11. Lover's Quarrel

10.2K 124 2
                                    


DJ: Ano yun?! Sino bang may sabi sayo na ganun ang isagot mo? Sa tingin mo ba mas nakaligtas ka? Hindi, Kathryn! Mas kawawa ka, at mas nagmukha kang tanga. Kathryn naman!!

Kath: Hayaan mo na.. Saka, wala na akong nagawa kasi inutos na nila sakin. Saka, ano namang pwede kong isagot na mas safe diba?

DJ: You could've just deny! Or umiwas sa topic, Kath! Hindi ka ba nila nabrief?? Argh!! Nakakafrustrate Kath! Kung kailan naman wala ako!

Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Kausap ko siya sa phone ngayon. Agad-agad siyang tumawag nang malaman niya ang resulta ng the buzz interview ko. And obviously, hindi siya natuwa.

Kahit ano namang pigil ko, sadyang mas nanaig sakin ang emotions. Saka ang sakit na nagagalit sakin ngayon si DJ. Feeling ko, isa itong disappointment. Isang malaking disappointment sa kanya ang mga nagawa ko.

Kath: I'm sorry.. *crying* *sobs*

DJ: *sigh* Stop crying.. I'm sorry bi. Hindi ako galit sayo okay?

Kath: Pero sinigawan mo ako.. *sobs*

DJ: Sorry na.. Later pupuntahan kita ha. We'll talk. Wag ka na umiyak, okay?

Kath: Okay.. *sniffs* I'll see you.. Ingat ka.

DJ: I love you.

Kath: I love you..

--

Pagkatapos ng tawag, bumukas ang pinto ng dressing room ko sa the buzz at pumasok si Mama. Nagulat siya sa itsura ko pagkatapos ng tawag.

"Nak?! Anong- bakit ka umiyak?? Anong nangyari?"

"Mama, nagalit po si DJ.."

"Saan nagalit?"

"Sa sagot ko sa interview kanina."

| Flashback |

"Yes or No, Kath. Kayo na ba ni Daniel Padilla, o May relasyon ba kayo ni Daniel Padilla? Yes or No."

"No po."

"Kung manliligaw ba si DJ sa iba, pumapayag ka ba? Yes or No."

"Yes. Kasi hindi ko naman po siya pwedeng ipagdamot, katulad nga po ng sinabi ko. Hindi po kami kaya wala naman po akong karapatang pagbawalan siya so, kung may gusto siyang ligawan, go. Okay lang po yun sakin."

"Eh anak baka naman nagtampo talaga si DJ sa sagot mo. Alam mo naman yun, seloso. Payagan mo ba naman manligaw sa iba?"

"Ma utos lang sakin yun. Saka alam naman namin ang totoo."

"Kailangan nyong mag usap anak. Ipaliwanag mo nalang."

"Opo. Pupunta daw siya sa bahay mamaya."

"Osige."

Pagkauwi namin sa bahay, nagbihis lang ako at umakyat sa taas. Alam kong napanood nila ang interview kong yun. They wanted to ask some questions, pero hahayaan ko na si Mama nalang ang sumagot at mag explain.

Pagkaupo ko sa kama, nag vibrate ang phone ko. One message from DJ.

From: DJ

I'm on my way na, Bi. See you and I love you so much. :*

Nagreply naman ako agad.

To: DJ
Ingat, Bi. I love you. :*

Maya maya lang, kinatok na ako ni Ate Ganda sa kwarto.

"Bunso, andiyan na si boypren mo."

"Sige ate. Thank you."

Pagkababa ko, nadatnan ko si DJ sa salas namin. May dala siyang boquet ng red roses. Naka black shirt, cargo shorts plus vans. Ang gwapo naman talaga ng boyfriend ko!

"Hi baby.."

Lumapit siya sakin saka ako hinalikan sa noo. Inabot niya sakin ang flowers saka umupo kami.

"Kamusta?"

Napatungo naman ako sa tanong niya. Parang on cue lang, gusto ko na naman maiyak.

"Oh oh, nagtanong lang ako Bi.."

Hinawakan niya ang chin ko saka niya tinunghay patungo sa kanya.

DJ's POV

Nakita kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

"Tsk. Hindi naman kita pinapaiyak.." Pinunasan ko ang luha na tumakas mula sa mga mata niya.

"I'm s-sorry.. *sobs*" Yumuko ulit siya at umiyak muli.

Ayaw ni Kathryn na nagagalit ako sa kanya, o kahit sino na malapit sa kanya. Naramdaman niya siguro na baka hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Oo hindi ko nagustuhan pero hindi siya ang may kasalanan nun.

Matagal na namin gustong aminin yung totoong relasyon namin- No. Ako lang pala. Ayaw pa din ni Kathryn kase masunurin si Kath. Ayaw nila. Ewan ko ba kung anong pinaglalaban nila! Maganda kung alam na ng mga tao yung totoo para wala ng mangyayari katulad nito.

"It's okay, bal. Hindi ako galit sayo. Nadala lang ako kanina kaya kita nasigawan kaya I'm sorry.. Ayaw lang kitang mapahamak. Ayoko na kung ano-anu na naman ang iisipin nang ibang tao sayo. Okay lang kung ako lang eh.. Okay lang kung anong sabihin nila sakin, pero yung ikaw ang lumabas na kawawa? Hindi okay yun.."

Pinagpaliwanag ko sa kanya kung bakit ganun ang reaksyon ko. Nakikinig naman siyang mabuti, tumahan na rin siya sa pag iyak at nakayakap nalang sakin.

"Sorry na talaga.. Eh kase naman yun ang sinabi nilang isagot ko. Hindi naman ako makatanggi, bi."

"Ipagpapaalam ko ulit yan sa management, babe. Sana pumayag na sila kase mahirap, nagmumukha tayong sinungaling."

"Paano babe pag naging issue yung naging sagot ko?"

"Hindi yun, hindi na nila papansinin yun. And I'm sure maiintindihan ng mga supporters natin ang sagot mo. Sabi mo nga diba Bi, nami-misinterpret lang sila?"

"Yes.."

"O, wag nang iiyak ha. Sorry talaga kung nasigawan kita kanina."

Tumango lang siya at sumandal muli sa dibdib ko. Ilang minuto rin kaming nasa ganong sitwasyon bago kami kumalas.

"Bi, buti hindi ako tinanong nang tungkol dun sa GGV guesting natin. Kung natanong nila ako, hindi ko alam ang isasagot ko dun."

"Oo nga eh. Hanggang ngayon di pa rin tapos yun."

"Nak, DJ? Tumawag si Mama mo."

"Bakit daw po Tita?"

"Uwi ka daw muna."

"Sige po."

Pagkaalis ni Tita Min, nagpaalam na ko kay Kath.

"Bal, alis na ako. Okay ka na ba?"

"Much better, Bi. Thank you.."

"You're welcome. I'll text you pag nasa bahay na ako."

Lumapit na ako at humalik sa pisngi niya.

"Ingat ka."

"Yes, Madame." Lumakad na ako papunta sa sasakyan ko.

"*giggles* Ingat Kiko! Wag mo na ako i-stalk, nafollow na kita. Haha"

"Ii-stalk pa din kita hanggat gusto ko pero thank you sa followback, Madame Baby!"

"Tse! Umalis ka na nga, naglolokohan na tayo dito. Hahaha"

"I love youuu Madame Baby!"

"Love you Baby Boy! Hahaha"

-

Lawak ng imagination ko! Hahaha

Tweet your reactions using #OTRknwp 💙 or tweet me  @abzlcro Thank you!

Off The Record (OFFCAM)Where stories live. Discover now