Sabay inabot samen yung mga order namen.. Dalawa din yung in-order ko.. Tas nakita kong umupo siya dun sa may bakanteng seat na may table.. Syempre, papampam ako.. Kahit may ibang seat naman, dun din ako pumwesto sa table nia..

"Hi!" sabi ko.. Pramis, hindi ko pa 'to nagawa before.. Parang for a change lang.. Lalakasan ko lang loob ko..

Ngumiti naman si ate nio girl.. Parang lalo siyang gumanda..

Tas ayun, ayun na.. Hindi ko na alam gagawin ko.. Anu ba next move dapat..? Hamunin ko kaya 'to nang pabilisan ubusin yung hotdog..

"Miss, tara, pabilisan tayong kumain ng hotdog.." parang ang sagwa.. Syempre hindi ko sinabi yun.. Magmumukha akong tanga..

So wala.. Naubos lang namen yung hotdog.. Lasang ordinaryong hotdog lang siya..

Tas wala naman akong nasabi.. Hindi yata talaga ako marunong dumiskarte..

Bumalik na kami sa bus.. And nagsimula ulet yung byahe.. Ewan ko ha, pero parang natutuwa talaga ko dito kay ate girl.. Ang ganda nia kasi.. Tas parang ang astig lang tingnan ng babaeng nagbabyahe mag-isa.. Pero Wala e.. torpedo.. Hindi ko alam kung pano babanat ng ice breaker..

Ting!!!!! Aha.. Speaking of ice breaker.. May naalala ako.. Naituro samen 'to nung professor namen sa English nung first year, first sem ko.. Pero dyahe eh.. Hindi kasi normal na pickup line 'to..

Tumingin ako sa kania.. hindi siya tulog.. Nagse-cellphone siya.. And napatingin din siya saken.. Tas ayun, tumingin ako sa malayo.. Kunyari tinatanaw ko yung mga baka sa damuhan.. After few seconds, tumingin ulit ako sa kania.. And to my surprise, nakatingin pa din siya saken.. Kahit ginapangan ako ng hiya, nagtry pa din akong ngumiti.. And ngumiti din siya.. Tas bumalik siya sa cellphone nia..

"Ngumiti siya saken.. I guess hindi naman siya suplada.. Siguro e-epek nga.. nga 'to.." sabi ko sa sarili ko..

So humarap ulet ako sa kania.. "Hi.." sabi ko.. Nakangiti ako..

Ngumiti siya.. Yung ngiti na parang naaaning siya.. "Hello.."

Tas hindi ko alam kung pano ipapasok yung pick up ko.. Parang ang awkward e..

"Are you gonna say something..?" sabi nia.. Nakangiti pa rin..

"No.. I was just going to ask; do you know how much a polar bear weighs..?" bahala na.. Kahiyaan na 'to..

Napakunot yung noo nia.. Pero nakangiti pa rin.. "Polar bear..? No.. Baket..?"

"Uhmm.. Actually, hindi ko rin alam e.. But I guess that's enough to break the ice.. Right..?" patawarin nawa ako ng mga ninuno ko.. Nag-try lang naman ako e..

Then napakagat-labi siya.. Then natawa ng konting-konti lang..

"That's cute.. Nagyon ko lang narinig yun ah.." sabi nia..

Nakahinga ako ng maluwag.. "Thank you Lord.. Hindi nia ko jinudge.." naibulong ko sa sarili ko..

"Ria.. Ria Corpuz.. " and she extended her hand.. Hindi ko inexpect ko..

"Lorenz.. Lorenz Morales.."

"Taga-Baler ka..? Or.. Tourist ka din..?" she asked..

"Ahmm.. No.. Bakasyon lang.. First time ko dito sa Baler.. Ikaw?" sagot ko..

"Tourist din.. Pero 3rd time ko na.. May sstayan ka na..?"

"Ahh.. Wala pa.. Madami naman yatang hotel dun di ba..?"

"Uhmm.. Oo.. Sige sabay ka saken later.. Hanap tayo.. Ilang days ka ba?" tanong nia ulet..

"Ahhh.. Ewan.. Hindi ko alam.. Siguro mga 2 days.. ikaw..?"

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now