Ang Pag-alala.

25 6 0
                                    

Marcus' POV

      Nagiging marupok ka nanaman Marcus. Anyway, nag aya ng gala si Sol. Hindi ko din alam bakit at naki-sabay na lang ako sa mga trip niya. Sagot nya naman, so sinong hindi tatanggi ng libre diba? Habang namamasyal kami, tinanong ko siya.

"Sol, are you really sure na ite-treat mo ako?"

"Kung ayaw mo edi wag." sabi niya

"Nagtatanong lang eh, di naman ako tumatanggi sa iyong alok." sabi ko.

      At tuloy tuloy lang ang pag pasyal namin. Kung saan saan na kami nakarating. Nilibre na niya ako sa restaurant eh, and I think its enough for me na. Then may sinabi si Sol saakin.

"Marcus, you know what, I enjoyed our 1st gala na adults na tayo like you know, we changed a lot."

"Yah, everything changed, even you hehe."

    Speechless ako sa part na yon. Bigla siyang nagtanong saakin.

"Marcus, Can I ask you a question? I don't remember na kasi eh, how did we met ba?"

    Grabe ah nakalimutan mo ba Sol na naging tayo noon?

*FLASH BACK*

      1st day of school, 4th Year high na kami nito and 1st time ko siya magiging kaklase. Hindi ko pinahalata na na love at first sight ako sa babaeng iyon. Dumating na si Miss Reyes, ang magiging adviser namin ngayon. St. Teresa ang section namin noon. Nagkasama-sama ulit kami ng mga kaibigan ko sa iisang classroom. Si Nicholas at si Jake lang ang mga kaibigan ko, pero wala si Jake ngayong 1st day of school so si Nicholas na lang ang tinanong ko.

"Nic, kilala mo ba iyang babaeng iyan?" sabay turo ko kay Sol

"Kaklase ko yan nong 3rd Year high eh. Bakit mo natanong?" pagtataka ni Nic

"Pre, wag mo sasabihin ito ah? Ang ganda niya kasi." pagtapat ko kay Nicholas.

"Ikaw ah? Sa totoo lang, madami din nag kaka crush dyan kay Sol sa buong campus." kwento sakin ni Nicholas

      Biglang dumating si Miss Reyes sa classroom at nagpakilala na kaming lahat. Ka close nya si Ali, kaklase ko nong 3rd year high. Medyo close kami kaya I'll try to approach her sa Recess, at makalipas ng dalawang oras ay Recess na.

"Hi Ali, pwede ba tayong magusap saglit?" Nakipag usap saakin si Ali ng nakataas ang kaniyang paa sa upuang nasa harap nya. Buti at hindi siya naka skirt.

"Oh sige ba pare. Ano ba ang nais mo?" Sabay binaba niya ang kaniyang paa. Boyish kasi itong si Ali kaya minsan napagkakamalan tomboy.

"Close mo ba yung Sol? Sa totoo lang crush ko kasi sya eh. Na love at first sight ako." sabi ko sa kanya.

"Hoy Sol! Halika dito." sigaw ni Ali kay Sol

"Wow ah grabe lakas mo mang-utos hahaha. What brings me here?" pagtataka ni Sol.

"Crush ka netong ni Marcus. Nako Sol alam mo ba hetong si Marcus, under rated to pero gwapo sya pre. Marcus say Hi!" sabi ni Ali

       Medyo natawa ako sa part na sinabi nyang under rated ako. Well, I'm an introvert.

"Hi? I'm Marcus, nice to meet you." sabi ko

"Hello Marcus, I'm Sol. Wanna have some chika?" For short, gustong makipag usap saakin ni Sol, This is it!

"Sure sige ba?" sabi ko.

     Sa hallway kami unang nagkausap. Grabi! nagtitinginan ang ibang mga estudyante saaming dalawa, pero hinayaan na namin sila. Makalipas ang isang buwan, nagkakausap usap na kami at halos naging close na kami.

        Nag bigayan ng mga phone numbers, kumakain ng mga streetfoods sa labas ng school, hanggang sa pauwi na kami galing school ay lagi kaming magkasama. Malapit lang kasi kami ng bahay, parang magka sunod lang kami ng street.

Habang nag lalakad kami pauwi galing school ay may sinabi saakin si Sol.

"Marcus, alam mo... ang saya mong kasama. Hindi ko ito maamin sayo noon pero ngayon handa na akong sabihin sa iyo nararamdaman ko."

"Ano ba ang gusto mong sabihin saakin?" tanong ko kay Sol habang deep inside ay kinikilig na ako.

"Gusto kita Marcus." sabi niya saakin

"Dahil gusto naman natin ang isa't isa, maari ba kitang ligawan? o maari ba tayo maging MU?" tanong ko sa kaniya

"Oo. Sige MU na tayo." sabi ni Sol saakin.

"Sol, I love you."

Sa wakas! MU na kami ng crush ko. Ang puso ko ay tumitibok sapagkat ito ay masaya.

"I love you too, Marcus." sabi ni Sol

       Magmula ng naging MU kami ni Sol ay naging friends ko na din sina Christine at si Gino na kaibigan din ni Sol. Naging kaibigan din ni Sol etong mga kaibigan ko na si Nicholas at si Jake. Hindi namin pinaalam sa parents namin na mag ka MU kami dahil strict ang parents ni Sol. Itinuloy ko lang ang panliligaw ko kay Sol. Kain ng streetfoods, pagpapagwapo, text sa phone at iba pang ginagawa ng mag jowa.

      Sa araw na ito, August 01, 2011 ay gumawa ako ng pang surprise sa kanya. Nagpatulong ako sa mga kaibigan namin at ginawa namin ito sa isang park. Pinaalam namin sa mga magulang namin na malalate kami ng uwi dahil may group study kami pero ang reality? Eto hinihintay ko ang matamis na oo ni Sol. Makalipas ang ilang oras ay sinurprise na namin sya.

"Wait ano ito?" pagtataka niya

"Sol, alam kong isang buwan na kita nililigawan at tayo ay nagkakaintindihan na....

Sol, mahal na mahal kita at alam mo iyan...

Sol sana masagot mo na itong matagal ko nang hinihiling...

Will you be my girlfriend?" tanong ko habang ang mga luha sa aking mata ay nag papakita.

Naiyak sya sa tuwa, hindi na ako mapakali sa sagot niya.

"Oo Marcus. Sinasagot na kita." sabi niya habang na te-tears of joy siya.

*END OF FLASHBACK*

"Naging tayo pala noon? Hahahaha!" sabi ni Sol

Sol, hindi mo ba nakalimutan na iniwan mo ako basta basta noon?

"Ah eh... oo? Hahahaha ang weird nga e."

      Hindi ko na namamalayang mag gagabi na at may aasikasuhin pa ako, yung mga estudyante ko kanina nong group activity.

"Sol, mag gagabi na kasi. I have to check my student's work pa. I'm sorry to say."

"Grabe iiwan mo na ako kaagad? Just kidding, if you need to go home ok. Maybe lets meet some time?" sabi naman niya

     Parang noon lang iniwan mo ako basta basta eh.

"Sige sure? Text text na lang kung kailan next agenda." sabi ko

"Bye!" sabi niya

      I waved bye to her na lang dahil papalayo na ko sa kanya. Tinignan ko siya uli. Pasensiya na talaga Sol, madami kasi akong gagawin kaya hindi na kita masamahan hanggang mamaya. Madami pa kong aasikasuhin.

     Nong pauwi na ako sa aking condo ay nag chat saakin si Sol.

Sol:
Hope you enjoy kanina! Thank you kasi sinamahan mo ako.

Nag reply naman ako.

Marcus:
Ah walang anuman Sol. Masaya akong nagkaroon tayo ng bonding na ganito.

Kaming Ay Dalawa.Where stories live. Discover now