Chapter 52

73 60 22
                                    


     Nang matapos ang kanilang pagsasalo-salo sa palasyo. Ito na ang oras upang umuwi ang iba pa nilang panauhin na naroroon. Ang mga kapatid naman ni Zelar ay gusto pang manatili ngunit mayroon din silang mas importanteng gagawin kaya naman agad na silang nagpaalam at umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.

     "Dito na muna kayo matulog." Ang sabi naman ni Prinsesa Serenity na isa na rin niyang hinihilinh sapagkat gusto niyang makasama ang mga kaibigan niya kahit sa sandaling panahon na lamang.

      "Kung ayos lang kay Haring Vesonto at Reyna Caelia." Ang sagot naman ni Manong Conor.

     Tumingin si Prinsesa Serenity sa kaniyang mga magulang at binigyan sila ng mukhang nagmamakaawa upang mangyari ang kaniyang ninanais na rito muna matulog ng isang gabi ang kaniyang mga kaibigan.

"Pwede po ba?" Tanong ni Prinsesa Serenity sabay yakap sa kaniyang mga kaibigan at kasama na roon sina Loreen, Remie at Zelar na bago nilang nakilala at mga kaibigan na nila sa ngayon.

Nagtinginan naman ang mag-asawa at ngumiti sa kanilang anak.

"Wala namang problema, bakit naman hindi?" Ang sabi ni Haring Vesonto na ngayon ay pinagbibigyan na ang kaniyang anak sapagkat gusto pa nitong makita at maramdaman ang saya ng kaniyang anak.

"Ayos lang naman sa amin basta't walang magpupuyat. Matutulog kayo bago dumating ang alas-onse." Ang sabi naman ni Reyna Caelia.

"Maraming salamat po!" Ang sabi naman ni Elora sabay yakap na rin sa kaniyang mga kasama.

"So, where are we going to sleep?" Tanong naman ni Anisa habang nakatingin kay Prinsesa Serenity.

"Pwede naman sa labas, sa bubong. Basta magkakasama tayo." Biro naman ni Heather at lahat ng kanilang kasama ay nagtawanan.

"Heather talaga, kung paano kita pinakilala sa libro ko, gano'n ka rin nang makilala kita rito at makita sa buhay kong ito." Ang sabi naman ni Loreen sa kaniyang karakter na si Heather na mula sa librong kaniyang sinulat, ang Diary ng Bitter.

"Bitter pa rin siguro 'yan." Pang-aasar naman ni Remie. Ang isa rin sa mga mambabasa ni Loreen.

"Yeah, that's why she's still single." Tugon naman ni Diane kay Heather at muling nadinig ang kanilang tawanan at ito naman si Heather nakangiti lamang at napabuntong-hininga na lamang sa kaniyang mga kasama.

"Ako na naman trip ng mga 'to ah." Ang bulong niya sa sarili niya.

"Pero wala kaming maisusuot na pantulog." Ang sabi naman ni Ysella.

"Uuwi muna kami saglit doon at kukuha kami ng inyong maisusuot. Dito na muna kayo. Babalik din naman kami agad." Ang sabi ni Manong Conor at agad na isinama ang kaniyang asawa.

"Ang saya pala kapag walang iniisip na problema." Ang sabi ni Zelar sa kaniyang mga kaibigan.

"Prinsesa Serenity, Loreen, Remie, Elora, Heather, Diane, Ysella at Anisa. Lahat kayo ay isa sa mga naging mabuti kong kaibigan at sana lahat ng inyong mga hinahangad ay mangyari na at matupad." Hiling ni Zelar habang pinagmamasdan lamang ang kaniyang mga kaibigan na napakasayang kasama.

"Alam kong halos lahat kayo ay babalik na rin sa inyong sari-sariling libro at ikaw naman Loreen, ang dakilang manunulat ay babalik na rin sa iyong tunay na mundo kasama si Remie." Malungkot na saad ni Zelar sa kaniyang mga kasama, naluluha ngunit pinipigilan ito sapagkat ayaw niyang muling ipakita na naman ang kaniyang kadramahan.

"Sana, hindi niyo ako makakalimutan..." Mahinang tugon ni Zelar habang ito ay nakayuko.

Si Loreen naman ay lumapit at itinaas ang baba ni Zelar. Ngumiti sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit.

"Hinding-hindi at kailanman ay mananatili kang isang dakilang mandirigma sa puso't isipan naming lahat pati na rin si Anisa." Ang sabi ni Loreen, hinawakan pa nito ang mga kamay ni Zelar at nilapit ito sa iba pa nilang mga kaibigan.

"Lahat sila, ginawa ko sa iba't-ibang libro ngunit tingnan mo naman sa ngayon, magkakaibigan na sila at masayang magkakasama." Ang sabi pa ni Loreen habang nakatitig sa kaniyang mga babaeng karakter.

"Iba't-iba man ang ugali at personalidad ngunit pare-pareho silang may puso upang magmahal at isip upang kumilos ng tama." Ang paliwanag ni Loreen.

"At ito naman si Remie, kahit minsan ay hindi maintindihan ang ugali. Siya pa rin ang matalik kong kaibigan hanggang sa huling hininga ko." Ang sabi naman ni Loreen habang nakatitig kay Remie.

Napayakap na lamang si Remie sa kaniya nang mahigpit na para bang wala ng bukas.

"Ang tunay na magkakaibigan ay nagdadamayan, sa hirap man o ginawaha. Masaya man o malungkot, mas pinagtitibay dapat ang relasyon." Ang paliwanag pa ni Loreen habang hinahaplos-haplos ang likod ni Remie.

"Friendship will last forever... if you are in the right one." Dagdag naman ni Anisa habang nakapulupot ang kaliwang braso nito sa bewang ni Heather at nakapatong naman ang ulo sa baliktad ni Heather.

"Noon, hindi kami magkasundo pero ngayon, okay naman na kami. Kasi pinatawad na namin ang isa't-isa at alam naman namin na hindi sa maling paraan matatapos ang pagkakakilala naman ni Anisa." Ang sabi naman ni Heather at narinig naman ito ni Anisa.

"Nakakatuwa naman kayong mga bata sapagkat pinapahalagahan niyo ang mga kaibigan niyo, tama 'yan." Ang sabi naman ni Haring Vesonto.

Tumingin siya sa kaniyang asawa at nakitang malungkot ito dahil nga sa pagkawala ni Reyna Kanisha na matalik niyang kaibigan.

"Alam niyo ba... na nagsisisi ako sapagkat hindi ko man lang muling nakasama si Reyna Kanisha ng kahit sa maikling panahon lamang?" Ang tanong ni Reyna Caelia sa mga bata.

"Kaibigan ko siya simula ng aming pagkabata ngunit nang makilala ko si Haring Vesonto, hindi ko na siya masyadong nakasama hanggang sa nawalan na kami ng koneskyon sa isa't-isa." Ang sabi pa ni Reyna Caelia.

"At nagsisisi ako."

"Sa lahat ng ginawa ko sa kaniya." Dagdag pa niya.

"Kaya naman bibisita ako sa kaniyang puntod. Kahit na wala na siya ay alam kong naririto pa rin siya sa aking puso, hinding-hindi mawawala ang kaniyang pangalan sa aking isipan." Ang sabi pa ni Reyna Caelia.

Tumatak sa kaniya ang kanilang pinagsamahan nila ni Reyna Kanisha. Ang kaniyang matalik na kaibigan na hinding-hindi niya malilimutan.

"Kaya naman pangalagaan niyo ang inyong pagkakaibigan, walang susuko. Sabay-sabay na haharapin ang mga problema at sabay-sabay rin dapat na solusyonan dahil mayroon kayong matututunan doon." Pangaral naman ni Reyna Caelia sa kaniyang mga kasamang bata.

"Opo, iyon din ang aking sinasabi sa bawat istoryang aking nililikha." Ang sabi naman ni Loreen.

"Ang pagkakaibigan ay importante sapagkat isa rin itong sandata na inyong magagamit laban sa mundong mapanghusga at dadalhin niyo ang inyong pagkakaibigan hanggang sa inyong pagtanda." Ang paliwanag pa ni Loreen.

"Ipagpatuloy mo lamang ang pagsusulat ng mga istorya sapagkat magaganda ang mga aral na iyong ibinabahagi sa nakararami, sa mga mambabasa mo lalo na sa kabataan." Ang sabi naman ni Haring Vesonto.

"Ito na!" Sigaw ni Manang Felicia habang bitbit ang bag na punong-puno ng kanilang mga damit dahil doon sila sa palasyo matutulog ngaypn.

"Halina't magsaya!" Ang sabi naman ni Prinsesa Serenity.

At iyon na nga ang nangyari. Mahimbing ang kani-kanilang tulog at lahat sila ay masayang gigising kinabukasan sapagkat magkakasama sila bilang magkakaibigan at bilang isa na ring pamilya.

Adventures in Efarial ✔️Where stories live. Discover now