Prologue

19.2K 305 118
                                    

Gab's POV

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko kay Shades.

Pag-uwi kasi namin kanina galing school, bigla nalang niyang sinabi sa lahat na aalis kami. Walang ideya ang buong section f kung saan kami pupunta, tanging si Shades lang ang nakakaalam.

Nakasakay kami sa kotse ni Shades, syempre siya ang driver tapos katabi niya ko. Nasa likod naman si insan, Jerson at James. Yung iba nakasunod samin gamit ang iba pang sasakyan.

"Makikita mo rin mamaya" sabi ni Shades ng hindi tumitingin sakin. Nakangiti lang siya na nakatingin sa daan. Tsk, anong meron sa daan?

Oo nga pala, halos dalawang buwan na ang lumipas mula nung nahuli si Mr. Brian Enriquez a.k.a Master A / Albert. Hindi ako sigurado kung ilang taon siya makukulong dahil sa mga nakakataas lang sinabi ang buong detalye. At dahil wala na siya, syempre ako na ang rank 1. Wala ng makakatalo sakin! Hahahaha.

Si Mr. Bernadette Wilson a.k.a Bernard naman tatlong taon lang makukulong. Hindi na 'yon gano'n kabigat di tulad ng ibang nakasuhan sa SAP. At dahil nga wala na siyang takas do'n dahil na rin sa kulungan ng SAP siya nakakulong, hindi siya nadadalaw ni James. Buti nalang at pwedeng gumamit ng cellphone sa loob kaya nakakapag-usap pa silang dalawa. Mabait na ama si Mr. Bernard, nagkamali lang siya ng tinahak na daan para maprotektahan ang anak niya.

Si Lily naman, magaling na siya. Hindi na siya katulad ng dati na baliw. Muka ngang mas baliw pa 'ko sa kaniya kasi tinikman ko yung drugs dati eh hahaha, pero wala naman 'yong naging epekto sakin dahil na rin dinura ko 'yon. Kung pumasok pala 'yon sa sistema ko siguradong mental hospital ang bagsak ko.

"Dito tayo pupunta?" Biglang tanong ni James kaya naman napatingin ako sa labas.

Yung lugar na 'to...

"Nitong nakaraan, hindi na tayo nakakalabas ng magkakasama kagaya ng dati. Hindi na tayo nakakalabas para magsaya. Wala naman tayong gagawin ngayong araw kaya naisip ko na magpunta tayo rito" sabi ni Shades habang nagda-drive, nagulat nalang ako ng bigla siyang lumingon sakin. "At saka may gusto rin akong baguhin" tapos bigla siyang ngumiti bago tumingin sa labas dahil ipaparada na niya ang sasakyan.

Ano ang ibig sabihin niya sa "may gusto rin akong baguhin"?

Paghinto ng sasakyan nagtanggal na ng seatbelt si Shades tapos sinuot na rin niya yung shades niya. Hanggang ngayon sinusuot parin niya yung shades na bigay ko. Binuksan niya yung pintuan niya. Bubuksan ko na rin sana yung akin kaya lang pinigilan niya ko. Tumingin siya sa mata ko at dahan dahang lumapit.

Teka anong---

*click*

Tinanggal niya yung seatbelt ko tapos ngumiti na naman siya at lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan pa niya kong makababa kagaya ng ginagawa ng mga leading man sa isang palabas. Grabe, ibang iba na talaga si Shades. Parang kailan lang nanginginig pa siya at utal utal kung magsalita kapag malapit siya sakin. Pero minsan talaga umaatake parin yung utal syndrome niya, atlis minsan nalang.

"Sigurado ka ba boss na para sa section f kaya tayo nandito at hindi para sa date niyo?" Kunot noong tanong ni insan ng bigla nalang kaming mag holding hands ni Shades.

Nginitian ko siya at saka ako tumawa. "Ang sabihin mo insan naiinggit ka lang, humanap ka kasi ng ka-date minsan" tatawa tawang sabi ko pa. Narinig ko naman na bumungisngis si Shades.

"Alam niyo ba na gusto ko talagang bumalik dito" napatingin kaming lahat kay James ng magsalita siya. Nakatingala siya habang tinatanaw ang maraming tao sa harapan namin. "Nandito sa amusement park na 'to ang pinaka unang rollercoaster na sinakyan ni Boss" tapos bigla siyang lumingon sakin. "At dahil 'yon kay ate Gab"

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now