Ang Relasiyon.

20 4 0
                                    

Sol's POV

Masaya na akong kami na ulit ni Marcus. Wala nang pait na natitira saamin at handa na kaming i build-up ang relasiyon namin. Pinakilala naman ako ni Marcus kay Tita Iska at kay Tito Francis. Masaya silang nagkasama ulit kami.

"Ma, Pa. Heto pala si Sol... ang girlfriend ko po ulit." sabi ni Marcus.

"Wow Sol ikaw na pala iyan?! Ang dami mo nang pinagbago! Balita ko sikat ka na sa Pinas?" tanong ni Tita Iska

"Opo Tita, bagaman ay madami pa po'ng libro na ipa-publish hehe. Madami po kasing mga Pilipino ang may gusto po sa gawa ko Tita, Tito." sabi ko

"Nako! Maganda pala tong nakuha mo Marcus, anak." sabi ni Tito Francis

"Eh nako Ma, Pa. Maganda po talaga iyan si Sol magmula po nang siya'y aking ibigin magmula noon hanggang ngayon." sabi ni Marcus.

"Marc, Sol... kung ano man ang meron kayo eh support ko lang kayo. Basta pag may problema nandito lang kami ha?" sabi ni Tita Iska.

I'm flattered na suportado kami ng pamilya ni Marcus. Support din ako ni Tessie, kapatid ni Marc.

"Ate Sol, alam mo po ba hangang hanga po ako sa libro mo! Ang ganda po ng libro niyo. Wala na po bang ibang books?" tanong ni Tessie.

"Oh, I'll make more soon." sabi ko.

Umuwi na galing school ang kapatid din ni Marcus na si Angelo. 1st year college na siya sa pagkakaalam ko eh.

"Uhm... good afternoon." bati niya samin.

"Good afternoon din." I greeted and smiled.

"You must be Sol Manalad?!" gulat niya nong nakita niya ako

"Yes I'm Sol. Nice to meet you... Angelo?" sabi ko.

"Nice to meet you too Ate Sol. Welcome sa bahay ng mga Delos Santos." sabi ni Angelo.

Welcome na welcome na ako sa bahay nila Marcus. Kinabukasan naman ay pinakilala ko si Marcus kay Daddy at Mommy.

As of now, my Mom and Dad had regret their past na. Bati na sila for short, and they lived together ule sa bahay. Hindi ko pala naikwento kung saan kami lumipat ni Dad nong nagka problema sila. Doon sa condo ko sa Cainta, kami'y nanirahan. Ako na lang ang namamahala doon sa condo kaya I live there.

"Hi Mom, Dad. Gusto ko pala ipakilala sa inyo si Marcus... my boyfriend again." sabi ko

"Wait... boyfriend again?" pagtataka ni Mommy Rachel

"Ay hindi mo pala alam Rachel, nahuli ko kasi silang mag jowa noong naghiwalay tayo kaya nag break iyang dalawang yan. Sila uli." sabi ni Daddy John kay Mommy.

"Ahh ok. Halika dito Marcus! Welcome ka dito sa house." sabi ni Mom

"Thanks po tito, tita." sabi niya

Tuloy tuloy lang ang usapan namin. Most questions nila Mom and Dad is about sa personal life and sa past relationship namin.

"Marc matanong ko lang, what's your work?" tanong ni Mom

"Uhm tita, I'm a licensed professional teacher sa dating school po namin ni Sol. Sa Marilag po." sabi niya.

"Oh! Edi siguro lagi mong nasisilayan ang alma mater mo. Madami ba ang pinagbago sa school ni Sol noon?" tanong ni Dad

"Yes po tito. Nadagdagan nga po ng mga buildings. Tsaka mas gumanda po lalo. Hindi lang naman po ako ang kilala ni Sol na nag tuturo doon. We have a friend po who teaches there." sabi ni Marc.

"That's nice! Anyway nagkwe kwento si Sol saakin noon tungkol sa past ninyo." sabi ni Dad

Natawa ako ng konti dahil shempre heart broken ako non and Daddy knows the story.

*FLASH BACK*

Umuulan nanaman, at pumapatak ang aking luha. Napapansin ng ama ko na hindi ko gusto ang nangyayari.

"Anak, ano ang problema? Dahil ba ito doon sa boy friend mo?" tanong niya.

"Dad, ex boyfriend na. Sinabi mong hindi mo siya gusto para saakin eh." sabi ko habang umiiyak ako dahil sa sobrang sakit.

"Anak, I'm sorry... I destroyed your relationship." sabi ni Dad

"Ok lang Dad. I can move on easily." sabi ko.

"Paano ba kayo nagkakilala ng Marcus na iyan?" tanong niya

Ibinuhos ko lahat ng galit, sakit at puot kay Dad.

"Dad, classmates kami and we both fall inlove with each other dahil he was simple, he was great. Then I see you and mom scolding. Dapat nga at magagalit ako sayo dahil nagkaroon ka ng affair sa ibang babae, pero hindi ko kinayang magalit sayo dad dahil normal lang magkamali. Ngayon you're angry with me dahil nagkajowa ako. You know? Marcus wasn't like you dad, hindi siya manloloko at pinagpapalit tapos ayaw mo sa kaniya?" sabi ko.

"Sol shut up." sabi ni Dad.

"At ngayon inuutusan mo ako na mag shut up? Damn dad, pasalamat ka at sumama ako sayo! Napipilitan nga lang ako sumama sa iyo eh. Galit ka dahil nagkamali ako? Sana inisip mo din na naiinis ako dahil nakipag affair ka!" sabi ko.

"I'm sorry Sol." sabi ni Dad.

"Dad wala nang kami! Thanks dad ah? Mahal ko iyon eh, pero tinanggalan mo ako ng reputation para magmahal." sabi ko.

Bumuhos ng malakas ang ulan at mas lalong bumuhos ang mga luha sa mata ko dahil sa dagok na pinagdadaanan ko. Tinigil niya ang kotse at niyakap ako ng mahigpit. Pagtapos ay biglang tumahimik ang kotse hanggang sa nakarating kami sa condo namin sa Cainta.

"Sol, get your things and fix it on your room." sabi ni Dad

Hindi ako nagsalita non pero ginawa ko ang pinauutos niya. Inis na inis ako sa kaniya. After the months na lumipat kami sa Cainta ay nag iba ang pagtingin ko sa school, like... I miss Marilag.

Sa totoo lang, hindi ako nakipag kaibigan sa new school ko at mas lalong hindi ko pinakawalan si Marcus sa isip at puso ko kahit wala nang kami.

Nag daan ang college at ok na ako mula sa nangyari saakin nong 4th year high ako, pero dinadala ko pa din sa isipan at puso ko si Marcus hanggang sa grumaduate ako.

Naging ganap na writer ako... at napakasaya. Nagkabalikan na din sina Mommy at Daddy after I graduated college and Dad gave me the condo sa Cainta.

*END OF FLASH BACK*

"Ay ganon po ba tito? Eh tito I love your child simula nong 4th year high pa po." sabi ni Marc

"Yes... kaya sige. Tanggap ka na namin Marc, bilang boyfriend ng aking anak." sabi ni Dad.

Natuwa kami ni Marcus at finally... legal na kami.

"Marc, mahalin mo ang Sol ko ah? Pag nasaktan nyan ng dahil sayo patay ka saakin!" sabi ni Mommy

"Opo naman tita. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at ang relasiyon po namin ay hindi magwawagas." sabi niya.

Tumingin si Marc saakin at ngumiti saakin. Ilang minuto lamang ay umalis na kami sa bahay nila Mom at nag aya ako na pumunta kami ni Marc sa Antipolo.

Kaming Ay Dalawa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon