1. GOWY

33.8K 310 7
                                    




Kath's POV

Nagising ako ng basa yung pisngi ko. Hmm. Parang alam ko na kung sinong mahal ko ang nandito..

"Love, ang aga mo naman mang gising.."

"Arf! Arf!"

"*giggles* Kumain ka na ba? Would you like to join me sa breakfast ha, Snow?"

"Arf! Arf! Arf!"

Yiee. Ang cute cute ng baby ko!! She's so smart :)

Tumayo na ko at nag ayos muna bago bumaba. Nadatnan ko si Mama nag aayos sa dining area.

"Anak, ang aga mo naman magising. Di ka ba puyat?"

"Hindi naman Ma, saka ang aga mang gising ng apo nyo eh. Haha"

"Si snow talaga. Haha"

"Ma, ngayon po ba yung show namin ni Dj sa Laguna?"

"Ah yes anak. Bakit?"

"Wala po Ma."

Bzzt.. Bzzt..

FROM: Bali ❤

Good morning Bali! Eat your breakfast na. Happy eating! See you later :*

Aww. He's so sweet. :')

TO: Bali ❤

Good morning too! Ang aga naman magising ni Mr. Ford :) Mukhang may milagro ah? Haha Eat your breakfast as well, magpapakabusog ah :*

After ko kumain, nagbrowse muna ako sa internet. Twitter, Facebook, Insta. Hayy.. Kailan ba mapapagod ang mga bashers na 'to? Kagabi pa ko napupuno sa kanila eh.

--

3pm

DJ's POV

"Tita!" Hinug ko agad si Tita Min

"Oh Dj! Pasok ka."

"Sunduin ko na po kayo."

"Ah wait lang. Tawagin ko lang si bunso."

Agad namang umakyat si Tita sa taas para sunduin si Kath. Maya maya lang bumaba na rin sya kasama si Kathryn.

"Nasan Tita ang mga gamit nyo?"

"Ah si Mar na ang bahala dun Dj. Magco-convoy sya satin eh. Teka, san ba ko sasakay?"

"Umm.. Tita, pwede sa van nalang kayo? Si Gino po ang dala ko eh. Di tayo kasya ni Kath.."

Natawa naman bigla si Tita Min. "Nako ikaw na bata ka. Alam kong planado yan. Oo na, sige na."

Nilapitan ko naman agad si Kath pagkatapos makaalis ni Tita Min para ayusin yung mga dadalhin nila.

"Okay ka lang Bal?"

Tumango naman sya.

"Okay. Tara na!"

..

Naging tahimik ang byahe namin ni Kath. Actually, sya lang yung tahimik ako yung daldal ng daldal. Magk-kwento ako, tapos comment lang sya ng konti, tapos tatahimik ulit. Ano bang problema ng Bali ko??

"Bali, may nagawa na naman ba 'ko sayo?"

Mukhang nagulat naman sya sa tanong ko.

"H-huh. Wala, wala. Bakit mo naman nasabi yan?"

"Eh paano kase ang tahimik mo. Kanina ka pa ganyan eh, baka may nagawa na naman akong mali tapos di mo pa sinasabi saken."

"Wala yun.. Don't mind me. May iniisip lang ako."

"Kung inaalala mo yang album mo, itigil mo na yan. Maraming nagmamahal satin diba? Lalo na sayo. Ikaw pa, eh ikaw ang pinaka mabait na babaeng nakilala ko."

"Hindi yun yon eh.."

Ang praning naman ng babaeng mahal ko. Hayy..

"Bal, Kathryn, Kath, Baby, stop na. Hindi maganda yung masyado kang nag aalala. Stop being so paranoid ha? Magaling ka and you can do this. Diba nga idol kita?"

Ngumiti naman sya ng matamis, "Thank you Dj."

I smiled.

*

"Tita yung anak ho ninyo napa-praning na naman. Masyadong iniisip ang album nya." Naisip kong sabihin kay Tita Min ang tungkol sa anak nya. At tamang tama naman, at mine-make up-an si Kath sa mga oras na to.

"Alam mo naman DJ yang si Kath, masyado kung mag alala. Basta lagi mo nalang pagagaanin ang loob ha. Iniisip din nya kase minsan yung mga haters nya sa ig. Hindi naman maiiwasan na masaktan si Kathryn dahil tao lang naman ang anak ko. Pero meron talagang taong mga wala sigurong pinag aralan at lahat nlang ng bagay, pinakealaman. Nadamay pa yung mga kaibigan nya. Pati ikaw."

Huh? Ano yun? Wala namang nababanggit si Kath saken tungkol dyan?

"Hindi ko alam yang tinutukoy nyo Tita ah." Napakunot ang noo ko at napaisip. Hindi saken nasabi ni Bal yan.

Hayy.. Kathryn, Kathryn..

"Hindi pala binanggit sayo? Baka ayaw na rin nya pag usapan pa ang tungkol dun. Hayy, anak talaga."

Buong prod inisip ko yung sinabi ni Tita Min. Kaya pala ganun si Kath. Anak ng!

Siguro din kaya hindi nya ko masyadong kinakausap kase baka masabi nya bigla yung problema nya.

Pagkatapos namin kantahin ang With A Smile, ni-request ko sa banda yung Grow Old With You. Ito nalang kakantahin ko para sa kanya..

"I wanna make you smile whenever you're sad, carry you around when your arthritis is bad.. All I wanna do is grow old with you.."

Buong puso ko syang tiningnan sa mata. Sana maramdam nya na nandito lang ako.. Nandito lang ako sa tabi nya at hindi ako aalis. Kung ano man ang sinabi ng taong yun na nakasakit kay Kath, malaman laman ko lang ang pagkatao nun, may kalalagyan sya.

"I get your medicine when your tummy aches.. Build a fire if the fern is breaks. It would be so nice to grow old with you.."

Sa lahat ng nangyare nitong mga nakaraan, isa sa mga natutunan ko ay si Kath ang klase ng babaeng dapat pahalagahan at wag sasaktan. Grabe yung pagsisisi ko sa naging kasalanan ko. Narealize ko kung gaano kaimportante ang babaeng 'to sa buhay ko. Napakalaking gago ko na pag pinakawalan ko pa si Kathryn.

"I'll miss you, kiss you. Gave you my coat when you are cold. Need you, feed you. Even when you hold the remote control.."

Hawak ko ang kamay nya habang kinakantahan ko sya. Alam ko, at ramdam kong gusto na nyang umiyak. Nangingilid na yung mga luha sa mga mata nya. Tumalikod sya sa audience at pinagpatuloy ko ang pagkanta.

"I can be the man who grows old with you.. I wanna grow old with you.."

Hindi pa man din natatapos ang linya ng kanta, umiiyak na sya. Ang bigat talaga sa pakiramdam ang nakikita syang umiiyak. Laking pagsisisi ko, dahil napaiyak ko na sya noon. At ayoko nang maulit ulit yon. Halos mawala din sya saken noon.

Niyakap ko sya nang mahigpit at sinabi sa kanya, "Stop crying.. I love you"

Mahal ko si Kathryn. At nandito lang ako sa tabi nya. Kahit anong mangyari, ipagtatanggol ko sya. Masaktan na ako, wag lang si Kathryn.

--

Hi!
Tweet your reactions using #OTRKNwp 💙 or tweet me  @abzlcro Thank you!

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon