ha. Please aliwin nyo naman si Maddy." sabi ni mama sa tila nagmamaka-awa na boses.

Nang umalis si mama para kumuha ng pagkain ay agad naman silang umupo. Katabi ko si Celeine at sa opposite side naman ay magkatabi sina Jonas at Paolo.

"Maddy, kamusta ka na?" tanong ni Celeine.

"Namayat ka ata. Hindi ka ba kumakain?" tanong naman ni Jonas.

"You look different, we miss the old Maddy." sabi naman ni Paolo.

"Okay lang naman ako, wala lang talaga akong gana na kumain." sabi ko naman at ngumiti ng sapilitan.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now