48. Clingy!Kathryn

7.8K 168 7
                                    

Alas otso ng umaga ng marinig kong nagbubunganga si Mama. Susmaryosep, wala pa kong matinong tulog eh.

Bumangon na ko at nag toothbrush bago lumabas ng kwarto. Nakita kong nagdadabog na pumasok ng kwarto si Margaret.

Nakasalubong ko si Lelay kaya siya nalang inusisa ko.

"Lay, anong meron at parang bulkang nag-aalburoto si ate Magui mo eh ang aga-aga?" tanong ko bago siya niyakap at hinalikan sa ulo.

"Hindi po pinayagan ni Mama sa sleepover."

"O diba batas naman talaga sa bahay na 'to na walang sleepover sa ibang bahay? Bakit mukhang nakalimutan ni Margaret?"

"Hindi ko po alam kay ate."

"Osige na. Kausapin ko lang si Mama. Kumain ka na ba, bunso?"

"Yes, kuya."

"Okay."

Bumaba na ko at naabutan si Mama nakaupo sa hapag kainan kasama sina Tita at Jordan.

"Magandang Buhay! Hahaha" biro ko.

"Oh, anak! Magandang Buhay! Kiss, Mama."

"Ma naman! Yan ka na naman." umiwas ako ng daan at humalik kay Jordan at Tita Ann. Pero nang nag armalite na ang bibig ni Mama, lumapit na ko at hinalikan din siya.

"Kain ka na, Dindin."

"Thank you, tita." bumaling ako kay Jordan at nakitang masayang kumakain ng Mighty Meaty Hotdog.

"Grabe jordan ah. Konti nalang 'sing laki mo na si Mama. Haha"

"Aba anak, sumusunod sakin yan ano kaba. Haha! Ay nak.."

"Po?"

"Tumawag si Ate Min, may sakit pala si Kath? Mamaya nga magluluto ako ng tinola, dalhan mo ha."

Nagulat ako. Teka, di ko alam?

"Hindi mo alam 'no? Nako! Hindi mo tinitingnan ang phone mo. Baka nagtext na si Bal.." tukso ni Mama.

"Nako, kawawa naman si baby girl. Pupuntahan mo ba Dindin?"

"Yun lang po ang naiisip ko ngayon, 'Ta. Pagkasabi pa nga lang ni Mama gusto ko na magbihis at umalis."

"Ay sandali lang naman, Loverboy! Maya-maya ka umalis at ipagluluto ko nga si Kath ng tinola. Makakapaghintay ka pa ba?"

"Sige po, Ma."

"Huwag ka na mag-alala at gagaling naman agad yun. Ikaw lang yata ang hinihintay eh.. Yiee, anak.. Inlababo ka talaga anak 'no?"

Ito naman si Mama inaasar pa 'ko. Di niya alam yung kabog ng dibdib ko ngayon, parang tambol tuwing pista.

"Ma naman." kunwaring irap ko kay Mama.

"Asus."

Pagkatapos kumain ay umakyat agad ako sa kwarto para i-check ang phone ko. May ilan ngang messages galing kay Kathryn.

06:25AM
From: Tangi

Bal, I need some hug right now. Can you come over please?

06:35AM
From: Tangi

Bali, I'm not feeling well.. I need you.

07:00AM
From: Tangi

Bal. Bal. Bal. Bali. Mahal. Love, I love you, do you love me too?

Off The Record (OFFCAM)Where stories live. Discover now