Chapter 28 : Julz in Trouble. Omo!

Beginne am Anfang
                                    

END OF FLASHBACK

Sinubukan kong iwasan si Avril, pero habang umiiwas ako sa kanya, parang mas lalong lumalala yung pagmamahal ko sa kanya.

Pupunta ako ngayon kay Bella para itigil na yung kabaliwan nya. Ayokong pilitin ang sarili kong mahalin ang taong hindi ko na mahal. Once I say I’m done, I mean it.

Pagpunta ko dun at nakikipaghiwalay na eh kung ano ano ang sinabi nya.

“I’ll make sure that your girl will suffer. Kayong dalawa! Tandaan mo yan!” umalis na ako at nagpunta sa isang bar. I was half drunk ng biglang may humila saking mga lalaki at dinala ako sa likod ng bar. Dun ako binugbog. Yun yung kuya nya at mga kabarkada nila. Kala ko katapusan ko na.

“Ayan! Magtanda kana! Wag mong sasaktan kapatid ko!”

“Mahina pala yan tol eh?”

“Tara puntahan na natin yung Avril ba yun? Tara!”

Sh*t! Si Avril! Anong gagawin nila kay Avril? Bigla akong tumayo at hinigit yung isang lalaki pabalik

“A-anong gagawin nyo kay Avril?”

“Tuturuan din namin ng leksyon” bigla ulit akong sinapak kaya napatumba ako at tuluyan na silang umalis. Makakapatay ako pag may ginawa silang masama kay Avril.

Dali dali akong pumunta sa school kahit iika ika ako. Nagintay ako sa may gilid ng school. Natyempuhan ko naman sya at sinundan ko sya. Kailangan masigurado kong makakauwi sya ng maayos pero nung malapit na sya sa kanila na out of balance ako kaya napahawak ako sa balikat nya.

Nung una natakot sya pero nakita naman nyang ako yun at dinala nya ako sa bahay nya. Ginamot. Ahhh. Sakit ng mga sugat ko pero okay lang. Basta ligtas sya. Kaso natatakot ako. Hindi dahil sa mabubugbog pero para kay Avril. Baka may gawing masama si Bella sa kanya. Pero kahit naman pilitin kong maging kami ni Bella eh ganun padin, tyak sasaktan nya padin si Avril, ang kaibahan nga lang eh mas mababantayan ko ngayon si Avril. Hindi na ako lalayo sayo Avril.

“Ano nga kasing nangyari?”

Kulit naman ng pagktao ng babaeng to.

“Eto binugbog ako”

“Sino ang bumugbog sayo? Saka bakit ka nila binugbog”

“Yung grupo ng kapatid ni Bella. Sila ang may gawa.”

“Haaaa! Yung loviedoves mo? Bakit ka naman nila pinabugbog?”

Medyo dinilat ko yung mata ko at tumingin ako sa kanya.

“Kasi ayoko na kay Bella”

Halatang nabigla sya sa sinabi ko.

“Haaaa! Kala ko ba?. . .Eh bakit? Ano naman pakay nya para saktan ka ng ganyan eh diba sya nga tong nangbasted sayo? Kapal naman ng mukha nya!”

Natatawa ako dito. Parang ewan lang na galit na galit at tanong ng tanong. Hahaha. Hindi ako makapaniwala na magkakagusto ako sa babaeng to. Never in my wildest dreams. Pero eto na nga eh. I’ve fallen for a girl who loves other man. Pero eto ako, pagtatanggol padin sya.

“Kasi, nalaman nyang may iba na akong gusto. At sasaktan nya yung babaeng mahal ko kapag hindi ko sya minahal ulit”

Tumingin sya sa mga mata ko ng seryoso. Na para bang alam kong nakikiramay sya sa nangyari sakin.

“Mahal mo yung girl noh? Para magpabugbog ka ng ganyan maprotektahan lang sya. That girl was so lucky to have you”

Medyo ngumiti ako at umiwas ng tingin sa kanya

“Hindi naman nya alam na mahal ko sya”

“Bakit hindi mo ipagtapat sa kanya? She’s so lucky. Ako nga, hindi ko alam kung kaya ring gawin ni Apolo yang mga bagay na tulad nyan para sakin. Pero sya. . .”

“May mahal na syang iba. At baka pag nagtapat ako sa kanya, hindi ko mapigilan ang sarili kong agawin sya dun sa taong mahal nya. Sapat na sakin yung nandito ako at pinoprotektahan sya.”

“Nakakainggit naman sya. Dalawang lalaki pa ang nagmamahal sa kanya” nagpout pa sya.

“Swerte ka nga. . .este swerte nya nga”

“Gusto mong kumain? Pagluluto kita.”

“Sige. Papahinga lang ako ah. Sakit pa ng katawan ko”

Ayoko munang umalis, lalo pa’t gabi at wala syang kasama dito. Hahaha. Ang timang naman ng role ko dito. Parang tanga na kontrabida, pero syempre hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit ng damdamin ni Avril. Okay na sakin yung ganito. . .

After a couple of minutes, bumalik sya dala dala ang dalawang mangkok ng noodles. Umupo sya sa sahig at ipinatong yung dalawang mangkok sa center table.

“Tara, kain na tayo” umupo nadin ako sa sahig pero dahan dahan lang. Sinimulan ko ng kumain.

“Diba sabi mo nakakawala ng stress ang noodles? Alam ko malungkot ka ngayon kasi nag-aalala ka sa kanya. Pero wag kang mag-alala kasi hindi sya pababayaan ni God” finorm nya yung kamay nya na magdadasal at pumikit.

“Dear God, sana po wag nyong pabayaan ang babaeng minamahal nitong katabi ko. Sana po ay ilayo nyo sya sa kahit anong panganib kasi nag-aalala nga yung lalaking katabi ko ngayon. Kayo napo ang bahala sa kanya, alam ko naman pong yakang yaka nyo yan eh. Amen”

I look at her as she prays. Lalo akong naiinlove sa kanya. Too bad, may mahal na syang iba. Maya-maya pa ay dumilat na sya.

“Oh ayan, si God na bahala. Wag kana mag worry. He never fail” tapos ngumiti sya

Pwede ko bang ihiling kay God na mahalin mo rin ako? Kahit isang araw lang. O Kaya isang oras. Diba sabi mo tinutupad nya ang mga hiling natin?

My Fake Dreamboy (Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt