15. Swim wear

11K 133 0
                                    

"Oh my gosh bi, kinakabahan ako!! Argh." Kinaway kaway ng dalaga ang kanyang mga kamay at mariin na pumikit. Kita sa ekspresyon nito na tila kabado para sa kanyang gagawin.

"Kayang kaya mo yan! Sus. Sisiw lang sayo yan. Saka, nasa side lang ako para sumuporta sayo." Pinagaan naman ng binata ang kalooban ng kanyang girlfriend saka ito hinalikan sa pisngi at niyakap.

"Whoo! Goodluck to me. Wish me luck bali please?"

"Good luck and God Bless, bali! You can do this!"

Maya maya lang ay tinawag na si Kathryn para maghanda dahil susunod na siya sa magpeperform. Sinamahan naman ng supportive na boyfriend ang dalaga patungo sa backstage.

"Oh, doon lang ako sa gilid. Kapag kinakabahan ka, isipin mo kunwari walang ibang tao na nanonood kundi ako. Wala kang dapat ikakaba sakin diba? Alam ko kaya mo yan. I love you.."

Tumango ang dalaga bago sumagot, "Hm-uhm. Thank you bali, I love you too." Niyakap niya ang binata saka pumwesto at naghintay sa likod ng stage.

--

"Congrats Kath! We made it!!"

"Aw! We did it, G-force. Thanks guys!!!"

"Magaling ka talaga kahit saan, Teen Queen!"

"Salamat sa tulong niyo. Kung di dahil sa inyo, hindi magiging maganda ang kalalabasan ng birthday prod ko. Thank you!!"

Niyakap ni Kathryn ang mga dancers na nakasama niya sa production number at pati na rin ang iba pang dancers ng g-force na bumabati sa kanya ng isang maligayang kaarawan.

"Thank you!! Thank you talaga guys!"

"Mature, fierce and level up, Kathryn Bernardo ang nakita namin kanina ah. You're really a lady na. Parang noon lang bulilit ka pa eh!" Kumento ng choreographer na si Georcelle Dapat-Sy.

"Thank you, Teacher."

"Baby ka pa rin naman eh!" Singit ng isang dancer.

"Nooo. Hindi na ako baby.."

"Baby ka pa rin naman ng jowa mo. Ayan oh, instant PA at guwardiya. Hahaha! Ang cute niyo talaga."

Lumingon si Kath at nakita ang gwapong nobyo na nakatayo sa likod niya at naghihintay lang na matapos siya sa pakikipagusap. Ngumiti sila sa isa't isa bago bumalik ang atensyon sa mga tao patuloy na bumabati sa kanya.

"Ano Mr. P? Tulala ka na naman sa girlfriend mo? Araw araw nalang bang ganyan, naninibago? Hindi ka pa sanay pare?" Pang aalaska kay Danyel ng kaibigan nitong si Dominic

"Sino ba namang hindi matutulala, eh kay Kathryn palang parang nasa akin na talaga ang lahat!"

"Ayown! Hahaha! Ikaw na talaga Teen King! Nasa iyo na pala ang lahat, bakit hindi nyo i-duet ang kanta mo saka kanta ni Kathryn na Nasa Iyo Din Pala? Magugustuhan ng fans nyo yun!"

"Pwede naman pare, pero baka next time kase busy na kami after nito. Alam mo na, work muna."

"Kaya ako bilib sayo eh! Hahaha!"

"Ako pa!"

Patuloy lang na nagbolahan ang magkaibigan hanggang sa natapos na si Kathryn sa mga taong bumati at kumuha ng litrato kasama ang Teen Queen. Lubos na tuwang tuwa ang dalaga dahil ginawaran din ng award ang album niya na naging platinum na.

--

(Chillout)

"Happy birthday Kathryn!!" - Jane/Alora/Fourth/Fifth

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon