14. Debut invitation

7.9K 113 0
                                    

DJ's POV


Katatapos lang ng trabaho ko. Ngayon naman, maghahanda na ako sa 18th birthday ni Julia na invited kami ni Kathryn. Nasaan na kaya ang girlfriend ko? May trabaho din siya ngayon eh.

At para makasigurado, tinawagan ko na siya.

Kath: Hello baby! What's up yow? *giggles*

DJ: Are you done na sa work, baby?

Kath: May ilang shots pa daw bi eh, I'm not sure. You?

DJ: Tapos na ako. Siguro naman by 5pm tapos na kayo? Masusundo pa kita.

Kath: I'll try bi, kase di ko pa talaga alam. But I'll inform you agad kapag patapos na kami. Okay? Magready ka na :)

DJ: Okay lang?

Kath: Ofcourse! Alangan naman na hintayin mo pa ako. *giggles*

DJ: Okay, basta text me if you're already done.

Kath: Okay. Babye! I love you.

DJ: I love you too. Take care.

Kath: I will. :)

And she ended the call.

--

Dalawang oras na ang nakakalipas pero wala pa ding text o tawag si Kathryn. Init na init na ako sa long sleeves na suot ko.

"Ano DJ? Hindi ka pa ba pupunta sa party? Malapit na mag-6pm."

"Rye, wala pa si Kathryn eh. Tsk"

"Wag mo na kaseng hintayin ang girlfriend mo dahil galing pang QC yun. Malayo ang location ng pinagshooting-an nila at baka ngayon palang siya uuwi para maghanda." Sabi naman ni Tito Dho

"Sabi ko kase itext o tawagan ako. Tss"

Minsan matigas din ang ulo ni Kathryn Bernardo.

"Ano ka ba naman! Nagtatrabaho ang girlfriend mo, DJ. Nagiging clingy ka."

"Tss."

Lumabas ako ng dressing room para tawagan si Kathryn. Naka tatlong ring muna bago niya ito nasagot.

Kath: Hello bi, sorry di ako nakatawag kanina. Ni-rush na nga namin. Nagreready palang ako ngayon.

DJ: ..

Kath: Kung gusto mo, sabay nalang kayo ni Pat pumunta. Si Arisse nalang ang kasabay ko. Tutal hindi pa naman sila magkasama ngayon, saka malapit lang sa location mo si Pat. Okay ba yun bi?

DJ: *sighs* May magagawa pa ba ako?

Kath: Magkita nalang tayo later, okay? Sorry talaga, DJ.

DJ: Okay see you later.

Maya maya lang, dumating na si Patrick.

"Oy pare. Kamusta?"

"Okay lang. Tara na."

"Badtrip tol? Haha"

"Wag na nating pag usapan." Nilingon ko si Kuya Romeo, "Tara na po."

--

Pagkarating namin, sumalubong agad ang media. Litrato doon, litrato dito. Usap dito, usap doon. Hindi na nga ako makangiti ng ayos.

"Ano pare? Hindi ba nagtetext sayo si Arisse? Nasaan na daw sila?" Hindi ko na napigilan na tanungin si Pat. Hanggang ngayon, wala pa din sila. Ayoko namang itext si Kathryn, alam nyo na..

Off The Record (OFFCAM)Onde histórias criam vida. Descubra agora