"Yes, it's very great to see that all of us are having fun." Ang sagot naman ni Anisa.

      "Maraming salamat din po sa pag-imbita sa amin. Masaya po kami na makakasama po namin kayo kahit sa saglit na panahon na lang po." Tugon naman ni Heather na tila ba masayang-masaya sa selebrasyon na nagaganap.

      "Oo naman, minsan lang naman ito mangyari kaya dapat sulitin na natin." Ang sabi naman ni Elora na kanina pa kain ng kain ng masasarap na handa ng pamilyang De Fleune.

      "Yeah, I really like the way you treat others, your highness." Saad ni Diane.

      "Gano'n dapat. Hindi porket matataas na tao ay wala nang pakialam sa iba. Dapat ay magpakumbaba rin." Ang tugon naman ni Reyna Caelia.

      "Mga panauhin." Dinig ang malakas na boses ni Haring Vesonto nang siya ay nagsalita.

      "Salamat sa inyong pagpunta. Salamat sa inyong pakikiisa." Pasasalamat naman ni Haring Vesonto at pumalakpak naman ang nakararami.

      "Naririto tayo upang ipagdiwang ang ating kalayaan. Wala nang babagabag at wala na tayong mabigat na intindihin." Ang sabi ni Haring Vesonto sa lahat.

       "At isa pa, may isang taong gustong humingi ng tawad. Pakinggan muna natin siya." Ang sabi ni Haring Vesonto, maya-maya ay nakita nila si Haring Batromonio na lumabas at napatingin naman ang lahat sa kaniya.

      Hindi masaya ang mukha ng mga tao nang makita siya kaya naman agad na niyang sinimulan ang nais niyang sabihin.

      "Pasensya na sa inyong lahat." Pagsisimula ni Haring Batromonio ngunit hindi pa rin masaya ang reaksiyon ng mga panauhin.

      "Alam ko na madami akong kasamaan na ginawa sa inyo at alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa ngayon ngunit iisa lamang ang maaari kong masasabi sa inyo..." Paliwanag ni Haring Batromonio, tumingin siya sa lahat ng panauhin at lalong-lalo na kay Haring Vesonto.

      "Galing sa aking puso ang aking paghingi ng tawad. Pasensya na kayo, pasensya na sa abala. Pasensya na sa lahat ng kasamaan ko. Pasensya." Iyon lamang ang tanging masabi ni Haring Batromonio ngunit wala pa rin siyang nadidinig mula sa mga panauhin.

      "Lahat tayo ay nagkakamali at uulitin ko, pasensya na. Magbabago na ako at hindi na muli pang mauulit ang lahat ng aking kasamaang ginawa sa inyo. Sa lahat. Patawad." At doon na, doon na natapos ang kaniyang gustong sabihin ngunit imbis na umalis na siya, dinig niya ang hiyawan at palakpakan ng mga tao.

      Iyon lang naman ang kanilang gustong marinig, ang hindi na siya muling gagawa ng masama at magbabago na siya. Para sa lahat lalo na sa kaharian niya, ang kaharian ng Promalon na tanging umaasa na lamang sa kaniya sapagkat wala na si Reyna Kanisha.

      Muling bumalik si Haring Vesonto sa kaniyang tabi at niyakap siya nang mahigpit.

      Tumingin naman si Haring Vesonto sa mga panauhin at itinaas ang kamay nilang dalawa ni Haring Batromonio.

      "Wala ng kasamaan na mabubuo. Maayos na ang sitwasyon ng kahariang Swatrimana at kahariang Promalon." Ang sabi ni Haring Vesonto kaya naman mas sumaya pa ang lahat.

      "Tayong lahat ay magdiwang!" Sigaw ni Haring Vesonto at muling tumingin ito kay Haring Batromonio upang batiin ito.

      "Magandang senyales ito na ikaw ay magbabago na. Maganda 'yan ngunit nakikiramay kami sa pagkawala ng iyong minamahal na asawa." Ang sabi ni Haring Vesonto ngunit si Haring Batromonio naman ay malungkot ang emosyon.

      "Wala naman tayong magagawa. Nangyari na, hindi na pwedeng pigilan. Iyon na 'yon." Malungkot namang sagot ni Haring Batromonio.

      "Ngunit masaya ako sapagkat alam na ng nakararami na hindi na ako ang dating Batromonio na masama at kinakatakutan. Ako na ang Batromonio na masiyahin at-" Bago pa man matapos ni Haring Batromonio ang kaniyang sasabihin, inunahan na siya ni Haring Vesonto.

      "At mabuti." Dagdag ni Haring Vesonto st nagtawanan naman silang dalawa.

~••••••~

      "Ang sarap naman nito." Ang sabi ni Elora habang tuloy pa rin sa pagkain.

      "Oo naman, masarap talaga magluto ang mga katulong namin dito." Ang sagot naman ni Prinsesa Serenity.

      "Tataba talaga ako nito pagbalik ko sa mundo ko tapos sasabihin ni Mama, ano ba 'yan saan ka nanggaling at lumobo ka ng ganiyan." Ang sabi ni Heather at nagtawanan naman silang lahat.

      "Sabihin mo kumain ka ng maraming pagkain sa panaginip mo." Biro naman ni Ysella at muli silang nagtawanan.

      "Ang sarap naman ng kamay mo dyan, Loreen." Natatawang sabi ni Remie habang pinagmamasdan si Loreen na kumakain gamit ang kaniyang kamay.

      "Ano ka ba, ganito ang totoong Pilipino, marunong kumain gamit ang kamay tapos minsan nakataas pa ang paa." Biro naman ni Loreen.

      "O, bakit hindi nakataas paa mo?" Natatawang tanong ni Remie.

      "Syempre, kailangan minsan formal tayo pero sa kainan, wala ng pakialaman." Ang sabi naman ni Loreen habang tumatawa.

      Si Anisa naman ay pinagmamasdan si Loreen, ang nagsulat ng kaniyang istorya. Ang kaniyang dakilang manunulat.

      "Enjoy the food, Queen!" Bati ni Anisa kay Loreen.

      Ngumiti naman si Loreen at tumango sa kaniya bilang sagot. Masayang nakakasama ang kaniyang mga karakter na ginawa at sinulat niya.

      "Likewise." Ang sagot naman ni Loreen.

      Masaya. Nagtatawanan. Nagkukulitan. Lahat ay nakangiti. Walang tatalo sa magkakaibigang tunay. Kaya mapapa-sana all ka na lang sa mga may set of friends na walang plastikan. Squad na tunay ang mga kabilang.

      Masaya magkaroon ng mga kaibigang totoo at nagmamahalan.

      Solid.

Adventures in Efarial ✔️Where stories live. Discover now