Chapter 28 : Julz in Trouble. Omo!

Start from the beginning
                                    

Lumapit ako sa kanya at sinimulan ng gamutin ang mga sugat nya.

“Wag mo akong hahawakan ulit dun. Hahambalusin kita kahit bugbog sarado kana.”

“Ahhh. Aray! Masakit. Ahhhh!”

“Ginusto mo yan eh. . .Teka? Uminom ka noh?”

Amoy na amoy sa kanya ang alak eh. Gago talaga to. Pero alam ko may reason kung bakit sya nagkaganito.

“Aaaahhhh! Wag mo namang diinan yung sugat ko. Baka lalong bumuka. Ahhhhh.”

Ayan nalinis ko na yung sugat nya. Pinatanggal ko yung polo nya. Hoy! Wag kayong green, may panloob yan na t-shirt. Ang dumi kasi ng polo nya eh. Tinanggal ko din ang sapatos nya.

“Ano ba kasing nangyari sayo ha? Bakit nagkaganyan ka? Sabihin mo nga sakin, kasali kaba sa mga gang war? Gangster kaba? O baka mamaya alagad ka ng isang sindikato? O kaya may mafia na gusto kang patayin. Omo! Hala! Paano kana?”

“Ang dami mo naman sinasabi eh”

Pagkaayos ko sa kanya eh umupo ako sa tabi nya. Nakapikit padin sya. Pero alam ko, gising sya.

“Ano nga kasing nangyari?”

“Eto binugbog ako”

“Sino ang bumugbog sayo? Saka bakit ka nila binugbog”

“Yung grupo ng kapatid ni Bella. Sila ang may gawa.”

“Haaaa! Yung loviedoves mo? Bakit ka naman nila pinabugbog?”

Medyo dinilat nya yung mata nya at tumingin sakin.

“Kasi ayoko na kay Bella”

Julian’s POV

Maaga akong umalis sa school. Magkikita ulit kami ni Bella ngayon.Nung nakaraan, nag-confess sya sakin na gusto na daw nya ako.

FLASHBACK

“Julian, I think I have fallen for you. Payag na akong maging girlfriend mo.”

Impossible. Ngayon pa kung kailan may mahal na akong iba? Oo, mahal ko na si Avril at wala akong pakielam kung sila na ni Apolo. Bakit? Masama bang magmahal ng taong may mahal na? Hindi naman requirement na mahal kadin ng isang tao para mahalin mo sya.

“Bella. I can’t accept your feelings.”

Nagulat sya sa narinig nya.

“Don’t fool me. Kung way mo to para maging tayo. Eto na oh? Pumapayag na ako?! Don’t joke around”

“I’m not joking. I have to go”

“Why? May iba kana bang gusto?”

Hindi ako sumagot. Ayokong masaktan sya. Wrong timing naman kasi sya eh. Kailangan paba nya ako basted-in ng apat na beses bago nya malamang mahal nya ako? Hanep din eh noh

“Tell me! Do you fall for another woman?”

“Oo!”

Lumapit sya sakin. At nag-iiyak. She looks so pathetic.

“No! You can’t love anyone except me!”

“Sorry Bella”

Pinunasan nya yung luha nya. She smirk.

“If I say No, it means No. Kayang kaya kong pahirapan kung sino mang babae yang kinababaliwan mo ngayon”

“Wag! Wag mo syang gagalawin”

“Then, love me. If you can’t then say goodbye to her happiness”

“Okay! I will try pero wag mo syang sasaktan”

My Fake Dreamboy (Editing)Where stories live. Discover now