Chapter 9: Bul-Khatos Vidala

1.9K 66 13
                                    

October 31, CS344. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng mawala si Eiel. Labis-labis na ang pag-aalala ni Lisa, dahil maraming beses na niyang sinubukang hanapin ito. Maraming bayan na rin ang kaniyang napuntahan upang dito maghanap, ngunit bigo pa rin siyang makita ang kaniyang kapatid. Bigo rin siyang makakuha ng kahit konting impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Eiel, kaya minabuti niyang hanapin na rin si Fate upang ito’y tanungin.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa byahe si Lisa, dala ang sasakyang huling ginamit ni Eiel. Patungo siya ngayon sa katabing bayan ng nasirang Lorencia, dahil ito na ang kinikilala nilang tirahan sa ngayon, ang bayan ng Devias.

Inabot ng halos pitong oras bago tuluyang marating ni Lisa ang kanilang bayan. Dumaan muna kasi siya sa mga katabing bayan upang magbakasakaling makita niya doon si Eiel o si Fate, ngunit nabigo lang siya at wala ring nakuha kahit konting impormasyon.

Halos gabi na kaya hindi namalayan ng lolo ni Lisa ang pagdating nito.

*Oh apo! Nandito ka na pala! Kumain na ba kayo ni Eiel? Alam kong mahaba ang naging byahe nyo!” Masayang pagkakasambit ni Sander.

*** Sander Griswold. Siya ang lolo ni Lisa na isa ding tanyag na bounty hunter nung kapanahunan niya. Kahit matanda na ay bihasa pa rin siya sa pag gamit ng mga baril. Magaling pa rin siyang makipaglaban, ngunit sa estado ng kaniyang katawan sa ngayon ay mabilis na siyang mapagod.

Kahit may katandaan na ay medyo matipuno pa rin ang pangangatawan ni Sander, nasa 5’9” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at mapuputi na ang dating brown nitong buhok. ***

 

“Pasensya na po, lolo. Pero dalawang linggo ng nawawala si Eiel.” Sambit ni Lisa.

 

“Si Eiel nawawala? Bakit?” Sambit muli ni Sander.

 

“Hindi ko rin po alam, basta na lang siyang nawala ng walang pasabi. Iniwan niya yung sasakyan na’min dun sa gun shop kung saan kami tumutuloy at pagkatapos noon ay wala na akong balita tungkol sa kaniya.” Sambit muli ni Lisa.

“Ano ba ang nangyari bago siya mawala? Baka naman nag-away kayong dalawa at hindi mo lang sinasabi sa’kin?” Sambit muli ni Sander.

 

“Hindi na kami mga bata lolo!” Sambit muli ni Lisa.

 

“Pero bata ka pa Lisa. 19 ka palang!” Sambit muli ni Sander.

 

“Lolo naman eh! Pero hindi po kami nag-away.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Kung ganon, ano ba talaga ang nangyari bago siya mawala?” Sambit muli ni Sander.

 

*Hmm.. Nakalaban kasi na’min ang mga nagsasabing mga ka-grupo dati ni Eiel. Tosara pa nga ang tawag nila sa kaniya at ang bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng mga mapanganib na elemento, tulad ng: Vividium, Lalaxide at Dallium.” Tugon ni Lisa.

Gun X BountyDär berättelser lever. Upptäck nu