Chapter 5: Harogath City

2.4K 67 20
                                    

Gabi ng October 08, CS344, sa loob ng kwarto ng magkapatid na Griswold sa isang hotel sa bayan ng Hyon. Sa ngayon ay pinag-uusapan pa rin nila ang lalakeng hinihinalang si Bul-khatos na nagpakita sa bayan ng Argos.

Mukhang totoo na ang isang to, Eiel. Seryosong pagkakasambit ni Lisa.

*Uhm! Mukhang mapapalaban tayo ng husto sa pagkakataong ito, pero kung siya nga talaga si Bul-khatos ay bakit magkatulad kami ng baril?Sambit naman ni Eiel.

Hindi ko rin alam ang sagot sa bagay na yan. Pero ang angking galing mo sa pagkikipaglaban ay sobrang taas na, kahit nung mga panahong nagsasanay pa lang akong humawak ng baril. Sambit muli ni Lisa.

Ang pinupunto mo ba ay kaibigan ko ang lalakeng nasa larawang ito? Tanong ni Eiel.

Hindi naman sa ganon, pero natitiyak kong malaki ang posibilidad na kilala ka ng lalakeng nasa larawang yan. Tugon naman ni Lisa.

Pero papaano kung siya nga talaga si Bul-khatos at isa pala ako sa mga kasama o kaibigan niya, ano ang gagawin mo? Seryosong pagkakatanong ni Eiel.

Hi..hindi ko alam. Mahinang pagkakatugon naman ni Lisa.

Wag kang mag-alala. Sa oras na malaman kong isa ako sa dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo, hahayaan kong ikaw na mismong pumatay sakin. Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.

Wag ka ngang magpatawa! Imposibleng kasama mo yung mga lokong yon! Iyakin ka, matatakutin, masayahin, matipid sa pera, magalang sa matatanda, kaya imposibleng kasapi mo ang kriminal na Bul-khatos na yon! At isa pa, ang iniisip ko ay baka isa ka sa mga nakalaban niya at hanggang sa ngayon ay alam niyang patay ka na. Sambit naman ni Lisa.

*Hahaha! Mukhang tama ka nga, pero kung sakali mang magkatotoo ang sinabi ko. Gusto kong ikaw na mismo ang pumatay sakin.Masaya sa una pero seryoso na sa bandang huli ng sambitin ito ni Eiel.

Tama na nga yan at matulog na tayo!Sambit naman ni Lisa.

Matapos masalita ay agad ng humiga sa kaniyang kama si Lisa at mabilis itong nagtalukbong ng kumot. Samantala, agad namang kinuha ni Eiel ang kaniyang Rotten skull at tinitigan niya ito.

 

Saan ka ba talaga nagmula at sino ba talaga ako? Mahinang pagkakasambit ni Eiel.

Ilang sandali pa ay pinatay na ni Eiel ang ilaw at kasunod nito ay humiga na rin sa kaniyang kama. Narinig naman ni Lisa ang mga sinabi nito, pero sa kaibuturan ng kaniyang puso ay imposible niyang magawa ang bagay na ipinakiusap ni Eiel sa kaniya. At ito ay ang pagpatay sa kaniyang itinuturing na kapatid.

Gun X BountyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang