Ang Pagbalik.

15 4 0
                                    

Marcus' POV

       Makalipas ang ilang oras ay nakarating na din ako sa Pilipinas. Madaling araw na kasi sa USA, pero dito sa Pilipinas ay may araw na.

    Binalak kong ilagay lahat ng gamit ko sa isang maleta at mag ayos. Habang nag aayos ako ay umiiyak iyak pa ako dahil sa nangyari saamin ni Sol sa USA. Ngayon ay nalaman ko na ang totoo, hindi na ako magtatanong pa sa kaniya kung bakit. Dahil nasagot na niya ang aking mga bakit.

    Makalipas ang ilang oras ay sinabi ko sa manager ng condominium na hindi na ako babalik doon. Sinabi ko naman sa kanila kung bakit at tumango sila sa aking dahilan. Umalis na ako sa condominium.

     Sa mga nagtataka kung saan ang aking direksiyon? Ako ay pupunta sa aking Nanay Iska. Doon na ako magsisimula muli. Tinawagan ko si Nanay Iska para sabihin na pupunta ako sa kanila ngunit ang hindi niya alam ay doon na uli ako titira.

*ring ring ring*

"Hello Ma?" tanong ko.

"Anak, asan ka na? Nakahanda na ang mga pagkain dito." sabi niya.

"Malapit na Ma. 5 minutes na lang." sabi ko

"Sige anak bye." sabi ni nanay.

     I ended the call, and at last... I'm finally here sa bahay namin. Nag doorbell ako sa bahay at biglang si Mama na ang sumalubong saakin sa pinto. Nagulat siya sa maleta ko.

"Anak, hindi ka nagsabing lilipat ka na dito sa bahay!" sabi niya

"Surprise to Ma e. Heto na I'm here na." sabi ko kay Mama.

"Eh ano pa ba inaantay natin, tara pasok na." sabi ni Mama.

     Pumasok na ako sa bahay namin. Madaming pagkain ang hinanda ni Mama. Si Papa Francis naman ay kasama din namin dito sa bahay. Kahit ang mga kapatid kong sina Tessie at Angelo ay kasama ko din.

    Si Tessie pala ang pangalawa sa pamilya. Grumaduate na din siya sa Advertising. Si Angelo naman ang bunso, nag aaral pa, pero malapit na din makapag-tapos.

      Kumpleto na kami dito sa bahay. Ngayon ko lang i kwe-kwento sa kanila ang pag alis ko ng Pinas.

"Ma, Pa. Nag USA pala ako. Hindi ko nasabi sa inyo, I'm sorry. May pasalubong naman po ako para sa inyo." sabi ko at inilabas na ang mga pasalubong.

"Anak, eh ano ba ang ginawa mo sa USA?" tanong ni Mama.

"Ma, eh nag punta kami sa USA ng mga tropa ko nong High School." sabi ko

"Kasama ba si Sol?" tanong uli ni Mama

     Bigla na lang ako tumahimik.

"Oo Ma. Nasa USA pa din sila e. Sunday pa dapat ang arrival ko dito sa Pinas pero, hindi ko na kasi kinaya doon. Ang sakit kasi." sabi ko at nag drama ako kela Mama at Papa.

"Bakit? Dahil ba ito doon sa iniwan ka ng walang paramdam?" tanong ni Papa.

"Opo Pa. Ang sakit eh." sabi ko

"Anak, Hindi lang naman si Sol ang babae diyan. Marami pang iba. Tsaka anak, remember, hindi ka niya sinaktan. She taught you a lesson." sabi ni Mama

"Tama ang ina mo Marc. Let the past go. Past is past. Be contented on who you are today." sabi ni Papa

   I guess, Jake was right. Hindi lang si Sol ang babae sa mundo. Maybe its time to move on.

"Mama, Papa thank you sa advices ninyo. I love you." sabi ko

"Mahal ka din namin anak." sabi nila

"So Kuya di mo kami mahal ni Tessie?" tanong ni Angelo.

"Mahal ko din kayo shempre." sabi ko, at nag group hug kami dahil sobrang namiss ko sila.

    Pagkatapos ng drama ay kumain na kami at inayos na ang mga gamit ko. Chinat ko si Jake.

Marcus:
Jake, I know you can't move on sa nangyari saatin sa USA. I'm sorry. You are right. My mind was too narrow. Hindi lang si Sol ang babae sa mundo. Maybe its time to let go the past and feel contented on the present.

    Dire-diretso na ang pag aayos ko ng mga gamit hanggang sa ilang oras ay nag notify ang aking cellphone

*ting ting ting*

    Nag chat saakin si Jake.

Jake:
Marcus. I know you can move on. Sorry sa words na sinabi ko sa iyo. Alam kong nasaktan ka sa aking mga sinabi. I forgive you bro.

    I chatted him.

Marcus:
Sorry din bro sa nagawa ko. Thank you for the advice.

Jake:
Wala iyon, anyway we are packing up our things na to go home in Philippines. Bye!

Marcus:
Ok bro! Ingat na din pauwi!

    Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang pag aayos ko ng gamit. Ayos na kami ni Jake pero hindi ko alam kung ok na ba si Sol, kung pwede ba na pagusapan namin ng maayos. Sana maayos lang siya.

Kaming Ay Dalawa.Where stories live. Discover now